5

9 0 0
                                    


Ilang araw ang lumipas simula nung nangyare ang insidente kay Bethpero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagpasalamat. Ang kulit kasi ni Andrei, hindi ko maggawa dahil nakakaasar yung mga ngiti nya sa tuwing lumalapit ako kay Beth. Parang tanga lang. Napabuntong hininga na lamang ako. Wag na kaya ako magpasalamat? Gets naman na siguro yun ni Beth.

"Beverly, okay kalang ba?" tanong sakin ni Andrei habang nagdadrive siya. I just glanced at him tapos tumingin na ulit sa labas ng bintana.

"Diba sabi ko sayo dapat di mo na ipagtabuyan mga taong malalapit sayo. Chance mo na 'to ngayon lalo na at relatives mo ang makakasama mo" sabi nya. I just closed my eyes at hinayaan na lamang sya. Ayoko mag-explain. Malalaman at makikita rin naman niya mamaya.


I grew up in a very luxurious life, ever since I started to walk parties like this are already a must for me to attend. But I never wanted this, masyado akong nasusuffocate sa mga kasinungalingan at kayabangan na lumalabas sa mga bibig nila. They are of my blood, but they never treated me as their own. All of the luxuriousness, the buffet consisting of both western and asian foods, the orchestra from a highly-known group of musicians, champagnes ,and wines preserved for many years just for this kind of events, and people dressed to impress and show off their riches. This is just a facade of who they really are.

"Beverly! Buti naman at napilit ka ni Andrei na umattend dito" salubong sakin ni ate Summer tapos niyakap niya ako. 

She's wearing a black sleeveless dress that has a zipper on the front and is 2 inches above her knees. May belt din ito na may leopard prints, and she's wearing heeled ankled boots at naka-up do sya. Very malayo sa bubbly personality nya pero either way sobrang ganda pa rin ni ate. She's really an angel na masyado atang lumipad sa araw kaya sobrang warm nya. Yun nga lang it does not affect me, kabaligtaran niya ako.

"Thank you Andrei for bringing my little sister here" sabi ni ate Summer na pinat pa ang pisngi ni Andrei. Pinilit niya talaga maabot kasi maliit si ate hanggang braso lang sya ni Andrei.

"Wala yun ate Summer, she really needs to go out" sabi ni Andrei na may pagkamot pa sa batok niya. 

I just rolled my eyes at them when I caught ate Tiffany looking at me. Ito na naman sya ija-judge na naman ako, so I'll judge her too.

 Ate Tiffany is wearing a peach floor length tube gown at nakalugay ang buhok niya. Lalong naaccentuate ang hugis ng katawan at tangkad nya pero ang layo sa personality nya ang gown na suot niya. Nagkabaligtad ata sila ni ate Summer. Natigil ako sa pag-oobserve sa kanya nang bigla syang lumapit sakin at bumeso.

"Akala ko di ka na naman makakrating dito. Mapapahiya na naman tayo kapag ganon" bulong niya sakin. "And I like your outfit today, muka kang inosente" she said mockingly. I am wearing a cerulean blue laced cocktail dress na sleeveless. Nakalugay ang kinulot kong buhok.

"I like your outfit too, ate. Mukha ka kasing mabait ngayon tingnan" I just smirked.

Pinandilatan nya lang ako ng mata nang biglang nagbago ang expression ng mukha niya dahil sa taong nasa likod ko. Lumumanay ang mga mata ni ate Tiffany kaya tumingin ako sa likod ko. Si Andrei. Nakatingin din siya kay ate Tiffany pero walang expression sa muka nya. Sa dalawang buwan na bodyguard ko si Andrei, alam ko na di pwedeng di mawalan ng expression ang mukha nya dahil napaka-transparet nyang tao, pero ngayon.

"Tara na kumain, sabay-sabay na tayo" yaya ni ate Summer na hinawakan ang kamay ko  at dinala ako sa buffet section. Naiwan si ate Tiffany at Andrei doon. Magkakilala ba sila?

"Beverly kain ka ng marami ah. Pumapayat ka sa paningin ko. Ayoko non" sabi ni ate Summer habang siya na ang nag-aasikaso ng pagkain ko.

"Ate ako na, kaya ko na yan" kinuha ko ang plato ko sa kanya.

Breaking The IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon