Kabanata 14

73 1 0
                                    

Isang buwan na mula noong natapos ang eleksyon para sa mamumuno Student Government na sa ngayon ay naka upo na. Isang buwan na na ring umiiwas si Katrin kay Juanito at sa lahat ng tao.

Ang dating lantad na lakwatsera ay tila sinasapian ng kung ano mang ispiritu ng pagpapakabait. Marami tuloy nagtataka. Kasama sa kanila ang mga guro na tila yata tuwing makikita si Katrin na nagbabasa sa bakanteng oras ay susubukan munang kurutin o sampalin ang sarili masiguro lamang na hindi sila nanaginip.

Mas matindi pa ay kapansin-pansin na tumaas ang mga kuha niya sa pagsusulit. Ang totoo sa ibang mga aralin ay nangunguna na siya.

Huminto na rin siya sa pag sayaw at hindi na siya nakikita sa kung ano mang mall at kainan, sinehan, bar, park at kung saan-saan sya dating naglalagi.

Hindi tuloy malaman ng mga plastic niyang kaibigan kung ano ang kanilang magiging reaksiyon. Magiging masaya ba sila para sa dalaga dahil sa wakas may direksyon na ang buhay niya o malulungkot dahil wala nang manlilibre sa kanila.

Ang isa pang kakaiba ay naging tambayan na niya ang isa sa pinaka kinatatakutang lugar sa kanilang paaralan. Isang lugar kung saan pagpasok pa lamang ay nangangatog na ang iilan. Sa lugar din na ito nagtatapos ang pangarap ng mga mag aaral na magkamit ng diploma mula sa nasabing paaralan.

Wag kang mag alala hindi haunted house ang tambayan ni Katrin. Ang tinutukoy ko ay Guidance Counselor's office.

Naging trip ng dalaga na tumambay roon mula nang minsang nakita siya ng guidance counsellor na umiiyak sa English Park. Syempre doon nagsimula na nagbago ang pananaw nito sa buhay. 

Merong tao na nagka interest na lumapit sa kanya na hindi niya kailangang magpapansin, o lumapit sa kanya ng walang kailangan. Nabuksan ang isip niya. Nakita niya ang mas malaking litrato kung bakit siya nagkakaganon. 

Hindi naman sya nagsisi na sinunod niya ang payo ng tinatawag niyang maam Anna. Maganda kasi ang mga naririnig na report ng mga magulang ni Katrin at mula noon lagi na siyang kinakamusta ng mga ito. 

Doon niya nalaman na kaya pala hindi siya madalas na tawagan ng mga magulang niya dahil sa sobrang dami ng kalokohan na nagagawa niya ay iniiwasan na lang siya ng mga itong makausap dahil ayaw rin nila na nakakapagsalita ng masakit tungkol sa kanya.

Noon niya lang naranasan na maging parte ng isang pamilya. "Hindi Parents mo ang problema Kat. Ginagawa nila ang lahat ng pwede nilang magawa para sa iyo. Matatanda na sila sa iyo rin mapupunta ang lahat ng pinaghirapan nila. Mahalin mo sila ng totoo yon lang ang magagawa mo. 

Mag aral ka nang mabuti. Ipakita mo na may saysay ang paghihirap nila. Oo may problema ka sa kanila pero may problema rin sila sayo. Ikaw ang mag adjust dahil naranasan na nilang maging anak, pero ikaw hindi mo pa naranasan kung paano maging magulang." 

Isa ito sa mga litanya ni Maam Anna na kapagpabago sa tingin ni Katrin sa buhay niya. Ito rin ang isa sa mga paborito ni Katrin.

Kung bakit ba kasi napakasama ng imahe ng guidance counselor sa mga mag-aaral. Kung bakit ba ang tingin ng marami may nagawang hindi kanais-nais ang sinumang pumasok sa lugar na iyon. 

Ang problema kasi, ang guidance office ay nagiging katulad na ng isang talyer. Isang lugar na pinagdadalhan sa mga sirang bagay- mga mag-aaral na naghahanap ng attensiyon na hindi naibigay ng pamilya at nakahanap ng kalinga sa mga kabarkadang ang pampalipas oras ay pagbabasag-ulo, mga mag-aaral na nagsisimula nang mahuling tumitikim ng bawal na gamot, mga mag-aaral na nahuhumaling sa mga bagay na hindi pa dapat at nagsisimula nang magbunga, mga kabataang huli na upang maagapan ang problema. 

Mga kabataang wala nang ibang pagpipilian kundi ang pagsisihan ang kanilang mga pagkakamali. Hindi naiintindihan ng marami ang milagro na kayang dahil ng tamang pananaw sa buhay.

Ano nga naman ang magagawa ng guidance counselor kung mismong ang mga dapat tulungan ay hindi lumalapit sa kinauukulan. Hindi nila alam kung gaano kahalaga ang magiging payo sa kanila ng isang dalubhasa sa problema ng tao.

Nagsimula ang pag bisita ni Katrin nang minsang naisipan ni Anna na maglakad-lakad sa palibot ng campus.

Election ng "SG" noong mga panahong iyon. Naisipan niyang pumunta sa English park at saktong pagdating niya nakita niyang may isang dalagang umiiyak. Naramdaman niya ang kalungkutan nito na wala kahit isang balikat man lamang na masasandalan o kahit isang palad na tatapik ng kanyang likod.

Dahil nga siya ang guidance counsellor, kilala niya si Katrin. Ang posisiyon niya sa paaralan ang naging dahilan kung bakit maraming mga tsismis at sabi-sabi ang nakakarating sa kanya kahit hindi niya naman tinatanong. Idagdag pa sa equation na ama ni Katrin ang isa sa mga major stockholder ng paaralan, hindi na kailangan pa ng mahabang paliwanagan kung bakit kilala ni Anna ang dalagita. 

Bilang Psychologist, alam nya rin ang pinagdaraanan nito. Isa sya sa mga kung tawagin ay Latchkey Kid. Sila yung mga batang walang dinaratnang magulang sa bahay.

Syempre alam niya rin na ito ay naghahanap ng kalinga. Isang kalinga na mula noong siya ay nagkaisip hindi niya naanasan ng buo.

Tahimik na umupo si Anna sa tabi ng dalaga. Ang dalaga naman ay nagpunas ng luha dahil nahihiya sa kanyang katabi.

"Alam mo ba na nililinis ng luha ang eyeball natin?"

Hindi pa rin nagsalita ang dalaga.

"Anong problema? Wag kang mahihiyang kausapin ako. Binabayaran ako ng school para gawin yun."

"Wala naman po may pinagdaraanan lang po"

"Hindi ka naman siguro iiyak kung wala diba" Ganti ni Anna Habang pnapakita ang kanyang matamis na ngiti.

"Opo siguro po"

"Good it just shows that your brain still functions normally"

"Would you mind if you tell me? Maybe I can help."

"Haaaaay hindi na po siguro. Maliit na bagay lang to sasayangin ko lang ang oras nyo."

"Alam mo Kat, hindi pagsasayang ng oras ang ganitong pag-uusap alam mo ba?"

Tahimik lamang si Katrin na nakatitig sa malayo. Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan at muling nagsalita si Ana.

"Minsan ang mga bagay na maliliit, kapag pinagsama-sama, nagkakaroon ng mabigat na epekto sa buhay ng bawat tao." Nakatingin si Ana sa mata ni Katrin suot nya pa rin ang ngiti- isang ngiti na tila nagsasabing Subukan mong magtiwala.

Hinintay muna ni Anna na lubusang malasahan ng dalaga ang sustansiya ng kanyang sinabi, bago ito nagsalita muli.

Ang mga sumunod na pag-uusap ay lalo pang naging makabuluhan. Ang kaninang lumuluhang si Katrin ay katulad ng isang bata na nagkaroon ng bagong laruan. Hindi lang isang guidance counselor ang kanyang nakausap, dahil sa pag lipas ng mga araw lalo pa silang naging malapit.

Hindi man namamalayan ng dalaga na nag-iiba na ang kanyang pananaw sa buhay sa paglipas ng mga araw, napapansin na rin naman ito ng marami. Mula noon ang, guidance office na ang kanyang naging tambayan. 

Nagkaroon siya ng isang magulang sa loob ng paaralan, isang ate na handang makinig sa kanyang mga hinaing at isang balikat na handang sumalo sa luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata.

Ang dating sosyal na palaboy ay unti-unting nagkakaroon ng direksiyon at unti unti niyang naiintindihan ang buhay.

Napapansin na rin ni Juanito ang mga pagbabago sa kilos ng dalaga. Mag-isang naglalakad si Katrin sa guidance office. Si Juanito naman ay nakatingin mula sa malayo itinatanggi sa sarili ang nararamdaman sa dalaga kahit halata naman sa mga ikinikilos niya na meron siyang pagtingin dito.

"The value of a woman is measured on how she values herself." Tahimik na naglalakad si Katrin palabas ng gate. Si juanito naman ay nakatingin mula sa malayo. 

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon