KABANATA 9: VIRAL VIDEO
"Ano tong kumakalat na video niyo hah? Totoo ba toh??" Sabi naman ni Mama at nagkunwari akong tulog.
"Hoy! Nagkukunwaring tulog ka pa jan.. ano totoo ba toh!?" Sabi naman ni Mama kumuha siya ng malamig na tubig at binuhusan ako at agad akong bumangon.
"Oh ano?? Totoo ba tong video na toh?" Sabi ni Mama at agad niya saaking pinakita ang Video.
"Opo.. per-" Hindi na natuloy ang pagsabi ko at agad na siyang nagalit at ayun lumabas nanaman Mama kong Rapper..
"Hindi ko pa sinasadya! Siya ang nauna.." Sabi ko naman
"Aba sumasagot kapa! Grounded ka wala kang cellphone or any gadgets for 1 month!" Sabi naman ni Mama at kinuha lahat ng gadgets ko at umalis. Napasigaw nalang ako sa sobrang inis. Wala na akong magawa sa bahay. Lumabas ako ng kwarto para makapanuod ng TV.
"Bawal kadin manuod ng TV for 1month!" Sabi naman ni Mama at pumasok ulit ako sa Kwarto ko, nagpalakad lakad lang ako sa Kwarto dahil wala akong magawa... naisipan kong matulog nalang ako...... Nagising ako ng hindi ko mamulat ang mga mata ko.. Umiyak pala ako kagabi at nakalimutan kong basa pala ang aking kama.. bago ako lumabas ng kwarto pinaltan ko ng sapin sa kama.. atsaka na ako lumabas ng kwarto upang makapag ayos at makaligo. Pagkatapos ko makapag ayos ay kumain na ako, hindi kami nagpapansinan ni Mama.. umalis ako ng bahay ng hindi kami nagpapansinan. Pagkadating ko sa School ay Pinaguusapan ako ng mga Estudyante lalo na pagkalakad ko sa Hallway ay puro Chismisan sila ng Chismisan sila, hindi pa nakakaalis sa Hospital sila Belle kaya sila Maureen at Tifanny lang ang nakita ko. At biglang lumapit saakin sila Maureen at lumayo ako pero pinigilan ako ni Tifanny.
"Saan ka pupunta? Dito ka lang!" Sabi naman ni Tifanny
"Attention guys!!! Halika kayo dito!!" Sabi naman ni Maureen at lumapit saamin ang nga Estudyante.
"Meet Kylie.. tinangkaan niyang patayin si Belle!" Sabi naman ni Maureen at nagchismisan ang mga Estudyante tungkol saakin.
"Napakasama niya naman.." Bulong ng isang estudyante ay may nakahandang madaming papel na hawak si Tifanny at pinagbabato saakin. Nilagay nila ako sa gitna at miski ang iba ay pinagbabato narin ako ng Papel.. tinakpan ko ang aking mukha at umupo nalang dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Kylie!!" Sabi ni Russel at agad nila akong pinuntahan kasama sila Ken at Simon.
"Tabi!" Sabi ni Russel habang tinataboy ang mga Estudyante. Tinulu ngan ako ni Russel at napa alis niya ang mga Estudyante.
"Bakit mo ba pinagtatanggol yan! Muntik na niyang patayin si Belle!" Sabi naman ni Tifanny.
"Pwede ba umalis na muna kayo! Alis!" Sabi ni Russel at tinaboy niya sila Maureen at Tifanny at umalis. Pinulot ko ang mga kalat at tinulungan naman ako nila Russel.
"Ok ka lang?" Sabi naman ni Russel habang pinupulot ang mga Papel na nakakalat.
"Bilisan na natin malalate na tayo.." Sabi naman ni Ken habang pinupulot ang mga Papel. Matapos naming makuha ang mga Papel ay tinapon na namin ito sa Basurahan at sumabay na sakanila papuntang classroom. At bigla na ding dumating si Prof.
"Uhm.. Kylie, pinapatawag ka si Guidance Office.." Sabi naman ng Prof namin.
"Po?? Bakit daw po?" Sabi ko naman at bigla akong kinabahan.
"Basta punta kana dun ngayon.." Sabi naman ni Prof. At agad na akong nagpunta sa Guidance Office, nakita kong nandun na si Belle at ang magulang niya.
"Tawagin mo Parents mo!" Sabi naman ng Nanay ni Belle. Tinawagan ko agad si Mama alam ko na naman kung bakit. Makalipas ang ilang oras ay dumating na din si Mama sa Guidance office..
"Hay nako! Ikaw talaga Kylie!!" Sabi naman ni Mama at agad kaming pinaupo ng Guidance Councelor.
"Ano po ba talaga ang buong pangyayari?" Sabi nung Guidance Councelor at agad na tumayo si Belle.
"Siya po ang nauna! Hinigit niya po ang buhok ko at dinala ako sa Swimming Pool at dun na niya ako sinabunutan at tinulak.!" Sabi naman ni Belle at umupo na ulit.
"Binabaliktad mo ang Storya! Ikaw ang nanghigit saakin!" Sabi ko naman.
"Sinungaling ka talaga!!" Sabi nung Nanay ni Belle.
"Wala naman po silang Ebidensya diba!? Hindi naman nahagip ng video yung buong pangyayari.." Sabi ni Mama.
"Base on the Video.. kita naman po natin na tinulak ni Kylie si Belle at nabagok ang ulo, may parusa po dito.. 3 days suspended po si Kylie.." Sabi ng Guidance Councelor. At pinauwi na kaming lahat. Muntik ng may tumulong luha sa mata ko pero napigilan ko ang pagiyak ko. Bumalik ako sa Room dahil bukas ay suspended na ako pagkapasok ko ulit ng room ay tapos na ang first subject namin. 2nd subject na namin as always wala nanaman ang Prof. Namin..
"Uy bes? Ano sabi sayo?" Sabi naman ni Chloe.
"Suspended ako for 3 days :( " Sabi ko naman. At narinig ito nila Russel..
"Hah!!! Sus-" Sabi ni Russel pasigaw pero napigilan ko siya dahil baka marinig ng ibang kaklase namin.
"Shhh..." Sabi ko naman.
"Suspended ka for 3 days....?" Sabi ni Russel at hininaan niya nalang ang boses niya.
"Oo, eh hindi ko naman sinasadya ehh :( " Sabi ko naman. Napatahimik siya saglit. At may dumating na Prof. Pero hindi ko kilala. Pinapatawag ulit ako sa Guidance Office. At pumunta na agad ako.
"Kylie.. May isang estudyante na pinakita saamin ang Video na sinasabunutan ka ni Belle.. at tama nga siya ang nauna hindi ikaw. So hindi na matutuloy ang Suspension mo.." Sabi ng Guidance Councelor sobrang tuwa ko dahik hindi na matutuloy ang suspension saakin.
"Maraming Salamat po....." Sabi ko naman. At bumalik na ako sa Room namin ng masaya.
"May sinabi ulit sayo??" Sabi naman ni Chloe.
"Hindi tuloy ang Suspension koo! Dahil nakita nila sa isa pang video na si Belle ang nauna." Sabi ko naman at tuwang tuwa din siya sa narinig niya, at narinig na din si Russel.
"Yown, hindi tuloy ang Suspension.. pwede ba kitang ayain mag date???" Sabi ni Russel at bigla akong natahimik.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With a Gangster
Teen Fiction[BOOK 1] Kylie, is living in a normal life until she met those gangsters that turn her life into miserable one. Date Created: July 13, 2018 Date Finished: October 18, 2018