CHAPTER 19

264 4 1
                                    

"Oi Ace! San ka nagsusuot at ngayon lang kita nakita?" Bati ni Cloud ng makitang sa parking area si Ace at papasok ito ng building.
"May inasikaso lang.. kamusta" Nakangiting tanong ni Ace.
"Eto gwapo pa rin, ikaw ba?" Balik tanong ni Cloud.
"Eto mas gwapo pa rin sayo" ganting biro nito.
"Keep on believing that pare hahaha" -Cloud.
"Anong balita?" Tanong sabay akbay ni Ace sa kaibigan.
"Ganun pa rin naman.." sagot naman nito.
"Walang balita?" Tanong muli nito na inalog siya sabay pislit sa ilong nito.
"Aray! Ikaw ha! Nahahalata na kita!" Naningkit ang mga mata ni Cloud na tinitigan si Ace. Nagulat naman ito sa sinabi niya, para bang natuklaw ito ng ahas na hindi nakapag salita.
"Nahahawa kana ng kabaklaan kay Ennin! Panay na chansing nyi sakin!" Sabay tanggal sa pagkakaakbay ni Ace sa kanya.
"Gago!" Ang tanging nasabi ni Ace ng malaman kung ano ang ibig sabihin nito.
"Kala ko naman kung ano na" dugtong pa nito na parang bang siya ay nakalusot sa paglilitis.
"Bakit may iba pa ba akong dapat malaman?" Tanong ni Cloud na ikinatitig ni Ace sa kanya. Kaya nagkatitigan sila ng ilang sigundo sabay bawi ni Ace ng tingin.
"Wala! Baka ako may dapat malaman" pag iiba agad nito ng usapan. Parang napaisip naman si Cloud sa sinabi nito na agad na napuna ni Ace.
"O, di kana nakasagot... mukhang may nililihim ka a! Share naman dyan!" Sabi pa nito sa kaibigan na dinunggo pa nito ang balikat nito sa balikat niya.
"Ha-huh? Ahh.. wala... lika na nga malate pa tayo sa klase" sabi ni Cloud saka nag umpisang maglakad.
"Hhmm umiiwas ka yata a... mukhang may dapat nga akong malaman... ano yun ha? Ano yun?" Pangungulit ni Ace sa kaibigan na sinabayan ito sa paglalakad.
"Wala nga sabi.." iwas naman nito sa usapan. Nahalata naman iyon ni Ace at napaisip ito. *hhmm mukhang may alam tong gago na to a* bulong niya sa sarili. *magawan nga ng paraan para kumanta to* naka ngiting demonyo pa siya sa naiisip na hindi naman iyon napansin ng kaibigan.
"Oi.. alam mo na bang hindi na matutuloy yung performance natin?" Sabi niya sa kaibigan na binabantayan ang magiging reaksyon nito.
"Talaga?" Kunway patay malisyang tanong naman ni Ace.
"Alam mo naman pala e, kunyari kapa!" Sabi ni Ace na pabirong hinampas ang balikat ng kaibigan.
"Alam ang ano?" Patuloy na pagkukunyari ni Cloud.
"Nahindi na matutuloy ang performance natin." Simpleng sagot ni Ace.
"Mag tatanong ba ako kung alam ko na yun" sabi naman ni Cloud.
"Kunyari kapa! Oi Cloud kilala na kita.. hindi ganyan ang magiging reaksyon mo kung hindi mo pa ito alam." Panghuhuli nit Ace kay Cloud. Napatingil naman sa paglalakad si Cloud at napa isip. *teka mukhang may alam na yata tonv si Ace, sasabihin ko ba sa kanya? Kaibigan matalik naman na siya kaya pwede na ring pagkatiwalaan. Kaso sabi ni Yumi walanv dapat na may makakaalam ng bagay na yun. Nangako siya rito* nakatingin lamang sa kawalan ni Cloud dahil sa naglalaban laban na boses sa kanyang pag iisip. Yun ay, sasabihin ba niya o hindi*
"Bakit mo naman nasabi yun?" Tanong ni Ace.
"Ang alin?" Kunyari ay takang tanong ni Ace.
"Hhhmm yung tungkol sa sinabi mong hindi ganito ang magiging reaksyon ko sakaling alam ko na ang tungkol dito." Pag uulit ni Cloud sa sinabi ng Kaibigan.
"Totoo naman ah.. ikaw pa! Ewan ko lang kung hindi ka magwawala kung totoong di mo pa nga alam... hhmm... umamin ka alam mo na no?? Sabi kase sakin wag muna ipag sabi.. pero syempre kaibigan kita at pinagkakatiwalaan kaya sinabi ko sayo" paliwanag ni Ace sa paraang sinusubukan nitong kunin ang tiwala ni Cloud. Napaisip naman si Cloud sa sinabi ng kaibigan.. halata sa mukha nito ang pagdadalawang isip.
"Hoy! Ano kaba! Tratuhin ba naman akong ibang tao! Ako tong sanggang dikit mo tapos di mo pala pagkakatiwalaan.." kunyari ay nagtatampong sabi ni Ace dito.
"Sira ka talaga!" Sabi naman ni Cloud na inakbayan ang kaibigan.
"Hindi okay lang naman.. nakakagulat lang hindi mo pala ako pinagkakatiwalaan." Sabi pa nito sa malungkot na boses. Nakonsyensya naman si Cloud sa kanyang inasal sa kaibigan.
"Hoy! Baliw to! Lika sa court.. dun tayo magSabi ni Cloud sabay akay sa kaibigan. Hindi naman niya napansin ang malademonyong ngiti ng tagumpay sa labi ni Ace.
Walang tao sa loob ng gym ng makarating sila dun, oras na kase ng klase. Mamaya pa naman ang klase niya kaya okay lang na tumambay muna sila dun. Tinungo nila ang gitnang bahagi ng stairbenches sa bandang kaliwang bahagi ng gym.
"Anong oras unang subject mo?" Pag uumpisa ni Cloud sa usapan. Sumandal siaya sa rails na humaharang sa dulong bahagi ng upuang hagdanan. Umupo naman sa harapan niya si Ace.
"Mamaya pa..so..ano na?" Hindi na makapaghintay sa impormasyong makukuha na tanong agad nito sa kaibigan. Bumontong hininga naman si Cloud.
"Actually hindi ko alam ang buong senaryo. Basta ang alam ko.. hindi na muli silang papasok" pagsisiwata ni Cloud.
"Alam ko na ang bagay na yan sinabi ko pa nga di ba.. yung iba mo pang nalalaman" hindi maiwasang maatat si Ace na makasagap ng impormasyon ngunit binaliwala naman iyon ni Cloud.
"Aahh...Ipangako mo munang di ito ipagsasabi sa iba" sabi bi Cloud na gustong mapanatag muna bago magsalita kay Ace.
"Makakaasa ka" sagot naman ni Ace.
"Okay.... may sinabi sa aming problema si Yumi, kaso naguguluhan kami ni Ennin. Mukhang nanganganib ang buhay nila." Nag aalala sabi ni Cloud kay Ace, napapaisip.
"Kung sino man ang taong gustong gumawa ng masama sa kanila ay hindi namin alam. Walang sinabi si Yumi tungkol dun. Yun ay konklosyon lang namin ni Ennin base sa mga sinabi ni Yumi." Nagugustuhan ni Ace ang mga impormasyong nasasagap niya. Atleast ngayon alam na niya kung kanino mag iingat at kung sino ang dapat itumba sakaling bumalakid ang mga ito sa plano niya.
"Ano pa ba ang sinabi ni Yumi?" Tanong pa ni Ace kay Cloud.
"Kala ko ba alam mo na ang tungkol dito." Takang tanong ni Cloud sa kaibigan.
"Ang alam ko, ay magbabakasyon si Draco at hindi na matutuloy ang performance natin. Pupunta ng korea si Yumi at uuwi sa totong mga magulang niya para magpakasal sa anak ng taong pinagkakautangan nila ng malaki. Alam mo ba ang tungkol dito?" Nakangising tanong ni Ace kay cloud ng isiniwalat niya ang katutuhanan tungkol sa pagkatao ni Yumi.C19 (2nd part)

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon