KABANATA 39

6.7K 144 5
                                    

KABANATA 39: THE NEW KYLIE

"Ano!? Hindi kana makapag salita ngayon!" Sabi ni Mama at napa walang imik nalang ako, papa alis na sana ako pero pinigilan padin ako ni Mama.

"Kinakausap kita! Wag mo akong talikuran!" Sabi ni Mama at napaharap ako sakanya at sabay punas ng luha ko

"Nanay ba kita!? Bakit!? Nanjan kaba pag kailangan kita diba wala! Nung araw na nalulungkot ako anjan kaba para damayan ako!? Anjan kaba para samahan moko!? Diba wala kasi busy ka sa pakiki kabit mo!" Napasigaw nalang ako ng ganon, alam kong mali ako dahil Mama ko parin siya pero sobrang sama na ng loob ko

"Wala kang karapatan para sigawan mo ako ng ganyan!" Sabi ni Mama at sabay sampal sakin, tuluyan na akong napa walkout at agad naman akong sinundan ni Tristan.

"Tita pag pasensyahan niyo na po so Kylie" Sabi ni Tristan bago ako habulin at napatango nalang si Mama, pagkauwi ko sa bahay gustong gusto kong ibato tong mga vase pero naalaa ko na hindi pala sakin tong bahay na toh.

"Kylie bakit mo naman sinagot sagot ng ganon yung nanay mo?" Sabi ni Tristan at inirapan ko nalang siya

"Ano! Ako nanaman ang mali!" Sabi ko naman, ewan ko kung ano ng nangyayari sakin hindi ko din alam kung pano ko yun nagawa sa sarili kong nanay. Kinabukasan ay Lunes na pumasok na kami ni Tristan sa school, nakatunganga lang ako sa isang upuan dahil wala akong kausap, wala si Chloe. Napatayo ako sa kinauupuan ko nung nakita ko sila Simon.

"Simon!" Sabi ko at napataas lang ng kilay si Simon

"Alam mo ba kung nasaan na si Russel?" Sabi ko pero halata sa mukha ni Simon na ayaw niyang sabihin sakin

"E-ewan, sige bye" Sabi ni Simon at umalis na din sila agad para mag gala

"Arghhhh" Yun nalang ang tangi kong nasabi dahil sa inis ko, bakit ba ayaw nilang sabihin sakin! Pagkalabas ko sa classroom ay nakita ko si Tifanny,Belle at Maureen sa may bench, nung umalis yung dalawa si Tifanny nalang ang natira, sana ay alam niya kung nasaan si Russel

"Tifanny??" Sabi ko tumingin sakin saglit si Tifanny at naglakad na papunta kanila Belle, argh! Bakit ba ganon!! Bakit ba iniiwasan na ako ng mga taong gusto kong kausapin!

"Kylie san kaba galing??" Sabi ni Tristan at hingal na hingal siya, siguro hinanap niya ako

"Kanina pa kita hinahanap jusko" Sabi ni Tristan at napatawa lang ako ng bahagya, maya maya pa ay naguwian na din kami kanila Tristan muna ulit ako natulog dahil may hindi pa kami pagkakaintindihan ni Mama

"Magsorry ka sa mama mo para makapag ayos na din kayo" Sabi ni Tristan, napailing nalang ako wala na akong mukhang maiiharap kay Mama dahil sobrang sirang sira na ako sakanya.

"Ayoko muna sa ngayon" Sabi ko naman at sabay tungo

"Wag mo ng patagalin toh, dadagdag lang yan sa mga problema mo, kung ako sayo magsorry kana sa Mama mo" Sabi ni Tristan hindi ko siya nilingon dahil sa inis

"Eh sa ayoko pa! Hindi mo ako mapipilit!" Sabi ko naman at nagulat siya sa inasta ko sakanya, hindi ko naman sinasadyang masigawan siya sobra lang talaga akong naiinis

"Bakit kaba ganyan? Sobrang laki ng pinagbago mo!" Sabi ni Tristan at napatungo lang ulit ako at umiyak ng umiyak

"Sorry Kylie :( " Sabi ni Tristan at sabay punas sa luha ko.

"Mabuti pa ipapacheck na kita sa Doctor, lately ka ng ganyan hindi na ikaw yung Kylie na nakilala ko" Sabi ni Tristan at napailing nalang ako

"Ayoko! Hindi ako baliw!" Sabi ko naman

"Wala akong sinasabi na ganun! Ang sabi ko ipapacheck lang kita sa Doctor baka may sakit kana" Sabi ni Tristan at inirapan ko nalang siya

"Edi sinasabi monga na baliw na ako! Jan ka na nga!" Sabi ko naman at nag walkout ako papalabas sa bahay, nagpunta lang naman ako dun sa terrace nila para magpalamig

"Wait Kylie! Hindi naman yun yung ibig kong sabihin ih!" Sabi ni Tristan at hindi ko lang siya pinansin

"Sorry na Kylie" Sabi pa ni Tristan at hindi ko lang siya pinansin

"Pls Kylie pansinin mona ako" Sabi ni Tristan pero hindi ko padin siya pinapansin, maya maya pa ay may dumating ng doctor

"Bakit may doctor dito?" Sabi ko at agad akong chineck ng doctor

"Ok naman siya walang problema sakanya" Sabi ng Doctor at sinamaan ko ng tingin si Tristan

"Oh ano kita mona diba!? Hindi ako baliw bahala ka na nga jan!" Sabi ko at nagwalkout na ako, lumabas na ako sa bahay nila ng tuluyan at nandun lang ako nakaupo sa may gate

"Kylie!" Narinig kong sigaw ni Tristan at ako naman ay nag sosoundtrip sa labas, hanggang sa kumulog

"AHHHHH!" Napasigaw nalang ako sa takot at sabay takbo papunta sa loob ng bahay ni Tristan

"Ano takot ka noh" Sabi ni Tristan at sabay tawa  pa sakin

"Manahimik ka nga jan!" Sabi ko naman at sabay irap sakanya, dumareto narin ako sa kwarto para magpahinga

Itutuloy...

Accidentally Inlove With a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon