CHAPTER 25 (the wedding)

202 3 1
                                    

"Napakaganda mo ihja..." manghang puri ni Elena sa dalaga. Imbis na matuwa ay mas lalong lumungkot ang mukha ni Yazzi. Samo't saring emosyon ang bumabalot sa kanya. At hindi iyon maitatago sa mga kilos niya. Inabot ni Elena ang kamay ng dalaga. Hinawakan ng dalawang kamay niya ang kamay ng dalaga at marahang pinisil pisil iyon. Tahimik lang naman si Yazzi na nakaupo, ni hindi ito nag aksayang tapunan ng tingin ang Ginang. Nakayuko lamang siya at pigil ang emosyong gustong kumawala sa pagkatao niya.
"Alam kong natatakot ka at alam ko ring galit ka sa amin.."  sabi ng Ginang habang nakatitig sa dalaga.
"Ganun pa man.. i want you to trust us, we put you in this situation and its our responsibility to make sure your safetiness. Just play along ihja.. hayaan mong kami ang gumawa ng hakbang para sa ikakatahimik ng lahat." Nagpagting ang tenga ni Yazzi sa huling sinabi ni Elena. Napa ismid siya sabay tingin ng matalim sa Ginang.
"Tahimik?" Pilisopo ang tonong tanong niya.
"Tahimik ang buhay ko noon, naging magulo lang dahil sa inyo. Kaya't wag mong sasabihing para sa ikakatahimik ito ng lahat. Dahil kayo ang nag dala ng gulo sa buhay ko!" Mababakas ang galit ni Yazzi sa bawat salita niya. Marahas na binawi niya ang kanyang kamay na hawak hawak ng matandang babae. Oo, mabait ang Ginang pero totoo naman ang mga sinabi niya. Kaya wala siyang pinag sisihan sa bawat salitang lumabas sa labi niya. Nagulat naman ang Ginang sa naging reaksyon niya. Ngunit naiintindihan naman nito kung bakit siya nagkakaganun. Nahahabag na naisiklop nito ang mga palad.
"Patawad ihja.. patawad.." tanging nabanggit ni Elena saka ito tumayo at umalis sa lugar na iyon. Nag uunahan naman sa pagpatak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Yazzi. Sobrang bigat na ng kanyang nararamdaman, pakiramdam niya ay mabubuwal siya anumang oras. Hindi niya napigilang humagulgol, wala siyang pakialam kung mabubura man ang kolorete niya sa muka at Kung madumihan man ang kanyang damit. Basta gusto niyang ilabas ang hinanakit niya sa dibdib. Gusto niyang magwala, gusto niya maglumpasay pero kahit na gawin pa niya iyon, alam niyang wala siyang magagawa para maitigil ang letcheng kasalang ito.
"Aaahhhh!!!!!" Di mapigilang sigaw ni Yazzi saka humagulgol ng humagulgol. Napalingon naman ang make-up artist at ang assistant nito sa kanya na nooy nag chichismisan sa sofang di kalayuan lamang kay Yazzi.
"Gurl ang make-up mo!" Tarantang sigaw ng baklang make-up artist. Nagkukumahog itong makalapit sa kanya kasabay ang assistant nito.
"Gurl ano ba yan! Sira na ang make-up mo!" May inis sa boses nito.
"Kumuha ka ng tissue! Tatanga tanga kapa riyan!" Galit na sigaw ng bakla sa assistant niya. Wala namang pakialam si Yazzi sa mga nagkakagulong tao sa paligid niya, patuloy lang siya sa pag iyak. Nagulat na lamang siya ng biglang i-angat ng bakla ang kanyang mukha at sinimulang dampian iyon ng tissue, marahan at maingat para di mabura ng tuluyan ang make-up niya.
"Gurl! kung may problema ka, wag mo naman akong idamay! Pag ito nakita ng anak ng boss ko, alam mo bang papatayin ako nun?!" Galit nitong sita kay Yazzi.
"Kaya kung magsisenti ka, pwede bang pagkatapos na lang ng kasal? Maawa ka naman sa madadamay!" Dagdag pa nito. Ngunit imbis na tumahan si Yazzi ay mas lalo lang siyang napaiyak. Bigla itong napayakap sa bakla, umaalog alog pa ang balikat nito sa kakaiyak. Nahabag naman ang bakla sa kanya. Kaya imbis na pumutaktak ito ay napabuntong hininga na lamang ito.
"Gurl, nafefeel kita.. gusto man kitang i eskapo ay waz ako magawa.." sabi nito sa mahinahong boses sabay himas sa balikat ni Yazzi.
"Mga arivalo ang monster sa life mo. At hawak nila ang flowless neck ko. Kaya kahit mag ngangawa ka riyan pipinturahan at pipinturahan ko pa rin yang fezlak mo kase yun ang job ko."  Paliwanag nito kay Yazzi. Saka nito marahang iniharap muli sa kanya ang mukha ng dalaga.
"Gurl, lakasan mo lang ang loob mo At kung may pagkakataon kang tumakas, go and run away dont ever look back! Mas mainam nang mamatay na lumalaban kesa mamatay na walang kalaban laban." Makahulugang sabi ng bakla.Napatigil naman sa pag iyak si Yazzi. Para bang nabuhayan siya ng loob, na para bang may pagkakataon pa para hindi siya tuluyang makulong sa impyernong kasasadlakan niya.
"Bakit mo sinasabi sakin ito?" Tanong ni Yazzi ng maikalma niya ang kanyang sarili. Nagtaka naman ang bakla sa tanong niya.
"Ano ang ibig mong sabihin gurl?"
"Hindi mo dapat sinasabi sakin yan,dahil tauhan ka ng mga Arivalo."  Sagot ni Yazzi.
"Gaga!" Sita ng bakla sa kanya.
"Hindi nila akong tauhang talaga. Make up artist lang ako." Sagot ng bakla na nag uumpisa nanamang ayusin ang mukha niya.
"Alam ko ang hystory-story mo gurl.. kung bakit ka nandito." Sabi pa ng bakla.
"Talaga? Alam mo kung bakit ako nandito?" Parang nakahanap ng kakampi na masiglang tanong ni Yazzi.
"Oo, diba ipapakasal ka lang naman dun sa anak ni Argus dahil sa utang ng mga magulang mo?" Sagot nito sa kanya na ikinadismaya naman niya. Dismayadong napayukong muli si Yazzi. Dahil hindi yun ang gusto niyang marinig.
"Gurl, wag ka! Alam mo bang napaka gwapo ng mapapangasawa mo?" Sabi pa ng bakla na itinaas muli ang mukha ng dalaga at pinagpatuloy ang pag aayos dito.
"Sa kanilang tatlo yung bunsong yun ang sobrang bait. Alam mo bang galing pa sya sa pinas?" Naka ngiting sabi nito, saka nito sinipat sipat ang mukha niya.
"Oh, ayan subrang ganda mo na ulit! Oh sya sige,wag ka nang umiyak at baka di na kita ma retouch! Mag uumpisa na ang seremonya! Good luck gurl! At congrats!" Yun lang at umempake na ito ng mga gamit katulong ang assistant nito saka nagsilayasan na ang mga ito. Muli ay nakaramdam ng awa si Yazzi sa kanyang sarili at wala siyang magawa.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon