CHAPTER 21

243 4 1
                                    

"Anong balita?" Tanong agad ni Ace ng makarating ang mga tauhan niya ng ipinatawag niya ang mga ito.
"Sir buong araw pong hindi namin nakita ang magkapatid pati rin po yung matanda sir, baka naman po mali yung impormasyong nakuha nyo tungkol sa pagbalik nya dito,sa pilipinas" natatakot na report ng tauhan niya. Tumalim ang pagkakatitig ni Ace sa lalaking nag salita.
"Anak nya mismo ang nagsabi sakin yan!" Sabi ni Ace.
"E..sir.. simula't sapol po di po namin nakita yung matanda e.." hirit naman ng isa pang tauhan niya.
"Shut up!! Ang sabihin nyo mga gonggong kayo. Nakakalabas masok yung matanda sa bahay nila ng hindi nyo nakikita!!" Bulyaw niya sa mga ito. Napaatras naman ang mga ito sa takot sa kanya.
"Si-sir..baka naman po..may iba silang dinaanan kaya naman po kahit anong abang namin ay di namin sila makita" sabi naman ng isang tauhan ni Ace na ikinalingon niya dito. Napaisip isip siya, napahawak pa siya sa baba at napaisip. Tumalikod siya sa mga ito, naglakad lakad at napaisip.
"May punto ka nga" sabi niya. Magsasalita pa nga sana siya ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Napatigil siya at tiningnan ang caller. It was his dad, its Argus Arivalo.
"Dad" sabi agad niya ng sagutin ang tawag.
"Its your wedding day tomorrow night, i need your ass here early morning tomorrow." Gulat na gulat si Ace sa sinabi ng ama. Ano daw? Bukas na ang kasal nila? What? How it happen? Na andito si Yumi sa pinas??? What the hell is happening?? Gulat na gulat at takang takang tanong sa sarili ni Ace.
"Ace? Are you still there?" Takang tanong ng ama niya ng hindi siya sumasagot.
"A..ye-yes dad im still here..i heard you..but dad isn't it too early?? Ba-bakit bukas na?? I-i mean.. nandito pa yung bride sa pinas. How will the wedding be held if the bride is still here?" Hindi magkamayaw sa kakatanong si Ace sa ama.
"Stupido!! It only means that you're not doing great you job! maliit na bagay lang tatanga tanga kapa! Van is here in korea and the woman is with him! Now get your fucking ass in here. Do you hear me!" Sigaw ni Argus sa anak.
"Ye-yes dad..ill be there tomorrow morning" walang nagawang sabi ni Ace. Saka niya pinutol ang tawag. Naikuyom niya ang palad.
"May hindi magandang amoy akong naaamoy!" Sabi ni Ace sa naniningkit na mata.
"Buyo!" Tawag niya sa tauhan.
"Sir!" Alisto namang sagot nito.
"Gusto kong masigurado ang lahat. Nakahanda ba ang mga tauhan?" Tanong niya rito.
"Opo sir! Handang handa po!" Sagot naman nito.
"Good! Alam mo na ang gagawin mo" sabi niya rito na tumalim ang tingin. Naiintindihan ng tauhan niya ang ibig nitong sabihin kaya napa ngisi ito.
"Kami na ang bahala sir" sabi pa nito.
"Sige makakaalis na kayo" agad namang tumalima ang mga tauhan niya at halos sabay sabay ang mga ito nagsi alisan. Tinawagan naman agad ni Ace ang tauhan nila sa airport para makakuha siya ng plane ticket mamayang gabi. Nang matapos ang pag uusap nila ay nilisan na rin niya ang lugar na iyon para ihanda ang sarili sa gaganaping kasalan kinabukasan.

Nakarinig si Yumi ng ingay sa baba kaya naman napamulat siya ng mga mata. Babangon na sana siya ng maramdaman ang kirot sa pagkababae niya. Naramdaman naman ni Draco ang pagkilos niya kaya iminulat nito ang mga mata at nakita niyang nakangiwi ito.
"Beauty what happened?" Nag aalalang tanong agad ng binata. Lumingon naman agad si Yumi sa kanya at sumilay sa mga labi niya ang ngiting napakatamis.
"Wala to.." sabi niya. Bumangon naman si Draco para haplosin ang braso niya.
"Sorry kung nasaktan ka sa nangyari kagabi" sabi niya sa dalaga sa nag aalalang boses.
"Baliw! Ginusto ko to no at tsaka di naman totally na sinaktan mo ako.." napahampas pa siya sa balikat ng binata pagkasabi nun. Ngumiti naman ang binata at hinalikan siya nito sa noo.
"Good morning!" Bati nito sa kanya saka ito muling yumuko para hinalikan siyang muli nito ngunit sa pagkakataong iyon ay sa labi na niya dumapo ang halik nito. Napangiti naman si Yumi sa ginawa ng binata. Ang aga aga e, pinapakilig siya nang mukong na to!
"Good morning too!" Bati rin niya sa binata saka siya marahang bumangon,Umalalay naman si Draco para tuluyan siyang makabangon. Ginawaran agad niya ng halik sa labi ang binata ng maayos niya ang pagkakaupo sa kama. Nakangiti sila sa bawat isa. Hahalikan pa sanang muli ni Draco si Yumi ng makarinig sila ng ingay sa ibaba. Nangunot pareho ang kanilang mga noo.
"Anong ingay yun?" Takang tanong ni Yumu sa binata. Umiling naman si Draco.
"Hindi ko alam" sabi nito. Tuluyan na itong bumangon sa pagkakaupo sa kama, mabilis itong kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo. Ilang minuto lang ay lumabas na ito. Dali dali itong nagbihis, nakamasid lang si Yumi sa ginagwa ni Draco. Nang akmang lalabas na ito ng silid ay napatayo si Yumi. Nahulog pa nga ang kumot na ipinangtakip niya sa hibad na katawan, agad naman niya iyong pinulot at itinakip muli sa katawan.
"Teka san ka pupunta?" Takang takong niya sa binata. Mabilis siyang nakakapit sa braso nito ng akmang lalabas na ito ng kwarto. Nilingon naman siya ni Draco.
"Titingnan ko lang yung ingay sa baba..dito ka na muna at magpahinga." Sabi nito at muli ay umakma itong lalabas.
"Teka! Sasama ako!" Sabi niya at agad na pinulot ang mga damit para suutin iton. Mabilis naman siyang nilapitan ni Draco at pinigil sa sinagawa niya.
"I said stay here okay..ipapaakyat ko na lang kay manang Elvi yung breakfast mo" sabi nito sa kanya.
"Sino yun?" Takang tanong naman ni Yumi.
"Nanay ni Makoy..baka sila na yung nasa baba. Sige na maligo ka na at hintayin mo na lang yung pagkain mo dito" sabi nito sa kanyan. Walang nagaw si Yumi kundi ang umupong muli sa kama. Matapis gawaran ng halik sa noo si Yumi ay agad nang lumabas si Draco sa silid na iyon. Nangusong napahiga muli si Yumi,inabot niya ang unan na ginamit ni Draco. Inamoy at niyakap niya iyon. Napangiti naman siya sa naamoy niya, dumikit kase yung amoy ni Draco sa unan kaya parang yakap yakap lang niya ang binata yun nga lang ang unan malambot samantalang may katigasan ang katawan ni Draco dahil sa abs at muscle nito. Sarap na sarap siya sapagkakayakap sa unan ng malala ang sabi ni Draco na i aakyat na lamang ang almusal niya, kaya napatayo siya tunguhin ang banyo. Nakakahiyang maabutan siya ng ganun ang ayos niya. Tutunguhin na sana niya ang banyo ng masagi ng paningin niya ang pulang mantsa sa kobre kama. Muli ay napangiti siya ng maalala ang nangyari kagabi. Wala ni isang kusing na pagsisisi siyang naramdaman ng ipagkaloob niya anv pagkababae sa binata. Hinaplos niya ang mantsang iyon. *hinding hindi ko makakalimutan ang gabing iyon* nakangiting sabi ni Yumi sa sarili. Kinuha niya ang telang may mantsa tinupi niya iyon at inilagay sa lagayan ng labahan saka siya tuluyang pumasok sa banyo para maligo.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon