Kabanata 17

48 0 0
                                    

#feelinggreat. Iyan ang eksaktong nararamdaman ng buong varsity team ng LEIAS. Hindi ka nga naman magiging proud ewan na lamang. Sukat ba namang ibaon sa kawalan ang kalaban. Hindi man lamang binigyan ng pagkakataong maka score. 

Malamang sa malamang may isa sa mga manlalaro ng kalaban ang hindi na gugustuhing maglaro ng basketball matapos ang gabing iyon.

Patay na ang ilaw sa silid ng kanyang ina nang makarating si Juanito sa bahay nila. Naabutan pa niyang nakatayo ang ama sa terrace ng bahay nila mukhang may kausap sa cellphone na mukhang importante kayat't binati niya na lang ito at pumasok na. Tumango na lamang ang ama bilang tugon sa pagbati ng anak.

Pumasok siya sa kanyang silid nagbukas ng computer. Nagbasa ng lesson niya mula sa kanyang pdf na textbook. Sinagutan ang mga assignment na halos tatlong araw nang deadline na pinagbiyan na lamang siya ng kanyang guro dahil maliban sa athlete siya, naging estudyante rin ito ng kanyang ama (utang na loob naman pala).

"F" pa lamang ang napipindot ni Juanito lumabas na agad ang mahiwagang recommendation ng google chrome (sana naman kumita ang author sa pagpaplug niya sa application na to) hindi halatang hindi friendly si Juanito. 

900 friend requests ang hindi pinakikialaman, may sampung notification mula sa mga papansin ng facebook na umaalok ng isang dakila at makabagong paraan ng pagpaparami ng likers at followers. 

Mga papeymus kumbaga.Ehh ano naman kung ganun? Makakadagdag ba ng katalinuhan kung maraming naglalike at nagkocomment sa post mo ehhh gayun naman na ganito lang ang ipopost "like ko yan idol basta post mo" may kasama pang #likeback.

May karagdagan naman na 15 notification tungkol sa mga games at facebook applications ng mga kaibigan niya. Mas madalas pa yatang magkaroon ng fullmoon kaysa magkaroon ng isang ligaw na kaluluwa na makaalalang mag message sa kanya. 

Ngunit, subalit, datapwat, medyo peymus siya ngayon sa mga kaibigan, tito, tita, teacher, uncle, kapitbahay, kaklase, ka schoolmate, kaibigan ng kaklase, kaibigan ng nanay, kaibigan ng tatay, mga kaibigan ng kaibigan ng anak ng tatay at marami pang iba gawa ng kanilang napaka lupit na panalo.

Syempre sa unang dalawang minuto, bukal pa sa loob niya ang pagpapasalamat. Matapos noon, naisip niyang kawawa naman ag kamay niya dahil sa kaka type ng pasasalamat na reply. Nag status na lamang siya nang matapos na ang kanyang pahihirap. 

Pinaka huli niyang binuksan ang isang message na nanggaling na sa isang sender kilala niya.

Plop! Tumunog ang computer. Ibig sabihin may nag chat sa kanya. Bago lang.

"Congrats" with matching smiley na ganito :-).

Hindi man niya ugaling mag reply sa mga chat, parang merong bumubuhat sa kamay niya upang mag reply.

"Sige na nga irereply ko na lang" kausap niya ang sarili niya. Gawain niya yun. 

Tatanungin muna niya ang sarili sa bawat desisyon na gagawin, kahit alam naman niyang wala namang sasagot sa kanya. 

At sariling desisyon niya lamang ang masusunod dahil sarili niya lang rin naman ang kausap niya. Ang tawag sa ginagawa niya ay "Pag-iisip" o kung sa wika amin sa U.S, tinatawag itong "thinking".

Humahanap siya ng palusot sa sarili. Alam naman niyang gusto niyag mapalapit sa babae na iyon, kaya nga lamang ay inisip niyang na ayaw niya. 

Ipinagsisiksikan niyang balewala sa kanya si Katrin. Meron namang bahagi ng utak niya na nagsasabing mali ang iniisip niya.

Wala siyang pagtingin kay Katrin (Pero pag wala si Kat sa paningin niya hinahanap niya rin)

Naiinis siya tuwing nagpapapansin ito sa kanya, samantalang mas naiisnis siya mula nang magbago ang dalaga at lumayo na sa kanya.

At ito nanaman. Sa isang chat, pakiramdam niya ay hinahabol siya ng sumpung malalanding manyak na zombie sa bilis ng tibok ng puso niya.

Balik nanaman siya sa lagi niyang tanong. Irereply ko ba o hindi? Kapag nireply ko, ano naman ang iisipin niya sa akin? Iisipin niyang may gusto ako sa kanya? No way! Hindi ako kaladkaring lalaki!"

"Teka siya naman ang lumapit ehhh! Sige irereply ko na"

"Teka! Hindi talaga pwede!"

"Ahhhhhhhhhhhh"

"Hello J tnx"

Ayun sa wakas nareply niya na rin.

"Galing mo kanina ahhh"

"Mejo lang naman. sandali ng lang ako sa loob ehh" (nanonood ka kasi)

"Ok lang yun marami ka naman score ehh. Ui oo nga pala gabi late na to. Tulog na tayo goodnight."

"Ok J nyt2 na. Kita na lang tayo bukas sa practice"

"Agad agad? Cge nyt na"

"Bakit namiss mo ko?"

"Sino nagsabi sayo? Ano yon? Nakakain ba yon?" At matapos noon hindi lumabas na offline na si Kat kaya natulog na rin si Juanito. 

Medyo naiinis siya kasi nga bitin pero parang naiinis rin siya sa sarili kung bakit niya nireply nababasag na tuloy ang pa-suplado-epek niya.

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon