KABANATA 10: INVITE
"Huh?? Bakit naman??" Sabi ko kay Russel.
"Pls....? Punta ka nalang sa Resto na pinuntahan natin nuon.. hintayin kita mamayang 5pm" Sabi ni Russel. Hindi nalang ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Makalipas ang ilang oras ay nag si uwian na din kami. Habang naglalakad ako bigla kong na alala na sabi pala ni Russel na pumunta ako sa Resto kung saan dun kami pumunta nuon. Nagiisip ako kung pupunta ba ako o hindi.. sumakay na ako ng jeep papunta sa Resto at nakita ko si Russel na nakaupo at naghihintay.
"Uy Russel.. ano?" Sabi ko naman at sabay umupo ako.
"Buti naman at dumating kana.. naka order na din ako ng kakainin natin.." Sabi naman ni Russel.
"Nga pala.. para saan ba toh???" Sabi ko naman sakanya.
"I think im..." Sabi ni Russel pero hindi niya natuloy dahil pagkainom ko ng tubig ay natapunan ako kaya nagpunta ako sa banyo at nag ayos ng sarili at bumalik na din agad.
"May sasabihin kaba kanina?" Sabi ko naman kasi kanina parang may sasabihin siya eh.
"Ahhh wala yun.." Sabi ni Russel at parang kabang kaba pa. Dumating na din yung inorder ni Russel at kumain na kami. Pagka-kain namin ay umuwi na agad ako.
"Hi ma...." Bati ko kay mama.. ay oo nga pala galit siya saakin.
"Ma.. hindi na tuloy ay suspension ko.." Sabi ko naman kay Mama at nagtaas kilay lang siya saakin.
"Ows? Paano nangyari yun?" Sabi naman ni Mama.
"Napatunayan na si Belle ang nagsimula hindi ako kaya hindi ako ang may kasalanan" Sabi ko naman pero hindi nalang nagsalita si Mama. Bago ako pumasok sa kwarto naisipan kong lambingin ko si Mama para ibalik na sakin ang Cellphone ko.
"Ma.. i love you..." Hinug ko si mama at sabay kiniss sa pisngi habang nagluluto siya.
"Palambing lambing kapa jan.. gusto mo lang kunin cp mo eh.. pumasok kana sa kwarto mo!" Sabi ni Mama sabay takbo naman ako papuntang kwarto. Eto nanaman ako wala nanaman akong magawa patingin tingin nalang ako sa salamin at sa nga posters ko. Para tuloy akong nababaliw dahil kinakausap ko ang poster ko.
"Uy bts bakit kayo nakatingin saakin? Ang ganda ko ba?" Sabi ko naman sa poster ng bts.
"Huy! Sumagot kayo...!" Sabi ko ulit sa poster ng bts medyo baliw na ako ngayon dahil wala talaga akong magawa sa buhay. Hindi ako makapag gadgets at hindi rin ako makapanuod sa TV.. yoko naaa!! Hindi ko na kaya...! Makalipas ang ilang oras na pakikipagusap ko sa BTS ay nakatulog na din ako pero hindi ako makatulog dahil may naririnig akong kakaiba sa bintana ng kwarto ko na parang may tao ba?? Sinilip ko ang bintana sa kwarto ko nagulat ako ng may tao palang umaakyat sa bintana ng kwarto ko.. AKYAT BAHAYYY!!! ay hindi pala AKYAT KWARTO!!!!
"Sino kaaa!" Sabi ko sakanya at agad siyang nahulog pero hindi naman siya nasugatan, hindi ko nakita ang mukha niya dahil may takip ito sa mukha. Agad kong ginising si mama sa kwarto niya.
"Ma! Gising!! May akyat bahay!!" Sabi ko naman. At agad siyang nagising at kumuha ng pamalo.
"Pero wala na siya ma... umalis na eh.." Sabi ko naman at binalik na niya ang pamalo.
"Ok ka lang??" Sabi naman ni Mama.
"Opo ma.. akin na po pala yung cellphone ko! Irereport ko sa pulis." Sabi ko naman sa sobrang taranta ni mama ay binigay na niya saakin ang cellphone ko yes! May magagawa na din ako! Pero hindi ko irereport sa pulis yun.. palusot ko lang kay Mama para ibigay na sakin ang Cellphone ko. Binuksan ko agad ang Cellphone ko pero lowbat kaya chinarge ko toh at natulog nadin ako. Pagkagising ko umaga na pala tinignan ko agad ang cellphone ko.
Shet! Hindi pala nacharge! Pero chinarge ko toh kagabi! Siguro lumuwag nanaman ang pagkakasaksak ko!. Nag ayos na ako ng sarili ko naligo, nagbihis at pagkatapos ko gawin lahat yan ay kumain na ako at lumabas na ng bahay para pumara ng Jeep. Hanggang sa nakarating na ako sa School. Habang naglalakad ako sa hallway namin at wala ng nag chichismisan tungkol saakin at dumaretso na ako sa Room namin..
"Hi Kylie :) " Sabi ni Russel. Kumaway naman ako. Good mood na good mood ako dahil nasa akin na ulit yung Cellphone ko..
"Uy Kylie nga pala.. Birthday ng daddy ko ngayon mamaya may Party kami.. Invited ka hah :) " Sabi naman ni Russel tumango nalang ako sakanya.
"Saan ba bahay niyo??" Sabi ko naman.
"Gusto mo.. susunduin nalang kita sa bahay niyo mamayang 5pm." Sabi naman ni Russel at dumating na din si Prof at nagturo na din. Makalipas din ang ilang oras ay nagsiuwian na din umuwi na ako ng bahay.. *4pm* nag ayos na ako ng sarili ko nag suot ako ng dress at nag makeup ng kunti at nakaupo lang ako sa sofa habang ini-intay si Russel. *5pm* na pero wala pa siya lumabas na ako ng bahay tsaka ko naman nakita si Russel at ang sasakyan niya.
"Kylie.. sakay na!" Sabi niya at bumaba siya sa kotse para pagbuksan ako ng pinto agad naman akong pumasok sa kotse niya.
"Bakit nga pala ang tagal mo?" Sabi ko naman.. wow lakas maka reklamo ih noh..
"Madaming inayos sa bahay namin eh.." Sabi naman ni Russel habang nagmamaneho ng sasakyan halos 10 minutes din ang binyahe namin papunta sakanila, pagbaba ko ng kotse ay nagulat ako ng makita ko ang bahay nila, wow! Anlaki naman nung bahay nila! Madami na ding tao at sumalubong naman ay Mommy ni Russel.
"Hi mom.." Sabi ni Russel sabay beso beso naman sa mommy niya.
"Ohh hi.. eto ba yung kaibigan mo?" Sabi naman nung Mommy ni Russel sabay turo sa Babaeng katabi ko.
"Ah eh.. hindi po yan, siya po.." Sabi ni Russel at sabay turo naman saakin.
"Ay naku sorry.. oh sige tuloy kayo.." Sabi naman nung Mommy ni Russel at pinatuloy kami sa bahay. Napanganga ako sa laki ng bahay nila Russel... andaming mga paintings at mamahaling vase. Nagpunta na kami sa table para kumain.
"Wait lang Kylie hah.. jan ka muna." Sabi ni Russel at umalis na siya papunta sa mommy niya
"Bakit hindi mo ininvite si Belle??" Sabi nung mommy ni Russel
"I don't like.." Sabi ni Russel.
"Bakit yan ininvite mo?? Ang cheap nung Girl.." Sabi nung mommy ni Russel.
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With a Gangster
Jugendliteratur[BOOK 1] Kylie, is living in a normal life until she met those gangsters that turn her life into miserable one. Date Created: July 13, 2018 Date Finished: October 18, 2018