Kabanata 15

57 1 0
                                    

Huli na ng limang minuto sa practice si Juanito noong dumating siya sa gym. Buti lang wala pa si coach. Hindi tuloy siya naparusahan Naabutan niyang ang mga kasama na abala sa pagpapasikat sa mga kadalagahan sa loob ng gym.

Si Jiro ay bibong-bibo paulit-ulit na nag-tatap board. Si Alex naman, agaw atensyon sa pagdedribble ng dalawang bola at may nalalaman pang behind the leg at kung ano-ano pang pagpapasikat. 

Sina Henry at Peter naman ay abala sa pagpapacute at pag hingi ng cellphone number ng mga theatre members siyempre plus points na agad- basketball player ehh panabla ng katotohanang hindi sila kagwapohan.

Si Jeffrey naman, abala rin sa pagpapakitang gilas. Siguro kung marunong lamang magsalita ang ring, ito ang sasabihin nito;

"Jeff parang awa mo na, tumigil ka na sa pagpapractice mag dunk! Ang sagwa na talaga tingnan. Para ka kasing lumilipad na palaka."

Ang iba naman ay tawa nang tawa sa pinapanood na prank videos sa cellphone ni Larry.

Tumabi si Juanito kay Gabriel. Tahimik na nakaupo ang dalawa. Pinagmamasdan ang mga kasama na tuwang-tuwa sa kani-kanilang ginagawa.

"Ano bang nakain ng mga to"

"Hindi ko nga po alam ehh kala mo nakakain ng dahon ng tawa-tawa."

"Hindi lang yan nakainom ng gamot"

"Mercy killing nalang po dapat jan di na tatablan yan."

"hahahaha hard!"

"Wala pa si coach?"

"Dito na po siya kanina bigla lang umalis. Hindi mapakali natatae yata."

"Ahahahahahahah kaya pala wala pa dito"

"Hahahahaha ano kaya itsura non habang umiire?"

"Pareho rin siguro ng mukha ni Kuya Ronnel kapag ngumingiti"

"Ahahahahahah"

Muli nanaman silang natahimik. Matapos ang ilang minutong paghihintay dumating na si Angelo.

Masisimula pa lamang siyang magsalita nang sumingit si Ronnel

"Sir survive?"

Tiningnan ni Angelo ng masama si Ronnel at inilagay ang hintuturo sa ibabaw ng kanyang labi sabay pasimpleng bulong ng "quiet!!"

"The mayor's cup will start this coming friday 6:00 pm. We are scheduled the first game against National High School."

"Ahhhhhhh ok sir anong oras raw?" tanong naman ni Jiro habang humihikab.

"6:00 PM ang call time dapat lahat doon na."

"Aga naman sir may officiating officials na kaya non? Hindi pa kami nakakain non ehh"

"Gusto mo ba maglaro o hindi"

"Joke lang sir haha doon na ako magtuloy galing school".

"Ok baseline boys!! On my whistle...Prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrt!"

Nagsimula nanaman ang matinding 20-minute jogging 10-minute sprint, lateral moves drills touch-and-go ibat-ibang passing drills.

Lumipas ang isang oras na puro drill ang ginawa nila. Wala silang ginawa sa bawat practice kundi tumakbo nang tumakbo. Kung may bagay na susumpain nila kung bakit sila mabuhay ay ang pagtakbo nang halos tatlong oras ibat-ibang posisyon, ibat-ibang ibang gimik pero pagtakbo pa rin ang mga ginawa. 

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon