KABANATA 16: CELEBRATION
[AFTER 1 DAY]
Birthday na pala ni Russel.. nasabihan kona din si Tristan at Chloe na isasama ko sila. Nagdala ako ng Swimsuit wow! hahahhA... narinig kong may nag beep na sa tapat ng bahay namin. Si Tristan na pala yun dadaanan nalang namin si Chloe sakanila.
Ready na kami. Nandito na rin si Chloe sa kotse niya, mga 5am pala kami umalis dahil Lunch daw ang party. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagkagising ko hindi ko na alam kung nasaan kami.. WAHHH nasa Palawan na ba kami.....
"Asan na tayo??" Sabi ko naman tapos pinunasan ko yung baba ko dahil may tumulo palang laway..
"Palawan na..." Sabi naman ni Chloe.. Wahhh! Nasa palawan na pala kami.!
"De joke lang.. nasa Manila palang tayo.. Sige tulog kana ulit.." Sabi naman ni Chloe, saglit lang pala yung tinulog ko makatulog nga ulit. Gusto ko kasi pagkagising ko nasa Palawan na kami..
Nagising ulit ako at parang feel ko na talagang nasa Palawan na kami.. first time ko dito.!
"Saan na tayo??" Sabi ko naman, ewan ko ba excited na excited talaga ako..
"Nasa palawan na talaga.." Sabi naman ni Tristan, tinignan ko yung relo ko. WAHHHH! 12nn teka seryoso??!
"Bakit ang tagal ng byahe natin??" Sabi ko naman, nagtataka ako grabe naman 5am kami umalis tas 12nn na nakapuntang Palawan.
"Sunday kasi ngayon.." Sabi naman ni Chloe habang nakatingin sa bintana, Huh? Ano naman kung sunday hmm..?
"Andito na tayo.." Sabi naman ni Tristan, sa kakaisip ko hindi ko namalayang naka park na pala kami ngayon nakita ko din na ang dami ng tables sa tapat ng dagat.. mukhang wala pa si Russel ah.. bumaba na kami ng Kotse, pinaupo muna kami ng mga Waiter sa table dahil wala pa sila Russel. Buti nalang nauna na kami..hindi nagtagal ay dumating na din sila Russel, nung nakita ko siya parang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nung lumapit siya saamin.
"Happy Birthday Russel.." Sabi ko naman yayakapin sana ako ni Russel kaso umiwas agad ako, bumati na din sila Chloe at Tristan.
"Thank you... may dala kang pamalit.?" Sabi naman ni Russel at umupo sa tabi namin.
"Ay oo, naka swimsuit pa yan mamaya.. Two Piece!" Sabi naman ni Chloe, argh! Bakit niya sinabi. Nakakahiya. Napatawa naman si Russel.
"Pwede na kayong kumain..." Sabi naman ni Russel, madami dami na rin ang tao. Umalis na si Russel sa table namin dahil dumating na sila Adrian,Ken at Simon. Dumating na rin sila Belle,Tifanny at Maureen.
Nakakain na kami nila Chloe at Tristan, pwede na rin daw kaming mag swimming, nagpalit na kami ni Chloe ng damit sa CR, yung suot ni Chloe ay naka Short tapos crop top tapos ako naman naka two piece.. argh kaso nahihiya ako kaya mag shoshort nalang ako..
"Ay akala ko nakatwo piece ka? Hubarin mo nga yang short mo nahiya ka pa..." Sabi naman ni Chloe, epal talaga toh eh eh.. pero ayoko ng hubarin tong short ko.. nakakahiya talaga.. pagkalabas namin ng CR nandun na si Tristan sa tapat ng CR. Naka short lang siya at walang damit pang itaas, Napanganga nalang ako sa Katawan ni Tristan. May 6 packs abs siya..
Nandito na kami sa may Dagat, napalingon ako kay Russel hindi ko alam na nakatitig pala siya saakin, nag swimming na kami nila Chloe sa dagat at sa tuwing nililingon ko si Russel nakatitig lang siya saakin. Ang lamig ng tubig dito sa dagat ang linaw din ng tubig at malinis. Naglalangoy na kami dito, pumunta na din sila Belle dito naka swimsuit din si Belle.
Nagbihis na din sila Russel at lumangoy na kami dito sa Dagat. Biglang may humila sa buhok ko Aray!!!. Pagkalingon ko sa likod ko hinihila pala ni Belle ang buhok ko, ano nanamang problema nito.?
"Aray ano ba!" Sabi ko naman ang sakit nung pagkakahila niya.
"Dapat wala ka dito eh!" Sabi naman ni Belle, nakita naman ni Russel na hinihila ni Belle yung buhok ko at agad niya itong pinigilan.
"Ano ba Belle, sabi ko wag ka ng gagawa ng gulo!" Sabi naman ni Russel, napatungo naman bigla si Belle at inirapan nanaman ako.
Hapon na pala, ang bilis naman pauwi na agad kami.. magpapalit na sana ako ng damit pero pinigilan ako ni Russel.
"Wait, sakay muna tayo ng bangka.." Sabi naman ni Russel, nakita ko nga din na may bangka dito para makapasyal sa buong dagat. Tumango naman ako sakanya at hinigit sila Tristan at Chloe. Nakadating na kami sa bangka, malayo layo na din ang nadating namin sa sobrang tagal namin sa bangka ay malapit ng mag-gabi.
"Tara na balik na tayo mag-gagabi na kasi.." Sabi ko naman at agad naman kaming bumalik pero biglang umulan.
"Hala! Ang laki ng alon!" Sabi naman ni Chloe at bigla siyang tumayo sa bangka.
"Wag kang tumayo Chloe, hindi tayo mababalance.." Sabi naman ni Russel at umupo bigla si Chloe. Mas lalo pang lumakas ang ulan kumidlat at kumulog kaya mas lalong lumaki ang alon kaya natabunan na kami ng alon at tumumba ang bangka naming sinasakyan. Halos malunod na ako kaya nawalan na ako ng malay. Pagkagising ko gabing gabi na, tumingin ako sa paligid ko nasa ibang Isla na ako!!.. Nakita ko naman sa malayo si Russel kaya tumakbo ako papunta sakanya, walang malay si Russel.
"Russel! Russel!!" Sabi ko naman tapos tinapik tapik ko ang pisngi niya,anong gagawin ko!!! Naglakad lakad ako at hindi ako mapakali dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Hinalikan ko siya para mabawasan ang tubig sa bibig niya at bigla na siyang nagising, hindi niya alam na hinalikan ko siya kaya hindi ko nalang din sasabihin.
"Asan tayo!" Sabi naman ni Russel at tumingin sa paligid.
"Hindi ko alam kung anong isla toh..." Sabi ko naman at tumingin din ako sa paligid.
"Umalis na tayo dito, gabi na.. languyin nalang natin toh.." Sabi naman ni Russel, languyin talaga eh nalunod na nga kami eh..
"Hindi.. baka malunod pa tayo at kung saan saan mapadpad.." Sabi ko naman kay Russel at tumayo ako bigla.
"Pero anong gagawin natin dito? Tutunganga!?" Sabi naman ni Russel napatayo din siya bigla, kokonti lang ang mga puno dito at wala pang mga bunga, tumingin pa ako sa malayo at may natanaw akong kubo, agad kong hinila si Russel papatakbo sa kubo na yun.
"Teka! Anong gagawin mo??" Sabi naman ni Russel habang natakbo kami papunta sa kubo, hindi ko siya nilingon pero narinig ko siya. Kumatok kami sa kubo, nakailang katok din kami bago lumabas ang matandang babae.
"Magandang Gabi po, na stranded po kasi kami dito sa Isla na ito pwede po bang makituloy..?" Sabi ko naman at agad naman kaming pinatuloy ni Lola sa kanyang kubo.
"Ako pala si Laura, maupo kayo jan.." Sabi naman ni Lola at tinuro ang upuan na gawa sa kahoy at umupo na kami.
"Ano nga pala ang inyong pangalan??" Sabi naman ni Lola Laura at binigyan kami ni Kape.
"Maraming Salamat po dito, ako nga po pala si Kylie at siya naman po si Russel.." Sabi ko naman at sabay tingin ko kay Russel.
"Bagay kayo ng Boyfriend mo.." Sabi naman ni Lola Laura at bigla kong nabuga ang iniinom kong Kape kay Russel.
"YUCK!" Sabi naman ni Russel at pinunasan niya ang buong katawan niya.
"Ay Lola, mag kaibigan lang po kami niyan.." Sabi ko naman at bigla akong naubo..
"Pero nakikita ko sainyo na kayo ang magkakatuluyan.." Sabi naman ni Lola Laura, what! Paano niya nalaman? Manghuhula ba si Lola?? Napatawa nalang ako kay Lola ng pilit habang si Russel walang reaksyon.
"Dito kayo sa isang kwarto matutulog." Sabi naman ni Lola Laura at sabay turo sa kwarto na yun.
"Ok lang ba? Magkasama kayo sa iisang kama??" Sabi naman ni Lola Laura, what!!!!! Magkatabi kami ni Russel matutulog!!!
**************
Itutuloy...**************
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With a Gangster
Roman pour Adolescents[BOOK 1] Kylie, is living in a normal life until she met those gangsters that turn her life into miserable one. Date Created: July 13, 2018 Date Finished: October 18, 2018