Kabanata 18

47 0 0
                                    

Sabado ng umaga. Sumisikat na ang araw nang makarating si Katrin sa Gym. Pawis na pawis na ang mga manlalaro mula sa kanilang routine na medyo hindi na ganon kalala sa dati. Iyon ang naging reward nila mula sa coach. 

Nakangiting mga mukha ang sumalubong sa kanya. Nakaupo sa bandang gitna ng court ang mga point guard kausap ni Angelo tungkol sa mga maling desisyon nila sa nagdaan laban. Ang mga sentro at forward naman ay nag eensayo sa pambabalya makakuha lamang ng rebound habang nag eensayo ang kanilang mga shooter.

Umupo si Katrin sa bench habang pinagmamasdan ang buong team. Bakit nga ba may mga taong nagsisikap sa mga ganitong bagay? Gumigising ng maaga tumatakbo tumatalon, gumugulong, nadadapa, nasasaktan. 

Maliban sa nakakapagod, mahirap pang ipag sabay sa pag-aaral. Pero kung sabagay hindi naman lahat ng tao ay pare-pareho ang iniisip. 

May mga taong sadyang ginawang malakas, may mga natural nang mabilis, may mga taong sadya talagang matalino. 

Ang importante lang naman sa buhay ay alam mo kung saan ka magiing masaya at alam mo kung saan ka magkakaroon ng pakinabang. 

May mga taong nasa kanila na ang lahat ngunit hindi pa rin nila nagagawang magkaroon ng silbi sa mundo.

Masyado nang lumalalim ang pag iisip ni Katrin nang biglang...

"Hoooooooooy!!!!!"

"Ahhhhhhhhhh!"

Anong nangyari?

Muntik malaglag ang baga ni Katrin sa ginawang iyon ni Ronnel. Hinhabol niya ang hininga habang nakalagay ang dalawang kamay sa dibdib.

"Hahahahahahah!!!!!!"

Nagtatawanan ang buong team sa ginawang kabulastugan ni Ronnel. Palong-palo ang ginawa nitong pangugulat sa bagong miyembro ng kanilang team. 

Sa bandang huli, gustuhin man niyang magalit wala na siyang magagawa. 

Nakitawa na lamang siya. Total naman ay napasaya na niya lahat ng tao sa loob ng gym naging masaya na rin siya para sa kanila.

Napansin niyang kahit hindi sagaran ang tawa ni Juanito ay natawa naman ito kahit papano.

"Akalain mo nga naman may tendecy rin palang ngumiti tong lalaking to" isip ng dalaga. Nahuli naman ni Alex ang pagtatagpo ng mata ni Katrin at Juanito. Siniko naman nito si Ronnel at inginuso ang nakikita niya. 

Nakangiti sa isa yong isa at ganon rin naman yong isa sa isa. Sa wakas nakita rin niya ang itinatagong ngiti ng binata. Akala kasi niya maliban sa pagpigil sa pag ikot ng mundo, ang sunod na imposibleng bagay ay ang pag ngiti ng binata. 

Matagal rin silang nagkatinginan- mga 10 seconds. Matagal na iyon, lalo kung iisipin mo kung paano itinatrato ni Juanito si Kat.

"Awoooooooooooooooo"

"Hahahahahahahahahahahahahah"

Sigawan doon, sigawan dito, suntukan, sikuhan, kurutan, sigaw ulit, tawa ulit. Ganito pala kiligin ang mga lalaki- brutal.

Matapos maka get-over ang buong kuponan. Muli nanaman bumalik ang grupo sa mga drill. Pinag-aaralan nila ang execution ng game plan nila. 

Pasa dito, tira doon, takbo, box-out, rebound, agaw, may matutumba, may tatamaan ng siko, suntok, balikat, kurot. May iiyak, may magsusumbong sa coach, may papaluin si coach, pero joke lang yung huling sinabi ko.

Halos dalawang oras din bago nila naperpekto ang mga set play, at defensive formations, hindi naman pala perpekto- correct execution lang yung tawag doon.

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon