8

11 0 0
                                    

Sa loob ng apat na taon, I have been called Ice Princess or taong yelo. People called me that nickname at school and even on my evening endeavors. It's true though, by the way I interact with people especially when you get to spend time with me. Kaya nga pati si Elizabeth iniwasan ko kasi pinili kong layuan ang mga tao.

 Nagtayo ako ng isang malaki at matibay na pader ng yelo sa paligid ko. Losing people became so normal for me that's why I push them away. Getting too attached will just break your heart, will make you feel pain, and shed tears like there's no tomorrow. 

My mom left me when I was a kid but because of an inevitable reason and that is death. She died while giving birth to me. Isa din siguro yun sa rason bakit hindi ko man lang naranasan ang pagmamahal mula kay Dad, dagdag pa doon na anak lamang ako sa labas. Ate Summer and Ate Tiffany grew up knowing that mom died because she gave birth to me. Sobrang selan ng pagbubuntis ni Mama pero pinili niya pa din akong itawid hanggang dulo. At first, pati si  Ate Summer iwas sakin pero noong eight years old na ako she suddenly warmed up to me at hanggang ngayon di ko pa rin siya natatanong why the sudden change of mind?

I was so determined to push away people because of how my "family" treated me and it made me even more determined after Hanz stopped communicating with me. Sobrang sanay na ako na hindi maging attached sa tao pero bakit naiinis ako ngayon na hindi kami gaanong nag-uusap ni Andrei?

He would do the usual. Ihatid at sunduin ako sa school pero hindi na siya sunod sakin nang sunod. Sobra ko ba talaga siyang nasaktan last time?

"Mag-aral kana nga lang Beverly, hayst" I ruffled my hair out of frustration ng may tumawag sa phone ko. Hindi ko sana sasagutin pero nung nakita ko kung sinong tumawag napangiti na lamang ako.


================================================================

I walked inside the stadium and took a breath of the familiar air. Dalawang buwan rin akong hindi nakaapak dito. Bahagya akong ngumiti at dumantay sa railings.

"Ikaw ba yan Icy?" tanong ng isang feeling close, as usual hindi ako sumagot.
"Tss, nawala ka na nga ng dalawang buwan hindi ka pa rin nagbabago." bigla niya akong inakbayan pero inalis ko agad ang kamay niya sa balikat ko.

"Namiss lang kita pagmasdan Icy, you're the only one interesting here"

"Mukha ba akong sasakyan?" I rolled my eyes at lumipat ng pwesto. Peste. Feeling close eh hindi ko sya kilala. At wow ha! Alam niya na dalawang buwan akong nawala, very observant.

"Makikipagpustahan kana ba ulit?" he sat beside me. I just crossed my arms.

"Icy, balita ko kasi malaki ka pumusta at palagi kang panalo. What if ako muna pumusta sabihin mo lang sa akin kung sino sa tingin mo ang mananalo?" he chuckled. 

Huminga akong malalim at tiningnan na lamang siya ng masama. I was about to say something ng marining ko ang putok ng signal na start na ang race. Napatayo ako at pumunta na ulit sa may railings. Sumunod naman 'tong hayst di ko kilala. 

Saglit akong napangiti ng marinig ko ng muli ang harurot ng mga sasakyan na nag-uunahan. Napapanuod ko na ulit ang mga paborito kong racer. As usual, malakas na naman ang kutob ko na ang Bugatti Chiron ang mananalo sa paligsahang ito. Tama lamang ang bilis niya sa umpisa, pero kapag malapit na sa finish line ng kada lap ay iniigihan niya ang bilis. Hindi niya inooverwork ang Bugatti niya kaya tama lamang lagi ang tyempo niya. Malinis rin siya magmaneho kahit pa race car ang minamaneho niya.

 Yun nga lang, never ko na kilala ang driver nito dahil pag natatapos na ang laban ay umaalis na ako. Iniintay ko na lamang na ilagay nila sa bank account ko ang mga ipinusta nilang pera. Kung uso man sakin ang term na crush ay masasabing kong ang driver ng Bugatti Chiron na iyon ang crush ko kaso hindi. Magaling lamang siya at dumadami ang savings ko dahil sa kanya. 

Breaking The IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon