I will never understand rich people who throw charity parties but, treat some family members who does not pass their standards like shit. My situation is more like a charity case for my father. Ang sama nga naman ng magiging reputasyon nya kung iiwan niya ang isang inosenteng sanggol kung saan-saan dahil lang anak ito ng asawa niya sa ibang lalaki.
I never met my relatives on my mother's side. Dad never allowed me to see them or he planted that idea on my mind. Hindi raw ako gustong makilala ng pamilya ni mama dahil isa akong malaking paalala na ang mabuti nilang anak ay naggawang sumuway sa batas ng kasal.
Ang hindi ko lang din maintidihan ay bakit sinasama din ako nila Dad dito sa events ng pamilya niya. Ang tanging naiisip ko na lamang ay dahil gusto nyang lumabas na malinis at mabait. Sino nga ba namang asawa ang tatanggapin ang anak sa labas ng asawa niya? Isang martyr, isang santo.
"Grabe mga Jimenez no? They would actually turn a charity party into some socialite party. Siguro kung baguhan ako dito maiisip kong hindi ito para sa charity" rinig ko mula sa babae na nakaupo sa malapit sa akin.
Tama naman siya pero dahil sa hindi ako baguhan naiisip kong pakitang tao lamang itong party na ito.
Just like always, nakapwesto ako sa corner dahil ayokong makisalamuha sa mga kamag-anak ni Dad. But, since it's a charity case hindi nila maggagawang ipahiya ako dito dahil may mga madre mula sa mga orphanage ang bisita nila. I mentally rolled my eyes.
"You're here!" ate Tiffany exclaimed.
Family event to ah? Bakit nag-imbita si ate ng bago? Pwera na lang kung isa sya sa mga contact ng isa sa mga organizations na gusto magpa-sponsor?
"Andrei!" What?!
Pagkatawag ni ate Summer sa pangalan na yon ay automatic akong napalingon sa kinaroroonan nila.
"What the hell?" I whispered.
What the hell is Andrei Fabela doing here?!
"Beverly! Andrei is here! Halika!" rinig kong tawag ni ate Summer sa akin.
Nagtengang kawali na lamang ako kesa harapin siya. I grunted.
"Beverly!" patuloy na tawag sa akin ni ate Summer.
Hindi talaga ako haharap sa kanila! Siguro inimbita sya dito ni ate Tiffany as her date. Kailangan bang may ka-date sa ganitong klaseng event?!
"Kanina ka pa tinatawag ng ate Summer mo. Don't display your attitude here Beverly. Kahit dito man lang sa charity event" hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Dad.
He's always looking out for me. Not in a good way, dahil alam kong binabantayan nya lamang ako para maiwasan na hindi ko siya mapahiya.
"Hindi ko lang po siya narinig" yun ang tangi kong nasagot at umalis na sa kinauupuan ko.
Dumiretso ako sa ice cream stand at umorder na naman ng isang cone. Oo "na naman" tuluyan na nga ata akong magiging taong yelo dahil naka-pitong ice cream cone na ata ako simula nung nag-umpisa ang event na ito. Bored na bored na ako dito. Sana sinama ko na lang si Elizabeth or nagsakit-sakitan na lamang ako.
"I see, Icy loves her ice cream"
Hinanap ko kung sinong nagsalita kung hindi ako nagkakamali ay si Shawn yon dahil sya lamang ang tumatawag sakin ng Icy.
"Icy, nice to see you here" nagulat ako dahil bigla na lamang sya sumulpot sa likod ko kaya muntik ko ng malagyan ng ice cream ang blazer niya. Buti na lamang ay nakalayo agad siya.

BINABASA MO ANG
Breaking The Ice
General FictionEven this global warming can't melt her ice. Tagalog | English