Nakahalumbaba ako sa desk ko habang nakatitig sa blackboard ng classroom namin. It's been two years at ngayon ko lang ulit nakasama sa iisang lugar si Beth. Katulad ko nakatitig lang din sya sa blackboard. Iniwan talaga kami ni Andrei dito sa room. Haays napakapakealamero talaga ng lalaking yun.
Sumulyap ako kay Beth. It's now or never na talaga, nangangati na palad ko na batukan si Andrei dahil sa ginagawa nyang to. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Bev/Beth" sabay naming tawag sa isat't isa.
"Ah sige mauna kana" sabi niya pero nakatingin pa rin siya sa blackboard.
"Okay. Ahm, Beth, salamat nga pala. I know this is too late pero gusto ko pa rin magpasalamat" sincere kong pagkakasabe. Nakita ko naman syang ngumiti.
"Wala yun Beverly, palagi ko naman yun ginagawa sayo" nilingon nya ako. Ngumiti sya sakin.
"Pero sana di mo na ginagawa kung meron ka din pala"
"Wala yun Beverly" she giggled.
"Wag mo ko itrato na para bang di kita pinagtatabuyan" sabi ko habang nag-uunat.
"You're still my bestfriend Beverly, no one can change that. Gets ko naman kung bakit mo ginagawa yun eh, but just so you know it won't work" seryoso nyang pagkakasabi.
"Elizabeth"
"Beverly, can we just go back sa dati?" nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko.
"Wag mo pangunahan ang mga tao sa paligid mo, hindi sila pare-pareho. I am not like your family. Hindi rin ako si Hanz"
"Elizabeth, I am tired of people disappointing me. How can you be sure that you won't?" tanong ko.
"Have I?" pareho kaming napatawa sa tanong nya.
"Sorry, it's just that think lahat ng tao sa paligid ko will leave me without a doubt, that they would turn their backs on me" sabi ko at tumungo.
"I understand Bev, kaya nga ako di lumalayo eh. I want to prove you wrong, we've been together since we were 4 years old. Di ko basta-basta pede itapon ang pinagsamahan natin dahil lang sa pag-iinarte mo" binelatan nya ako then she hugged me.
"Beverly please don't give up on the people around you. Your family may treat you like shit but I won't" dahil sa sinabi nya napalunok ako para mapigilan ang sarili ko na umiyak.
"Bwisit talaga si Andrei" yun na lang ang nasabi ko at napatawa kami ni Beth.
"Maybe it's time to move on from Hanz Bev? I think Andrei can do better" Beth whispered kaya napabitaw ako sa yakap nya.
"Wag ka nga magbiro ng ganyan Beth, yaak ha" I rolled my eyes.
"Haha wala ka naba talagang balita sa kanya?" tanong ni Beth.
"Beth can we not talk about him?"
"Pero ang weird lang kasi, it's been 4 years"
"And he stopped writing to me two years ago" I stood up.
"Saan ka pupunta?" tumayo na rin si Beth.
"I need to look for Andrei baka kung saan na nagpunta yun." I was about to turn my back pero I saw Beth smirk.
"First time ko makarinig na bodyguard ang hinahanap, gaano kaclingy Beverly?" nginitian nya ako ng nakakalokong ngiti.
"Hindi. Ano kasi, kailangan ko syang pagsabihan dahil sa ginawa nyang 'to"
"I know naman na magpapasalamat kalang sa kanya. If it wasn't for him hindi tayo magkakabati" she winked at me.
"Tigilan mo nga ako" tinalikuran ko na si Beth at lumabas na ng room.
BINABASA MO ANG
Breaking The Ice
General FictionEven this global warming can't melt her ice. Tagalog | English