Ang hirap naman maging babae. Bakit ngayon pa to dumating kung kailan my exams kami? I formed my hands into fists para matuon sa palad ko ang sakit dahil sa mahaba kong kuko. Leche naman. They call me ice princess pero babae pa rin ako. Ito na lang ata ang hindi nagyeyelo sa akin.
"Bev, okay kalang ba?" tanong ni Andrei. Shit, mas nakakairita.
"Huy Beverly? Masama ba pakiramdam mo? Dadalhin naba kita sa clinic? Ha?"
"Andrei shut up, naiinis ako sa boses mo" I whispered under my breath.
"Beverly palagi ka naman naiinis sakin pero muka ka talagang may sakit. Namumutla kapa" ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng boses nya pero nakakairita pa rin talaga siya.
"Beth tingnan mo oh, mukang may sakit si Beverly?" tanong ni Andrei kay Beth na katabi nya. I just rolled my eyes, pinagkalat pa talaga.
"Bev? Okay kalang ba?" tanong ni Beth pero hindi ko siya pinansin.
"Hays, isa lang ibig sabihin nito. 23 ngayon diba?" sabi ni Beth
"Oo" sagot naman ni Andrei.
"Sabi na, hmm. Bev samahan kita sa cr gusto mo?" tanong sakin ni Beth. Umiling lamang ako.
"Beth ano ba nangyayare? Masakit ba tyan ni Beverly?"
"Andrei hindi lang yan sakit ng tyan, haays. Mukang di magpapasama sakin sa banyo si Bev kaya ikaw na ang bahala basta ikaw na magbigay sa kanya nito at painumin mo sya nito"sabi ni Beth habang kinukuha sa bag nya.
"Ah e-eto ba? Si-sige, ah Beverly. Halika samahan kita" sabi ni Andrei.
Tumingin ako sa kanya at grabe ang pula ng tenga nya. Hhawak nya yung napkin at painkiller. Gusto kong matawa pero tumayo na lang ako. Naramdaman ko namang sumunod sya sakin. Sabay kaming naglakad papunta sa banyo. Gusto ko talagang matawa sa itsura nya pero sa isip ko na lang sya tatawanan. Sabihin pa nito nagiging close na kami.
"Meron ka pala, alam ni Beth kung kaila. Ang buti nya namang kaibigan" pakinig kong bulong nya pero sinadya nya talaga iparinig sakin.
"Hindi ko siya sinabi kaibigan" sabi ko at kinuha na sa kanya ang napkin at gamot.
Pumasok ako sa isang cubicle. Umupo ako sa bowl pero napatitig muna ako don sa napkin. Bakit ba naalala ni Beth kung kelan ako magkakameron? Hanggang ngayon hindi pa rin talaga sya sumusko. Hanggang ngayon patago nya pa din akong inaalagaan pero tulad ng iba, pababayaan nya rin ako. Hays, pinaglalaruan ako ng emosyon ko ngayon kaya ko siguro ito nararamdaman. Nagmadali na ako mag-ayos ng sarili dahil baka dumating na agad yung proctor.
Pagkalabas ko ng cr, nakasandal lamang si Anthony sa pader at namumula pa rin.
"Ngayon ka lang ba nakahawak ng napkin at hanggang ngayon ang pula pula mo pa rin?"
"Syempre, lalaki ako"
"May sinabi ba akong hindi ka lalaki?" tinaasan ko sya ng kilay at inunahan sya maglakad.
Pumasok ako sa classroom at buti na lang wala pang proctor. Leche sobra ng late ng proctor na yun, gusto ko na umalis ng school.
"Magpasalamat ka naman kay Beth" sabi ni Andrei pagkaupong pagkaupo namin.
"Bat ba?" irita kong pagtingin sa kanya.
"Anong bakit? Sige na" pilit sakin ni Andrei.
"Para saan pa? Hindi naman ako humingi, kusa nyang binigay"
"Grabe talaga yang utak mo, may sariling prinsipyo" sarkastiko nyang pagkakasabi. Hindi ko na lamang siya inimikan dahil bigla na dumating yung proctor.

BINABASA MO ANG
Breaking The Ice
General FictionEven this global warming can't melt her ice. Tagalog | English