15

11 0 0
                                    


8:20 PM and all I care about is the sound of the rain from outside. Inabot na pala kami ng gabi dito sa bahay ng lola ni Andrei. I took a nap after namin magkwentuhan pero ang nap na iyon ay naging 4 hours sleep. That was the greatest nap I ever had in my existence. 

Nilingon ko ang lalaking nasa likod ko. Nakatulog na rin pala si Andrei. Siguro ay nabagot sa pag-iintay  na ako'y maggising. He looks at peace. Napangiti naman ako doon. 

"Mukha kang mabait kapag tulog" bulong ko pagkatapos ay tinalikuran ko na muli sya at tumitig sa bintana sa tabi ng kama ni Andrei. 

Iintayin ko na lang siya maggising habang nanunuod sa pag-ulan. Ayoko pang umuwi dahil alam kong ate Tiffany will bombard me with senseless questions. 

Napabuntong hininga ako doon. Iniiwasan ko ng maging komplikado ang relasyon ko sa pamilya ko pero bakit kasi sa lahat ng pwedeng magustuhan ni ate ay si Andrei pa? She can easily have any man that is in the same level of excellence as hers. Heck, a number of men who are wanted bachelors in the society are even eyeing her. Bakit si Andrei pa?

I bit my lip because of thinking too much. Pinipigilan ko maging posessive pero ito na lang kasi ulit ang pagkakataon na I want to keep someone and not push them away. I know I have been restraining myself these weeks but I really can't contain my feelings towards Andrei. 

Napapikit ako sa frustration when an arm suddenly hugged me from behind. 

"Gising ka na pala Beverly" Andrei huskily said. Damn that bedroom voice.

"Alisin mo nga yang kamay mo" I coldly said kahit nag-iinit na naman ang pisngi ko dahil sa posisyon namin.

"Malamig" he said as he placed his face on the crook of my neck. Shit, why is he cuddling me?

"Don't act like a baby" pinilit ko talagang magmukhang cold ang tono ng boses ko.

"I'm your baby" he retorted and chuckled.

"Parang tanga naman Andrei" nagkunware akong naiinis pero tinawanan nya lang talaga ako.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya.

"Hindi pa pero kailangan" simple kong sagot.

"Ang liit mo pala talaga" sabi niya out of the blue. "I can easily cover you with my whole body" he seductively said that sent shivers down my spine. 

Kinurot ko na lamang ang braso niya pero tinawanan na naman niya ako.

"Ano ba? Tawa ka nang tawa dyan" reklamo ko at pinipilit umalis sa pagkakayakap niya.

"Wag ka malikot Beverly" utos niya pero lalo lamang akong nagpumiglas. 

Mukha na tuloy kaming nagwrewrestling dalawa. I internally laughed.

"Isa Beverly!" Andrei warned pero hindi talaga ako papatinag.

"Awat na kasi Andrei, let go!" I retorted. 

Maaalis ko na sana ang braso niya sa bewang ko ng bigla syang pumaibabaw sa akin and it took all my strength away. He even placed both of my hands above my head. Sinubukan ko syang sipain pero he locked my legs in between his legs.

"Ang cute mo Beverly" sabi niya na parang nangungutya.

"Pakawalan mo ako Andrei. Hindi nakakatuwa ha" I furrowed my eyebrows. 

"Nag-eenjoy lang namana ko, Bev" ngumiti na siya na abot hanggang mata. Yung tipong lalong sumingit ang mga mata niya.

"Hindi ako nag-eenjoy kasi" I grunted. Imbes na sumagot siya ay tinitigan niya lamang ako. Nahalata kong papalapit ang labi niya sa labi ko. 

Breaking The IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon