CHAPTER 9

536 4 1
                                    

Hindi mapakali si Draco, kanina pa siya lakad ng lakad, uupo tapos biglangtatayo. Pinipilig pilig ang ulo na at gustong iwaksi sa isipan ang nangyari kanina.
"Shit! Shit! Shit!!" Draco curse over and over.. napasabunot pa siya sa kanyang buhok. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso at di nya malaman kong bakit. Para bang nahihiya, nagsisisi at nakukonsensya siya.
"Shit Draco! Nawala ang kontrol mo sa sarili mo!!" Kastigo niya sa sarili.
"Argghhh!!" Naiinis na sinabunutan niyang muli ang kanyang sarili. Npatingala sila at napatulala. Naipikit niya ang kanyang mga mata at bumalik sa kanyang alala ang nangyari kanina.. ang bawat halik niya kay Yumi, bawat haplos niya sa makinis at malambot nitong balat. Ang amoy ng katawan nito ang, ang tamis ng halik nito. Ang maumbok nitong dibdib..
"Aarrgghhh!!" Naiinis na tumayo siya at dali daling tinungo ang banyo. At duon nagkaroon ng milagro.. duon natuloy ang naudlot na magandang eksena kanina.. ang pagkakaiba nga lang siya na lang mag isa ang nagpatuloy nun sa tulong ni maryang palad.

"Anong kayang iniisip nya ngayon?? Nakakainis.. nadala ako sa pangyayari.. nalunod akon sa kakaibang pakirdam na dulot ng halik ni Draco.. nakakahiya.. wala akong mukhang maipapakita sa kanya.." naisubsub ni Yumi ang kanyang mukha sa unan sa hiya na rin sa sarili. Di niya malaman kong ano ang gagawin.. dapat ba niyang kausapin si Draco at sabihing wala lang yun,kalimutan na lang nila.. para namang ang labas nun eh sanay na sanay na siyang ginagawa yun. Pangit ayaw niya ng ganun.. o kaya iwasan si Draco hanggang sa makalimutang tuluyan ang nangyaring yun.. *haisst.. kakainis naman.. di ko alam kong anong magiging reaksyon ko o gagawin ko pag nagkasalubong kami* bulong ni Yumi sa sarili. Napayakap siya ng mahigpit sa kanyang unan. *bakit ba naman kase hinayaan kong mangyari yun.. hindi dapat nangyari yun.. napakabait nila sa akin para gantihan ko sila ng ganito.. pero di ko kayang pigilan minsan... pag nakikita ko sya...pag naririnig ko boses nya..* sa parting yun ng kanyang pag iisip ay tumulo ang kanyang luha. Napahigpit pang lalo ang kanyang yakap sa kanyang unan.
"Darco...." pabulong na tawag niya sa binata at di niya namalayang naka tulog na siya.

"Good morning nanay Lukring.. ano pong breakfast?" Masaya at masiglang bati ni Yumi. May pasok sa araw na ito kaya maaga siyang nagising. Pagkukulong lang naman kase sa kwarto niya ang ginawa niya kahapon kaya siguro kahit gustuhin man niyang matulog pa ay di na siya makatulog kase nga buong araw siyang nagmukmok at natulog kahapon. Ikaw ba naman na maka experience nd ganung klaseng pangyayari nung isang araw sa kanila ni Draco.. sa palagay mo kaya mag mukha kang ipaparada sa buong bahay at may tendency pa na makasalubong mo yung tao? Kakahiya kaya..
"Magandang umaga Senyorita Yumi, ito nag luto ako ng omelet, bacon at may toasted bread. Gusto mo bang uminom ng fresh cows milk? Ipag iinit kita." Nakangiting tanong ng matanda. Nakangiting tumango rin si Yumi bilang sagot sa tanong ng matanda.
"Salamat nanay Lukring" -Yumi
"Walang anuman Senyorita" -Lukring
"Nanay.. diba ilang ulit ko ng sinabi sayo na tawagin mo na lang akong Yumi. Ayuko ng senyorita.. parang tunog tamad eh" maktol niya sa matanda. Natawa naman ang ginang.
"Ikaw talagang bata ka. O siya siya sige.. Yumi na kong Yumi pero..!" Putol nito sa sasabihin na itinaas pa ang hintuturo.
"Ano yun?" Takang tanong ni Yumi.
"Tatawagin pa rin kitang senyorita sa harap nina mrs and mr. Vlademere syempre" sabi ng matanda. Nagtaka naman si Yumi.
"Bakit?"
"Kase nga anak ka nila at amo ko sila"
"Nanay.. alam nyo naman po ang totoong sitwasyon"-Yumi
"Ito na amg totoong sitwasyon ihja..hindi ka ba masaya?" Lukring
"Masaya naman po" may bahid ng lungkot na sabi ni Yumi
"O e bakit ganyan mukha mo?" Nag aalalang tanong ng Ginang.
"Wala po" umuiling pa siya ng sabihin iyon.
"San nga po pala si Draco" naalala niyang itanong sa matanda. Di kase niya ito nakikita usually dapat sa ganitong oras nandito na ito at hinihintay siyang makakababa at makakain. "Di ba siya nakapag paalam kahapon?" Takang tanong uli ng matanda.
"Huh? Paalam?" Takang tanong rin ni Yumu sa ginang.
"Oo,umalis siya kahapon ng umaga. At duon raw muna mamalagi sa rest house nyo. Ang driver na muna ang maghahatid at mag susundo sayo sa school mo. Mas mabuti na nga yun at ng mawala ang kaba kong baka maulit nanaman yung nangyari at magkasakit ka nanaman.. naku! Di lang sermon ang aabutin ko sa mga magulang nyo."
"Ahh nanay Lukring.. di nya ba sinabi kong kaylan sya babalik?"
"Wala syang nabanggit ihja..nagmamadali kasi sya kahapon. Muntik pa ngang makalimutan yung bag nya."
"Bag?? Nagdala sya ng mga damit?"
"Oo..ewan sa batang yun ngayon lang umalis dito na ganyn yun at mukang matatagalan pa yata sya duon.. teka.. kayi bang dalawa..." tanong ni aling Lukring na ikinakaba ni Yumi.
"Naku..naku nanay lukring wala po..wala po nagkakamali ka sa iniisip mo..wala pong anong nangyayari sa amin... wag ka pong mag isip ng ganyan... ma-magkapatid po kami..." depensa agad ni Yumi di pa man natatapos ang tanong ng matanda. Nagtaka naman ang matanda sa reaksyon ng dalaga.
"Pinag sasabi mo ihja? Itatanong ko lang kong kayo bang dalawa eh may pinag awayang bagay? O kaya may samaan ng loob? Simula kase nung namasyal kayong dalawa eh di na kayo nag usap. Nagkulong ka kahapon sa kwarto mo samantalang maaga pa lang kahapon umalis nya si Draco at may dala dala pang gamit. Baka kako may pinag awayan kayong dalawa" paliwang ng matanda sa nabiting tanong niya. Para namang napahiyang napa halukipkip si Yumi.
"A..e..wala na-naman po nanay.. o-okay naman po kami" pagsisinungaling niya.
"O sya sya sige kumain kaya at nga maihatid ka na sa school nyo. At wag na wag kang magtataxi hintayin mo ang driver na sunduin ka maliwanag ba Yumi" habilin niya sa dalaga. Tumango naman ito at nag simulang kumain. Pero di siya makakain ng maayos ukopado ang kanyang isipan sa kong bakit umalis si Draco duon. At bakit umalis ito ng di man lang nila napag usapan yung nangyari..just to make it clear.. haist.. she cant stop thingking kong bakit ganun..she needs closure. And she hope she can get it by talking to Draco but how. Parang back to iwas iwas mode nanaman ito.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon