9

11 0 0
                                    

Bakit ba mas bumabagal ang oras kapag hindi mo gusto ang nangyayari sa paligid mo? Naka-ilang lingon na yata ako sa orasan ng mamahaling branded store na ito, pero parang hindi gumagalaw ang kamay ng orasan nila. Sinasabi ko na nga ba at hindi dapat ako pumayag sa ganito. 

Hindi ko gawain ang mag-shopping lalo na at kasama ko pa ang isa sa mga tao na kailanman ay di ko ginusto makasama sa mga ganitong pangyayari.


"Bored kana ba? Bakit hindi ka mag-try ng iba pang mga damit?" tanong sa akin ni Andrei na nakatayo sa tabi ng inuupuan kong single-seat sofa. Hindi ko siya sinagot dahil wala ako sa mood umimik.

"Miss, pwede ko bang makita ang iba pang available colors ng sapatos na ito?" rinig kong tanong ni ate Tiffany sa saleslady na tuwang-tuwa siya pagsilbihan. 

Kung ako sa saleslady na iyon ay kanina ko pa nabato ng sapatos si ate Tiffany dahil magkakalahating-oras na siyang pumipili ng sapatos na muka lang namang pare-pareho. I just rolled my eyes.

"Beverly, hindi ka ba magsusukat ng damit or sapatos?" tanong ni ate Tiffany at umupo siya sa tabi ko. 

"Masyado pa akong madaming sapatos at damit. Iba rin ang taste ko" sagot ko na walang kagana-gana.

"Nakailang store pa lang naman tayo, may apat pa tayong pupuntahan. Sige na, mag-try kana. Minsan lang naman tayo lumabas ng ganito ng wala ang ate Summer mo. Isa pa ay sagot ko naman ang mga bibilhin mo."

"Please, mamili kana lang. Sinasamahan lang kita kasi namilit ka, hindi ko naman talaga gusto sumama. Hindi naman ako nagrereklamo, ang sakin lang sana matapos na 'to" nilingon ko siya pero nakita kong ngumiti lang siya na ipinagtaka ko kasi hindi siya ganito. 

Kapag sumasagot ako pabalik kay ate ay may sagot agad siya pabalik. Kaya napatingin ako sa lalaking nakatayo sa tabi ng inuupuan ko. Makes sense.

"Sige, bibilisan ko na pero ipipili na rin kita." tumayo na si ate at bumalik sa dressing room. 

Bumuntong hininga na lamang ako. Bakit ba sinama nya pa ako kung iba naman pala ang pakay niya? Tumayo ako at nag-umpisang maglakad palabas. Naramdaman kong sumunod sakin si Andrei kaya nilingon ko siya at tumigil sa paglalakad.

"Intayin mo na diyan si ate Tiffany, madami siyang binili kaya tulungan mo siya" I coldly said.

"Ayos ka lang ba Beverly?" tanong ni Andrei. 

I just shrugged and made my way to the exit. 

Pagkalabas ko ay tinanawan ko ulit ang loob ng store at nakita kong ngiting-ngiti si ate Tiffany habang kinukuha ni Andrei ang mga pinamili niya. Yung ngiti ni ate Tiffany, sobrang totoo. Never ko nakita ang totoong ngiti niya kaya naman lalo akong naintriga kung ano nangyari sa kanila ni Andrei dati. Sabi niya magkaklase lang sila sa isang subject noong college sila? 

Huminga ako ng malalim at iniwan na sila doon. Hindi ko na kaya ang apat na oras na kasama si ate Tiffany, masyado na akong nabuburyo. 

Since nandito naman na ako sa BGC ay nagsimula na akong maglakad-lakad. Ibang-iba talaga dito kapag umaga, mukang kalmado pero kapag sumapit na ang gabi doon na lumalabas ang totoong kulay ng lugar na ito. Minsan na rin akong nakapunta sa mga bar dito pero mas komportable talaga ako sa bar ni Mang Niko. Palibhasa VIP customer ako ni mang Niko at walang nagtatangka gumalaw sa akin doon. Speaking of, kumusta na kaya yung matanda na yon?

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang puting sasakyan na nakapark sa tapat ng isang Japanese restaurant. Tinignan ko ang plate number at manghang-mangha na nilapitan ito. Si Bugatti Chiron! Sa labas ay muka akong kalmado pero sa loob-loob ko ay tuwang tuwa ako. Buti hindi ito kinuha ng mga pulis.

Breaking The IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon