Kabanata 26

31 1 0
                                    

Nakaupo ang lahat sa linya ng mga upuan sa harap ng presidente ng paaralan, principal, guidance counselor, at representative mula sa sports commision ng kanilang siyudad. 

Syempre magkahalong kaba ang nararamdaman ng bawat isa. Ehh matripan ba naman nilang makipag rambol sa kalaban nila na kahit sigurado na rin naman na sila ang panalo.

Sa unang pagkakataon tahimik si Ronnel. Nakisama siya sa hinihingi ng sitwasyon. Alam naman ng buong team na hindi magtatagal ang katahimikan na iyon dahil wala pang isang segundo matapos nilang makalabas sa silid na iyo ay magsisimula nanaman ang bibig nito na walang kapaguran sa pag dakdak ng kung ano mang bumabagabag sa utak niya na pawang walang katuturan.

Si Juanito naman as usual sya ang pinaka tahimik. Si Gabriel naman, pagkain ang laman ng utak. Kahit nga siguro isabak sila sa yungib ng mga umaatungal na leon ehh fried chicken parin ang nasa isip nito.

Ang iba pinagmamasdan ang paligid na tila ba sa pagkakataon na hindi sila nakabantayay may lalabas na isang halimaw na kumakain ng hilaw na karne. Alam nilang posibleng mangyari yun. Isang maling sagot o sa isang maling tono ng pananalita maaring maglaho ang lahat ng kanilang pinapangarap.

Ilang minuto rin silang nag titigan sa loob ng silid. Nakabibingi ang katahimikan na para bang may isang anghel na pumipigil sa bawat isa sa pagsasalita. Parang ang pagbuka ng bibig ay isang mortal na kasalanan na karapat dapat hatulan ng habang buhay na pagkakakulong sa mabaho at mala-sardinas na piitan.

"Goodmorning" pasimula ng presidente ng paaralan habang inilibot ang tingin sa kanyang mga manlalaro. Mahirap basahin ang iniisip ng presidente. Kasing hirap ng pakikipagtitigan sa isda.

"Gooooood moooorning sir" sabay-sabay na sagot ng mga basketball player. Mahahalata sa tono nila na mukhang guilty rin sila kahit papaano.

Paulit-ulit na ipinagbilin ni Angelo na pagpapakumbaba ang dapat lumabas sa labi ng bawat isa, bago sila pumasok sa silid. Simpleng pagpapakumbaba na mahirap gawin lalo na kung iisipin na hindi sila ang nanguna. Yung pagpapakumbaba talaga na iyan!

Mukhang pumasok naman sa puso ng mga manlalaro ang ibinilin sa kanila ng coach. Masakit pakinggan yung mga nasabi ng principal pero wala naman silang magagawa dahil gusto nilang mag laro.

Umikot ang pinag-usapan nila sa tamang pag-uugali ng isang atleta. Wala silang ginawa kundi sumang ayon. Humingi ng tawad at magkunwaring nakikinig. May mga panahon na parang gusto nang sumagot nang pabalagbag ni Ronnel buti na lamang ay napipigilan siya ni Katrin bago pa siya makagawa ng anumang bagay na pagsisisihan niya.

Tik....Tak..... Tik.... Tak......

tik........ Tak..

Krrrrrrrrrrrrrrng!!!!!

Ang isang oras sa loob ng sinumpang silid na iyon ay tila isandaang taon na hindi man lamang tumatakbo. Ang relo ay parang isang bagay na masarap ibalibag dahil hindi nakikiayon sa panahon. Bakit nga naman kasi kung ikaw ay masaya ehh parang bullet train ang paglipas ng bawat sandali. Kung kailan ka naman nasa sitwasyon na ayaw mong maranasan, kung bakit ba daig pa ang lumpong pagong na may dalang bundok ang takbo ng orasan sa kabagalan.

Sa wakas natapos na rin ang isang napakahabang litanya matapos ang isang mas mahaba pa, at ng isa pa, at ng isa pa ulit. Magkakasama pa rin silang lumabas nang tahimik.

"Saan tayo ngayon pre?" Simula ni Ronnel ugali nya na talagang bumasag ng katahimikan

"Saan tayo?" nakakatuksong tanong ang isinagot ni Jeric.

Nagtinginan ang lahat. Kaliwa, kanan, taas, baba, tingin sa palibotnat ang pinakahuli kay Katrin.

"Osige na alam ko na yan! Sagot ko main course kayo na bahala sa iba." Sagot naman ni Katrin na may halong pagkatalo dahil alam nanaman niyang napagkaisahan nanaman siya.

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon