19

2 0 0
                                    



Andrei and I arrived at Lola Rose's home with lots of pasalubong. Pinilit ko si Andrei mag-shopping ng gifts para kay Lola kasi I wanted to appreciate her for being so accommodating. I always deemed myself an unfriendly person. Kaya nung pinakilala ako kay Lola kinakabahan ako kasi bukod sa ugali ko meron akong RBF. I cannot control that! I don't know if my resting bitch face is due to genetics pero how would I know diba kung di ko alam facial features ng biological dad ko. I just know for sure na hindi ito kay mommy kasi hawig nya si ate Summer. Pareho silang may calming aura na hinding-hindi mo matitiis. Siguro ay mabait lang talaga si Lola Rose kaya nya napalampas iyon or maaari ding nasabihan na sya ni Andrei before pa niya ako dalhin sa kanila.


"Sobrang matutuwa si Lola kapag nakita niya ang mga bagong halaman na dala natin." sabi ni Andrei habang nakangiti. 

"Sana nga." I shortly said habang tinatanaw ang mga nadadaan namin. 

"Bev, what are you thinking of?" Andrei asked while stopping as the lights turned red.

"Wala naman. Bakit?" pabalik kong tanong.

"You're just too quite or too deep inside your mind." he asked with a tinge of worry.

"Tahimik naman talaga ako Andrei. Ikaw lang madaldal sating dalawa." I teased him and pinched his nose.

"Aray ha!" he reacted as he looked back again on the road. "Anong oras mo pala balak umuwi mamaya?"

Napaisip ako. Ever since Andrei and I became a couple mas nagkakaron ako ng urge na makasama siya. I never admitted that kasi aasarin ako nitong kumag na 'to hanggang sa hindi ko na siya imikan. Napansin ko kasing nakakakuha siya ng satisfaction kapag kita niyang asar na asar na ako. Tss.

"Hey" he said to distract me from my thoughts. Then I chuckled a bit. "Beverly natatakot na ako sayo. Hello?" he chucked as well so I looked at him with a grin.

"Wala. My thoughts, my privacy. Okay?" I raised my left eyebrow. 


"Mamaya may binabalak ka na palang masama ah. Pero di nga? Anong oras mo gusto umuwi?" he asked again while making a right turn. 

"I'm thinking of a sleepover. Tatawagan ko na lang si ate summer later para kuntsabahin siya." I answered.

"Totoo ba?" gulat na gulat niyang tanong.

"Bakit? Bawal ba? I just want some peace. Ayaw ko muna makita ang ate Tiffany." pagdadahilan ko kahit talaga namang gusto ko lang siya makasama. So I avoided his gaze para di niya mahaltang namumula na ako.

"Well if you say so." he said.

Buti naman at hindi na siya nangulit pa. We then went on talking about the things we'll do throughout the whole sleepover. Andrei sounded excited and worried at the same time. Siguro ay nag-aalala sa iisipin ni Dad. Hindi na siguro maaalis kay Andrei ang bodyguard mindset.


Saktong lunch ay nakarating na kami kila Lola Rose pero nagulat ako sa nadatnan ko. It seems like she also invited her friends over. Hindi ako sanay sa ganitong energy. Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Andrei dahil sa kaba. 

"Hindi ko 'to alam Beverly, promise." Andrei said while massaging my shoulder. He must have sensed that I was tensed.

"It's okay naman but I'm not used to so much jolly energy sa isang room." I whispered as I watched the group of lolas laughing heartily together.

"Kaya mo yan. Nalampasan mo si lola kaya mo rin ang" he paused as he counted each person from the group. "Ang lima pang Lola Rose" Andrei teasingly laughed. I just rolled my eyes then took a deep breath.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Breaking The IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon