CHAPTER 22

218 4 1
                                    

"Boss, nandito na po kami sa harapan ng mansyon ng mga Vladimere" sabi ni Buyo sa taong kausap sa telepono.
"Good, alam nyo na ang gagawin nyo" tanong naman ng taong kausap nito.
"Opo boss!" -Buyo.
"Tawagan mo ako ulit pag may balita" sabi ng lalaking kausap nito.
"Ariglado boss!" Listong sagot naman ni Buyo. Saka pinatay ang tawag.
Tumalim naman ang paningin ni Ace, *hindi ko alam kung anong plano nyo mga Vladimere! Pero hindi ko kayo hahayaang hadlangan ang mga plano ko!* napangiti na parang demonyo Ace. Napalingon si Ace sa kanyang tabi ng makitang naroon na yung babaeng kinausap niya kanina para sa magiging flight niya papuntang korea.
"Sir heto na po yung ticket nyo" nakangiting inabot nito kay Ace ang envelope. Nginitian naman niya ito.
"Thanks" sabi niya sabay kuha sa envelope and naglakad paalis sa lugar na iyon.

"Buyo o ano na?" Tanong nang isang kasama ni Buyo.
"Pasukin na natin. Magsihanda kayo" sagot naman nito. Nagsi handa nga ang mga ito, kanya kanyang kasa ng baril at suot ng bonet. Nang makitang handa na ang lahat ay sumenyas siya sa mga ito. Mabilis namang kumilos ang mga lalaking kargado ng baril, nasilabasan sila sa van na sinasakyan niya. Ang isan ang mabilis na kinulikot ang lock ng gate. Nang tumunog iyon, agad niya itong binuksan at nag uunahang makapasok ang mga kasamahan nito.
"Tisoy! Magbantay kayo ni Atong dito" pigil niya sa lalaking sinusundan niya. Tumangi naman ito at inalisto ang sarili sa pagbantay sa gate, ganun rin ang ginawa ng kasama nito. Sininyasan ni Buyo ang isang lalaki na ikutin ang buong paligid ng bahay. Tumango ito at sininyasan rin ang ibang kasamahan nila na mag hiwa hiwalay ang mga ito para halughigin ang buong bahay. Pinagpatuloy ni Buyo ang pag pasok sa mansyon ng mga Vladimere. Nagulat naman si Manang Lukring nang makita siya nito. Nagsisigaw ito at tumakbo pabalik sa kusina. Suminyas si Buyo sa isang lalaki na sundan ito. Dali dali namang sumunod ang dalawang lalaki sa tunakbuhan ni Manang Lukring. Sininyasan rin niya ang ibang kasamahan na halughugin ang buong bahay, agad namang nagsipulasan ang mga ito. Bigla namang iniluwa ang isang matandang lalaki mula sa isang silid.
"Lukring bat ka sumisigaw?" Tanong ni Toning, kagagaling ito sa stock room para ilagay yung mga ginamit niya sa harden kanina. Siya ang mister ni Lukring na hardenero naman ng mga Vladimere. Nagulat ito ng makita ang grupo nila Buyo.
"Hoy! Sino kayo at anong ginagawa nyo rito?!" Sita niya sa mga ito.
"Igapos yan!" Utos naman agad ni Buyo. Sinugod ng dalawang lalaki si Toning.
"Subukan nyo at magkakamatayan tayo!" Sabi nito. Akmang hahawakan siya ng isang lalaki ngunit agad niya itong sinuntok dahilan para matumba ito. Nagulat lamang siya ng may tumama sa batok niya dahilan para mawalan siya ng malay.
"Ang lampa mo talaga Esto! matandang uugod ugod na e, napatumba kapa!" Kantyaw ng lalaking humpas sa batok ni Toning. Natatawang kumuha ito ng tali saka inihagis kay Esto.
"O ayan ikaw na mag gapos riyan!" Sabi nito saka naglakad pabalik kina Buyo.
"Toning!! Toning!! Anong ginawa nyo sa mister ko!! Mga walang hiya kayo!!" Naghehesterikal na sigaw ni Lukring ng makitang nakahandusay ang mister nito. Hawak hawak siya ng dalawang lalaki palabas ng kusina.
"Patahimikin nyo nga yang matandang yan!" Utos ni Buyo. Nagpupumiglas naman si Lukring sa takot sa anumang gagawin ng mga ito sa kanila. Agad na iginapos ng isang lalaki ang kamay ni Lukring at binusalan nito ang bibig niya.
"Manang Lukreng, Manong Toneng!! Tabang!!  Ginoo ko Tabang!! May yawa nga nagtalanga diri!! Tabangi nyo man ako!!" Nag sisigaw si Lalay habang tumatakbo papuntang sala. Hinahabol nito ng isang lalaki. Napahinto sa kakasigaw si Lalay nang makita niya sina Buyo at ang mga tauhan nito. Napaatras siya. Mas lalo siyang kinabahan ng makita niyang naka gapos si Manang Lukring at manong Toning.
"Na yawa na! Patay na ko sini!" Mura niya habang umaatras. Nagulat na lamang siya ng may humawak sa kamay niya.
"Bwesit kang babae ka pinagod mo ako!" Galit na sigaw ng lalaking humawak sa kanya."Buy.e kamot ko! yawa ka!! Animal ka! Ipakulam taka!!! Lord tabang!!"
Naghihisterikal na sigaw at pagpupumiglas ni Lalay. Sa sobrang inis ng lalaki ay sinuntok niya ito sa tyan dahilan para manlupaypay sa sakit si Lalay. Pinilit namang sumigaw ni Lukring kahit na nakabusal ang bunganga nito. Ngunit puro ungol lang ang tanging lumabas sa bibig niya. Sinubukan niyang tumayo pero agad siyang pinaupong muli ng lalaking nakabantay sa kanya. Iginapos naman agad ng lalaki si Lalay. Hindi pa siya natapos ay nagsidatingan na ang iba pa nilang kasamahan dala-dala ang dalawa pang kasambahay at pang huling hila hila ng mga ito ay ang driver. Nagsisi-iyakan ang tatlong kasambahay. At bugbug naman ang Driver.
"Batkit ganyan ang mukha nyan?" Takang tanong ni Buyo ng mapansin ang itsura ng driver.
"E, boss nanlaban e!" Rason naman ng isang lalaki.
"Sige na, sige na. Itali na ang mga yan. At pag may pumalag pa isa sa mga ito! Itumba nyo na!" Walang alinlangang utos ni Buyo sa mga ito.
"Ariglado boss!" Nakangiting sagot naman ng lalaking kausap niya.
"Boss! Boss!" Tawag ng isang lalaking pababa sa hagdanan, nagmamadali itong makalapit sa kanila nakasunod ang iba pa nitong kasama.
"O, nasan na ang magkapatid?" Takang tanong ni Buyo ng hindi makita ang pakay nila duon.
"Walang tao sa taas!" Pag iimporma nito.
"Ano?!!" Mas nagtatakang tanong ni Buyo.
"Wala rin yung matanda boss!" Singit naman ng isang lalaki.
"Papaanong wala ang mga iyon dito! Wag nyong sabihing nalusutan kayo!!" Galit na sigaw ni Buyo sa mga ito.
"Imposible yan boss wala silang ibang dinaraan kundi sa malaking gate na yun at nakabantay kami ron bente kwatro oras!" Pagdedepensa naman ni Esto.
"Kung ganon bakit hindi ninyo mahanap ang magkapatid pati ang matanda?!!" Galit pa ring sigaw tanong ni Buyo.
"Hinalughog nyo na ang lahat ng sulok ng bahay na to!!?" -Buyo.
"Oo boss! Pati bodega at mga banyo ay pinasok namin. Lahat na maaaring pagtataguan hinalughog namin. Pati ilalim ng kama at mga kabinet, pero wala ni isa man sa kanila." Sagot naman ni Atok.
"Imposibleng wala ang mga yun dito kung hindi nyo naman sila nakitang lumabas!!" Galit na sigaw ni Buyo.
"Maliban po sa babaeng maputi na katulong nila dito ay wala ng ibang naglalabas masok sa bahay na ito boss" sabi naman ni Esto. Napakunot naman ang noo ni Buyo.
"Sinong katulong?" Takang tanong nito ng mapansing puro morena ang balat ng mga katulong na babaeng naroon. Napatingin rin si Esto sa mga katulong. Nagtataka siya ng mapansing wala dun yung babaeng lagi nilang nakikitang lumalabas at pumapasok sa mansyon.
"Teka! Ba't wala dito yung tisay?" Takang tanong ni Esto.
"Baka naman gawa gawa mo lang yan Esto para di pagtakpan yang katangahan nyo. Ang sabihin nyo nasalihan na kayo ayaw mo pang aminin!" Galit na sita ni Buyo.
"Naku! Hindi boss! Totoo may tisay talagang labas masok dito. Naka uniporming gaya nila. Brown ang buhok at may kataasan" pag didiscribe ni Esto sa babae.
"Diba Atok? Nakita mo rin yun? Diba mga kasama?" Paghihinge ng tulong ni Esto sa mga kasamahan. Halos sabay sabay namang nagsisagutan ang mga ito na umaayon kay Esto.
"Nakita ho naming lahat yung babae boss" kompermasyon naman ni Atok sa mga sinasabi ni Esto. At para patunayan iyon ay lumapit si Esto sa isang katulong at marahas itong pinatayo. Nagpupumiglas naman si Lalay ng pilitin siyang tumayo ni Esto.
"Hoy! Babae! Sino yung babae kasama nyo rito na maputi? Ha? Sagot!!" Sigaw niya rito. Ungol naman ng ungol si Lalay kase may busal siya sa bunganga.
"Anong sabi mo? Di ko maintindihan!" Galit na sita ni Esto. Naiinis na lumapit si Atok at binatukab si Esto.
"Aray! Gago ka a!" Sigaw niya rito.
"Papaano makakasagot yan e may busal bunganga nyan! Tanga!" Sigaw rin nito sa kanyan. Napatingin naman si Esto kay Lalay saka lang niya napansin ang busal nito sa bunganga. Naiinis na kinuha niya iyon.
"Waaahhhhhhh!! Lord tabang!! Kuya! Maluoy ka bata pa ko! Di ko pa gusto mapatay!!!" Atungal nito na naghahalo na ang sipon sa luha nito.
"Tahimik!!" Sigaw naman ni Esto. Sa takot ni Lalay ay tinikom niya ang kanyang bibig. Lumapit naman si Buyo sa kinaroroonan nila."Sino yung babaeng nakita ng mga tauhan kong labas masok sa bahay na to?" Ulit ni Buyo sa tanong ni Esto.
"Si...si Ellay po..." sagot naman ni Lalay.
"Nasan sya?" Tanong muli ni Buyo.
"He-hende ko man bal.an kuya... kuya..di ako pag patya..maluoy ka...." umatungal nanaman si Lalay.
"Tumahimik ka nga! Wawasakin ko yang bunganga mo e!" Sigaw nito kay Lalay. Itinikop naman agad ni Lalay ang kanyang bibig.
"Nasan yung babae?" Tanong muli ni Buyo kay Lalay.
"Hende ko gane bal-an kuya.. ge hambal ko na" sagot naman ni Lalay na umiiyak.
"Anong salita pinag sasalita ng babaeng ito?!" Inis na tanong ni Buyo sa mga kasama.
"Boss sabi nya hindi raw po nya alam." Sagot naman ng isa sa mga tauhan nito.
"Ilonggo ka man kuya?" Tanong ni Lalay sa lalaki.
"Oo" sagot naman nito.
"Hambale si boss mo hende ko pa gusto mapatay" pagmamakaawa ni Lalay sa lalaki. Hindi naman ito sumagot.
"Kayo!!" Sigaw nito sa ibang mga tauhan.
"Bakit wala dito yung isang babae?" Tanong nito sa mga tauhan.
"E..boss sila lang yung nandito.. hinalughog na namin ang buong bahay. Baka naman day off nung babae." Sagot naman ng isa pang lalaki.
"Mga walang silbi! Busalan nyong muli yang babaeng yan at dalhin lahat sa kusina!" Sigaw nito sa mga tauhan.
"Hoy! Ikaw!" Turo nito sa isang lalaki" di ito sumagot pero tumingin ito sa deriksyon niya. Lahat sila naka bonet kaya di nakikita ni Buyo kung sino ito.
"Kunan mo ako ng juice sa kusina dali!" Sigaw nito sa kanya. Tumango lang ito saka iti umalis para tumungo sa kusina.
"Boss! Boss!!" Humahangos na sigaw ng dalawang lalaki.
"Anong sinisigaw sigaw nyo riyan!" Galit na sita ni Buyo sa dalawang lalaking kakarating.
"May nakita kaming labasan sa likod bahay" sabi ng mga ito. Napadiritso naman ng tingin si Buyo sa dalawang lalaki. Napa isip siya. Maya maya ay lumipat ang tingin niya kay Lukring. Naniningkit ang kanyang mga mata. Sininyasan niya ang lalaking nasa likuran nito na tanggalin ang busal ni lukring sa bibig nito.
"Saan ang magkapatid?" Tanong niya sa matanda ng tuluyang matanggal ang busal nito. Umiling si Lukring.
"Hi-hindi ko alam" natatakot na sagot niya.
"Masama ako magalit kaya kung ako sayo magsalita kana" sabi ni Buyo sabay hakbang palapit kay Lukring. Nilamon naman ng takot ang matandang babae.
"Hi-hind ko talaga a-alam." Sabi niya habang nangingig ang buong katawan. Marahas na tinayo ni Buyo si Lukring nang makalapit siya sa matanda.
"Sabing wag mo akong galitin e!" Sigaw nito sa kanya. Gustuhin man ni Lukring na kumoble ay wala naman siyang mapagkukublihan.
"Nagsasabi ako ng totoo..ang buong akala lang namin ay natutulog pa sila..huli na ng malaman naming wala palang tao sa kwarto nila..." paliwanag ni Lukring.
"Sinungaling!!" Sigaw ni Buyo sabay sampal ng malakas sa matanda. Napahiyaw ito sa sakit. Nagpupumiglas naman ang driver sa gustihin nitong tulungan si Lukring ngunit wala itong magawa. Kahit ang ibang katulong ay walang magawa, nakagapos ang mga ito at may busal ang mga bibig.
"Totoo ang mga sinabi ko...wala ni isa sa amin ang nakakaalam o nakakita sa pag alis nila." Umiiyak na sabi ni Lukring. Naiinis na ihinarap muli ni Buyo si lukring sa kanya.
"Yung matandang Vladimere asan?" Tanong niya rito.
"Hi-hindi ko rin alam..." sagot niya na totoo naman dahil nakita nya lang ito nung dumating ito. Ang buong akala nilang lahat ay nagmumukmuk ito sa kwarto pero nung tingnan nila iyon ay wala palang tao.
"Gusto mo bang makatikim muli!?" Sigaw ni Buyo ng di niya nagustuhan ang sagot ng matanda.
"Wag..wag..maawa ka..nag sasabi ako ng totoo.." pagmamakaawa ni Lukring kay Buyo. Sa inis ni Buyo ay itunulak niya ito dahilan para mabuwal ang matanda sa sahig.
"Takpan nyong muli ang bibig ng matandang yan. Walang silbi!" Galit na sigaw ni Buyo. Tumalima naman agad ang mga tauhan niya sa utos niya. Agad niyang dinukot ang kanyang cellphone at nag dial. Kaylangang malaman ito agad ng kanilang amo.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon