CHAPTER 20

296 3 1
                                    

Kabado man si Yazzi ay pinilit niyang kalmahin ang kanyang sarili. Hindi siya makatulog sa byahe, dahil sa sobrang kaba. Hindi niya alam kong ano ang kahihinatnan nitong kasalang ito.  Tiningnan niyang muli ang larawang ibinigay sa kanya ni Don Van. *hindi mo masasabing may tinatagong angking kasamaan ang lalaking ito. Sa ilalim ng gwapong maskara nito ay nagtatago ang isang dyablo. Dyos ko..ikaw na po ang bahala sakin*. Napabuntong hininga si Yazzi sa isiping yun saka niya itinagong muli ang larawan. Hindi naman nagtagal at umanunsyo ang piloto na lalapag na ang eroplanong sinasakyan nila. Mas lalo siyang nakadama ng kaba, parang maiiyak nanaman siya ngunit pinalakas niya ang kanyang loob. *kung may magagawa lang sana ako..* ang tanging naibulong niya saka siya napayakap sa sarili ng maramdaman ang paggulong ng gulong tanda na bakalapag na sila. Naghintay pa sila ng ilang sandali bago tuluyang tumigil ang eroplano. Muli ay humugot ng hininga si Yazzi at tumingin sa bintana ng eroplano. *gustohin ko mang sabihing welcome in korea Yazzi pero...iniisip ko palng kung anong dahilan kung bakit ako nandito parang gusto kong tumalon habang nasa ere pa lang ang eroplano..sana..sana matapos na itong masamang bangungut ng buhay ko* naiiyak na bulong ni Yazzi sa sarili. Napalingon na lamang siya nang may kumalabit sa kanya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay si Don Van lang pala.
"Ihja, lets go" sabi nito sa kanya. Marahan siyang tumayo saka sumabay sa matanda sa paglabas ng eroplano, nanginginig ang bawat hakbang niya. Tahimik lang siyang naka sunod sa matanda. Nakita niyang dinukot nito sa bulsa ang telepono nito may kung anong pinindot at maya maya ay inilapit nito sa tenga nito ang telepono.
"Hon, were here...yeah she's with me..yeah better do that hon..okay..see you..bye..". Yun lang at nakita niyang itinago nitong muli ang telepono nito.
"My wife is waiting for us.. welcome in korea Yazzi" nakangiting sabi ng matanda saka ng lingunin siya nito. Pagkasabi nun ay tumalikod na itong muli at naunang naglakad. Sumunod naman siya, kinuha nila ang kanilang mga bagahe saka lumabas ng airport. May lalaking naka uniform ang sumalubong sa kanila, kinuha nito ang mga gamit nila. Nakita niyang iniabot ni Don. Van ang bagahe nito sa lalaking naka uniform kaya naman iniabot na rin niya ang bagahe niya. Nang mailagay nito sa trunk ng sasakyan ang kanilang mga bagahe ay dali dali itong pumunta sa tabi ni Yazzi para pagbuksan siya ng pintu.an ng sasakyan. Pumasok naman siya agad, lumigid ito sa kabilang bahagi ng sasakyan saka pinagbuksan naman nito si Don Van, umupo ito sa tabi niya. Sumakay naman ang lalaki sa driver seat saka pinaandar nito ang makina ng sasakyan.
"Welcome back senior Van." Sabi ng driver.
"Gomabseubnida, Louie" sagot naman ni Van sa salitang korean na ang ibig sabihin ay salamat. Tumango naman ang driver saka nito pinatakbo ang sasakyan. *eto na Yazzi...mag uumpisa na ang malagim na bangungot sa buhay mo* bulong ni Yazzi sa sarili, tumulo ang kanyang luha sa isiping iyon agad naman niyang pinahid iyon saka niya ibinaling ang paningin sa labas ng bintana para hindi mapansin ng matanda ang pagluha niya.
" modeun geos-i gwaenchanh-eulgeoya Yazzi, ill make sure of that" sabi ni Van sabay hawak sa kamay ng dalaga at pinisil iyon. Kagat labing napatingin ang dalaga sa kamay niyang hawak ng matanda, pigil ang mga luhang napa tingin siya sa mga mata nito. Ngumiti naman si Van na para bang nagsasabing huwag siyang matakot dahil hindi siya nito pababayaan. Gustuhin man niyang gumanti ng ngiti pero naiiyak lamang siya sa isiping iyon. Kaya minabuti niyang bawiin ang kanyang kamay at tumingin muli sa labas ng bintana. Narinig niyang napabuntong hininga ang Don alam niyang gusto nitong ipanatag ang kanyang loob, pero paano mangyayari yun? gayung hindi lingid sa kanyang kaalaman ang impyernong kakaharapin niya sa pagpunta nila dito sa korea.
Hindi naman tumagal ang byahe nila para marating ang bahay ng Don, naka upo siya sa malambot na sofa sa malawak na living room ng mansyon,nasa harapan niya si Van at palakad lakad."Ohh Van!" Sabi ng mabining boses, parehong napalingon sina Yazzi at Van sa pinanggalingan ng boses. Nakita ni Yazzi ang isang babaeng may edad na, nabumababa sa hagdanan. Napaka elegante nitong tingnan sa suot nitong itim na blouse na pinarisan ng itim na slacks. Maliliit na perlas ang suot nitong chocker katerno ng hikaw nito. At tanging wedding ring lang ang suot nitong alahas sa kamay. Matangkad ito sa kanya kaya sa palagay niya ay nasa 5'6 ang taas nito. Napaka Simple lang ng ginang but Yazzi felt so intemidated.
"Elena!" Magiliw na sabi ni Van at Sinalubong niya ng yakap ang esposa ng makalapit ito sa kanya. They kiss each other so tender and so sweet na para bang ilang taong hindi nagkita. Matapos na magkayakap ang mag asawa ay sabay silang napatingin sa gawi niya, kaya napatayo ang dalaga. Hindi naman niya malaman ang gagawin, kung titingin rin ba siya sa mga ito o yuyuko. Sa huli ay pinili niya ang yumuko sabay hawak sa laylayan ng kanyang damit at nilaro laro iyon na parang bata.
"Yazzi" narinig niyang tawag ng ginang sa kanya. Dahilan para mapaangat siya ng tingin dito. Ayaw sana niyang tumingin kaso napakalambing sa tenga ang boses nito at napapalagay ang loob niya.
"I know how you feel ihja..." sabi pa nito sabay lapit sa kanya at niyakap siya.
"Everything will be alright...i promise you.." bulong nito sa kanya. Saka mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga. Sa pagkakayakap nito ay nakaramdam ng panatag si Yazzi, simula nung isama siya ni Don Van ay ngayon lang siya nakadama ng pagkapanatag. Kaya naman napayakap na rin siya sa mantandang babae saka nag uunahang umagos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
"Na-natatakot po ako..." pag aamin niya sa matandang babae. Hinagod naman ni Elena ang maalong buhok niya.
"Sshh... everything will be alright..." alo ni Elena sa dalaga. Mas lalo namang hinigpitan ni Yazzi ang pagkakayakap sa matanda.
"Huwag nyo pong hahayaang gawan nila ako ng karahasan...donya Elena..ipangako nyo po.." pagmamakaawa ni Yazzi habang hilam sa luhang sabi niya sa ginang. Gumanti naman ng mahigpit na yakap si Elena sa dalaga. Nahahabag siya sa dalaga.. kahit hindi niya ito kaano ano ay nadudurog ang puso niya. Napalingon siya sa kanyang esposo.
"Ta-talaga bang ito na lamang ang tanging paraan na naiisip mo Van? Wala na bang ibang paraan?" Nangingilid ang luhang tanong niya kay Van. Umiwas naman ng tingin ang matandang lalaki. Saka ito umiling na ikinadismaya ni Elena.
"Napag usapan na natin ito hindi ba..?" Tanong ni Van sa kanya. Marahang namang tumango ang ginang.
"Pangako ihja..hindi kita pababayaan...hinding hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama." Sagot ng ginang sa dalaga. Patuloy pa rin sa pag iyak si Yazzi inaalo naman siya ng matandang babae, hanggang sa siguro napagod ito sa kakaiyak kaya unti unti itong tumahan. Agad namang tinawag ni Elena ang katulong para masamahan si Yazzi sa silid nito at ng makapag pahinga ito. Inihatid na lamang ng tanaw ni Elena ang dalaga sa pag akyat nito patungo sa pansamantalang silid nito. Nilapitan naman ni Vana ang esposa at marahang hinagod hagod nito ang likuran ng asawa. Pinapanatag nito ang kalooban ni Elena na nagsimula na ring umiyak nang mawala na sa paningin nito ang dalaga. Kung may iba pa sanang paraan para malusutan ang gusot na iyon ng hindi dadanak ang dugo ay ginawa na niya, sa ngayon ay wala silang magawa kundi ang ipasa Dyos na lamang ang lahat lahat.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon