Nandito ako ngayon sa classroom ng first subject ko. Nakatulala lamang ako sa blackboard, masyado akong napaaga dahil sa kumag na katabi ko ngayon. Kasama ko si Andrei dahil inutusan rin daw sya ni Dad na bantayan ako maging sa loob ng classroom. Nainform na rin daw ang school staff kaya okay lang daw ito. Ang shit lang. Para namang may gagawin pa akong kalokohan dito sa loob ng classroom.
"Ang aga-aga nakakunot noo mo" sabi ni Andrei.
"Shut up" I side eyed him.
"Masyado pala tayong napaaga sa klase mo" he chuckled.
"Hayop ka" I hissed.
"Hahaha, wag kana magalit. Ayaw mo nun hindi ka late?" he laughed. Sinamaan ko lang siya ng tingin nang biglang bumukas ang pintuan.
"BEVERLY!" sigaw ni Beth at tumakbo papunta sakin pero hindi ko siya pinansin.
"Bakit ngayon kana lang ulit pumasok? Nagkasakit kaba?" tanong ni Beth pero di ko pa rin sya sinasagot. Nakadiretso lamang ang tingin ko sa board.
"Bev?"
"Ah miss, ako nga pala si Andrei. Bodyguard ni Beverly. Pasensya kana ha, masama lang pakiramdam nya" Andrei laughed awkwardly.
"Ah ganun ba? Sige, nice to see you again Bev" paalam ni Beth at umupo nasa upuan nya.
Lumipas ang first to third period kaya tapos na ang klase ko pero pinili ko tumambay dito sa mini science park. Kakaunti ang tao at tahimik.
"Bat ka naman ganun sa kaklase mo kanina?" tanong ni Andrei na bigla na lang sumulpot.
"Nakakainis naman. Akala ko natakasan na kita" sabi ko.
"Tss, Hindi ka makakatakas sakin tsaka tapos na klase mo. Tara na umuwi"
"Mauna kana, dito muna ako" sabi ko pero naramdaman ko umupo sya sa tabi ko.
"Bestfriend mo ba dati si Beth?"
"Sino namang may sabi nyan? Wala akong bestfriend"
"Para kasing ganun eh, nakakaawa siya" malungkot nyang pagkakasabi.
"Para sa isang lalaki, madaldal ka" tiningnan ko sya, nakatingin rin pala siya sa akin.
"Gusto lang kita kilalanin" ngumiti siya.
"Bodyguard ka, kliyente ako. Saan ka nakakita ng bodyguard na close na close sa kliyente nya?" nangunot ang kilay ko.
"Ewan ko sayo" sinamaan nya na lang ako ng tingin.
"Umuna kana umuwi" pilit ko sa kanya.
"Beverly baka pag umuna ako, kung saan-saan ka pa pumunta" sabi niya.
"Hindi ah" pagtanggi ko, pero hindi na siya umimik pa . Makalipas ng fifteen minutes ay nabored na ako kaya tumayo na ako.
"Oh pasaan kana?" tanong niya.
"Tara na, samahan mo ako sa mall. Nagugutom na ako" nagsimula na ako maglakad.
"Seryoso? Niyayaya mo na ako?" taka nyang tanong
"Tsk, ewan ko sayo. Tara na kasi." at narinig ko ang yabag nya na sumusunod sa akin.
Nakarating kami sa mall. Sakto maraming tao. Lakad lamang ako ng lakad at sunod naman ng sunod sa akin si Andrei. Pumasok kami sa department store. I smirked.
"Beverly, anong bibilhin mo? Akala ko ba nagugutom ka?" tanong ni Andrei.
"Basta, wag kana matanong." sigaw ko sa kanya.
Aish nasaan naba kasi yun? Nang makita ko ang section na hinahanap ko, tumakbo ako papunta dun at narinig kong tumakbo rin si Andrei pero natigil sya ng malaman nya kung nasaan ako.
"Ah ano Beverly, sige magtingin ka lang dyan. Dito na lamang ako" he shouted.
"Sure ka?" tiningnan ko sya. Namumula yung tenga niya, tumango naman sya sakin.
"Okay!" I shouted back. Napakatalino mo talaga Beverly! Naglibot lamang ako dito sa women's underwear section at naghahanap ng tyempo para makawala sa paningin ni Andrei. Paano ba? hmm?
"Ma'am gusto nyo po ba isukat? Nandon lamang po ang fitting room" sabi nung isang sales lady.
Pagkabanggit ng fitting room ay may idea agad na pumasok sa utak ko. Kumuha ako ng dalawang pares ng underwear at dumiretso sa fitting room na mejo malayo sa kinaroroonan ni Andrei. I laughed inside my head. Sorry Andrei, pero makakatakas pa rin ako sayo.
After 10 minutes nakalabas rin ako ng department store. Woooh! Napakatalino mo talaga Beverly nakawala rin ako sa napakadaldal na bodyguard ko. Naglakad ako ng mabilis patungo sa exit ng mall. Makakapagbar na ulit ako! Pero shet, ang laki lang ng mall na 'to kaya di ko makita ang exit agad agad. Bakit ba dito ko sya niyaya. I sighed.
Tumigil ako at babalik sana kung saan kami pumasok kanina pero napansin ko kalalabas lang ni Andrei sa department store. Nahalata na nya na nakatakas ako. Iniba ko ang direction ko. Sht, nakita nya ata ako dahil bigla syang tumakbo papunta sa direksyon ko.
Nagtatakbo ako at pumasok sa unang store na nakita ko na maraming tao. Nagtago ako doon sa may damitan na madaming babaeng nag-aagawan sa blouse at natanawan ko sya na nilampasan lang ang store kung nasaan ako. Nagpalipas ako ng dalawang minuto roon at lumabas na ako para tumakas muli pero patakbo pa lamang ako sa exit may humigit na ng kamay ko at nilagay likod ko yon.
"Sabi ko naman sayo hindi ka makakatakas sa akin." I heard him smirked.
"Aish!" I groaned.
"Now, let's get you home" he said at hinila hila na ako papunta sa exit. Damn it!
"Andrei, pakawalan mo na ako!"
"Beverly, tigilan mo na" bulong nya na sobrang lapit sa tenga ko kaya kinilabutan ako.
"Ayaw ko sa bahay"
"Saan mo ba gusto pumunta?" tanong nya na ikinagulat ko, bigla ata akong nagkaroon ng pag-asa.
"Except sa bar okay?" pahabol niya.
"Sht ka, umuwi na nga lang ako" sumimangot ako lalo at narinig ko sya magsmirk.
"Gutom kana ba?" he asked.
"Hindi, umuwi na lang tayo at matutulog na ako"
"Wag kana magtampo Beverly. Okay, ayaw mo sa bahay?" bigla nya akong hinawakan sa magkabilang balikat at hinarap ako sa kanya. "Saan mo gusto pumunta? Bukod syempre sa bar"
"Wag na Andrei, iuwi mo na lang ako"
"Come on Beverly, I can take you anywhere"
"Tss, sure ka? Pagagalitan ka ni Dad" I furrowed my eyerbrows.
"Sure ako, now where to?" binuksan nya ang pintuan ng passenger seat at mabilis naman akong umupo doon.
"Dalhin mo ko sa Jollibee, gutom na ako" I muttered.
"What? Jollibee? Bakit fastfood chain? Hindi yun healthy" he said as he sat down on the driver seat.
"Tinanong mo ko tapos magrereklamo ka, shit ka talaga!" I frustratingly said.
"Hahaha. Okay Okay, jollibee here we go" he laughed and started driving.
Aish Nakakainis naman to oh. Kelan ko ba sya mapapasuko? Sana malapit na, namimiss ko na agad ang night life ko.
BINABASA MO ANG
Breaking The Ice
Ficción GeneralEven this global warming can't melt her ice. Tagalog | English
