1

18 1 0
                                    


He just stood there in front of me, like he has already given up on me. As if I am not worth anything anymore. Siguro ganun nga kapag tinitiis kana lang, kapag pabigat kana lang. Hindi na ako nasanay, pero unti unti nitong inaalis ang pag-asa ko na maaayos pa ito. 

"Tiffany, Summer, kayo na ang bahala sa kanya" sabi niya at nilampasan na lamang ako nang hindi man lamang ako tinignan ulit. Dahil para sa kanya ang pagtingin sakin ay isang pagkakamali, dahil isa akong pagkakamali. Gustuhin ko mang umiyak, wala na ata pang lalabas. Tulad ng puso ko, pati ang luha sa katawan ko naging yelo na rin.

"Kailan kaba matututo Beverly? Malapit kana makagraduate pero inuuna mo pa rin ang kalokohan mo? Grow up, please!" sabi ni ate Tiffany habang nakapamewang. "Madami ng problema si Dad, dumadagdag ka pa!" she exclaimed. Yeah, I am the black sheep of this family. Bata palang ako, ito na ang posisyon ko sa pamilyang ito. I smirked.

"Bakit? Sinabi ko bang problemahin niya? Ang simple lang kasi, wag na lang niya ako problemahin. Tutal wala naman talaga siyang responsibilidad sakin" tumingin ako kay ate Tiffany. Sa loob ng maraming taon, I have already mastered my poker face.

"Ano ba Beverly? Ang immature mo!" sinamaan nya ako ng tingin.

"Chill guys! Tiffany, may trabaho ka pa. Ako na ang bahala kay Beverly, please" sabi ni ate Summer na inalalayan pa si ate Tiffany palabas ng bahay. I just rolled my eyes at dumiretso sa kwarto ko. 

Sobra akong napagod kagabi. I partied hard last night, na napunta sa drag racing na naraid ng mga police saktong napasama ako. Kung minamalas ka nga naman. Kaya ayun, breakfast ko ang walang pakealam kong ama at si ate Tiffany na napakaself-righteous. 

"Alam mo, di na ako magtataka isang araw, napadala kana sa States." sabi ni ate Summer habang nakasandal sya sa pinto ng kwarto ko.

"Ate tama na please, busog na busog na ako sa breakfast na hinain sakin ni Dad at ate Tiffany kanina" I said with my muffled voice dahil nakaubob ako sa unan ko.

"Aww gutom na pala baby girl ko, wait dalhan kita ng breakfast" paalam ni ate Summer. 

Si ate Summer lang talaga ang biniyayaan samin ng pagiging  alam nyo na warm. She lives up to her name. Summer. 

Siya lang ang nakakapagtiis sakin, minsan tinutulungan niya pa ako sa kalokohan ko. In short, she's the only one who cares about me in this family. However, even her warmth can't fully melt the ice surrounding me. Maybe I am a hopeless case just like what ate Tiffany always tells me. I can't be the best version of myself anymore but I have already accepted that. I need it to survive.

"Baby girl, here's your breakfast" ate Summer said joyfully. Umupo ako sa higaan ko at inabot kay ate ang pinggan na may laman na itlog, fried rice at mangga.

"Ate di ka na dapat nag-abala pa" I said.

"Bev, I promised Mom" she said while caressing my hair. Ayun ang palaging sinasabi ni ate Summer sakin. It made me lost my appetite. 

"Ate, I'm already full"

"What? Bev? Nakakaisang subo ka palang ah. Kahit ubusin mo man lang yung mangga"

"Ate, please, I need some sleep. Mamaya na lang ulit ako kakain." I said then pinatong ko na lang sa bedside table ko yung plato at humiga na.

"Bev baka magkasakit kana nyan" she said worriedly. Pero di ko na sya inimikan pa. The last thing I heard was her foot steps and she closing my door.

I woke up at around 7:30 pm. I'm guessing na nag-dinner sila na hindi ako iniintay or ginising man lang. Yeah, it was always like that. Kaya sa labas ko pinipili kumain na minsan napapadiretso ako sa mga club. Hindi pala minsan, palagi. I hang out with my so-called friends, club hopping pero I am not a bimbo. Sometimes men try, but knowing my reputation as the ice princess, nobody tries to hit me up. Except if you are really a brave soul. I've been doing this since I was 16, because at the age of 16, I've had enough of life. So I am slowly killing myself with my night life.

Breaking The IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon