Kabanata 29

34 1 0
                                    

 "Bakit ang bitter mo?" Si Katrin yon magkausap sila Juanito habang pinapanood ang mga kasama na parang magsusuntukan na sa paglalaro ng patintero. 

Masyadong mataas ang level ng competition. Walang gustong magpatalo na para bang ipinusta na nila ang lahat ng kanilang mga ari arian.

"At bakit hindi? Tandaan mo ang ampalaya masustansya" Sagot ng binatilyo. Malalim pa rin ang iniisip.

"Ahhhh ok. Edi wow."

"Talo ka na sa argument kaya ginamit mo na yang pambara na yan?"

"Alam mo nakakatakot ka."

"Oo alam ko."

Tumingin na lang si Katrin kay Juanito nakataas ang kilay at biglang sumimangot. Natawa naman ang binatilyo noong nakita niya ang reaksyon ng dalagita.

Huminga ng malalim si Juanito. Naalala niya lahat ng mga bagay na masasakit. Sabay sabay itong dumating sa kanyang pamilya. 

Ayaw niya mang aminin pero sinisisi niya ang maraming tao kung bakit nangyari sa kanila iyon. Sinisisi niya ang kalaban niya na naging dahilan ng injury niya sa palarong pambansa. Sinisisi niya ang ex girlfriend ng kuya niya na naging dahilan ng pagkamatay nito. 

Kahit nga siguro aso ng lolo ng kapitbahay ng kapatid ng kuya ng ate ng kaibigan niya ay masisisi niya ehh. Hindi niya man alam kung sino ang dapat sisihin, gusto niyang may mapagbuntunan sa pagkakaroon ng sakit ng kanyang ina.

Hindi na niya napansin na naikwento niya na pala ang lahat ng iyon kay Katrin. "Anong nangyari sa kuya mo?" tanong ni Katrin dahil gusto niyang may malaman pang ibang detalye.

Bago lang na tauhan si Juanito na ang dami niya na palang naikwento. Natawa na lang siya sa sarili niya. "Hahahahahahha! haaaay Kat bakit ko ba nakukwento to sayo?!" Tumawa siya para itago ang mga luha na hindi na niya mapigilan.

"Kasi nagtatanong ako?" Sagot naman ni Katrin sa tonong parang nagtatanong rin ang tono.

"Ano ka girlfriend ko?" banat naman ni Juanito nakatingin ito ngayon sa apoy.

"Sana nga! Kaya lang bitter ka! Hehehe joke." Ganti naman ni Kat na may konting padaplis. Pero ang totoo gustong gusto niya nang maging sila ni Juanito.

"There was a girl named Karen."

"Sino si Karen? First love mo?" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Katrin sa narinig niya. Pinilit niya na lang mag mukhang insterested kahit sa mismong oras na iyon ay gusto na niyang magpakalunod sa dagat na nasa harap nila.

Natawa naman ni Juanito sa nakita niyang reaksyon ng dalaga kaya sinakyan niya naman ang maling akala nito. "Oo. We promised each other that we will wait for the right time."

Gusto nang umiyak ni Katrin sa narinig niya. Buti na lang kumambyo si Juanito. "Joke! Ex yon ng kuya ko wag kang umiyak tanga!"

"Hahaha!" Hilaw ang tawa ni Katrin malapit na kasi siyang umiyak pinilit nya na lang tumawa. Nakakahiya naman kasi sa kasama niyang mas mapait pa sa kape barako. "Kaiiiiiiiinniiiiiiiiiss kaaaaaa!" nasabi ni Katrin habang kinukurot niya ang binatilyo na tawang tawa parin sa ginawa niya. May narinig silang sumigaw. Chorus ito ng mga kalalakihan "WALANG FOREVER!"

Iba talaga ang epekto ng luha ng isang babae. Parang may mga kwerdas na nagalaw sa kaloob-looban ng katawang lupa ni Juanito. Gusto niyang magtaka kung bakit mas maganda na ngayon sa paningin niya si Kat. 

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon