CHAPTER 12

428 5 1
                                    

Parang magnanakaw na marahang naglakad si Ace palapit kay Draco. Mag aalas kwatro na ng hapon at tulog pa rin ito. Wala namang problema dun kahit matulog ito ng buong magdamag dun. Kaso hindi nya to bahay, hindi rin ito bahay, nasa gym lang naman sila ng school nila at sa stairbench ito natutulog yun lang naman. Nagkalat ang mga bolang pinag babato nito kanina. Kala nya nung bumaba na ito ay kalmado na ito. Pero tae dude! Mas lumala pa pala. Ewan kong pagmemenupose pa ba ito. Namalatan na yata eh..kaya ito parang leon na nakawala sa hawla. *Gago naman kaseng Ennin na yun katalunin ba naman utol nitong kaibigan nya. Palibhasa di kase nila alam ang alam ko. Kaya talo talo na lang. Haaysss mga kabataan talaga ngayon.* naiiling na bulong ni Ennin sa sarili. Kong makapag salita kala mo kong sinong matanda. Pinindot pindot niya ang katawan ni Draco.
"Draco..buhay kapa ba?" Mahina ang boses na tanong niya rito sabay pindot pindot sa katawan nito pero naka distansya na handang tumakbo anumang oras na baka bigla siyang atakihin ng leon. Wala siyang sagot na narinig mula sa kaibigan kaya pinindot niyang muli ito sa may bahagi ng tyan.
"Hoy..hoy... gago patay kana ba? Ano maghuhukay na ba ako ng libingan mo? Anong sasabihin kong dahilan ng pagkamatay mo? Uminom ng alak nag laro ng basketball namatay??" Kausap ni Ace kay Draco nagbabakasaling sagutin siya nito para malaman niyang gising na nga ito. Pero wala pa rin siyang narinig ni ungol mula sa binata.
"Iinom inom tapos matutulog dito. Hoy dracula!! Ang tunay na lalaki pag umiinom nakakauwi ng bahay kahit lasing na lasing at paekis ekis ng lakad! Kahit saang bahay pa nga nakakauwi basta bahay!!" Napalakas na ang boses ni Ace ng sabihin yun. Napapalakad lakad pa ito sa harap ni Draco habang nag lilitantiya at pakumpas kumpas ng kamay.
"Abah!! Nung akoy nalasing pagapang kong inuwi ang bahay! Kahit nanlalabo na paningin ko, kahit naduduling na mata ko, kahit natatae na ako at naiihi pinilit kong makauwi..teka baka umihi ka na dyan ha!! Taena mo ka tatadyakan kita!!" Kunyari ay galit na sigaw ni Ace sa kaibigan.
"Gago!! Subukan mo at ng magkalat yang ngipin mo sa sahig" sagot naman ni Draco habang umiinot inot ng katawan at umupo ng marahan. Sapo sapo nito ang ulo at ipinilig iyon. Baka sakaling mawala ang kahilo nararamdaman.
"Hehe joke lang naman. Alam mo namang labs na labs kita ehh.. pakiss nga!!" Bawi agad ni Ace sa mga sinasabi habang tumatamabi kay draco sa pagkakaupo at niyakap ito. Iniwaksi naman siya ng binata.
"Tantanan mo nga ako ng kababuyan mo Ace" sabi niya rito.
"Ay grabe sya oh!" Sabi ni Ace na nausog palayo kay Draco.
"Kababuyan talaga?!" Tanong niya rito.
"Nasan si Cloud?" Di pinansin ni Draco ang kanyang sinabi sa halip nagtanong ito ng mapansing wala si Cloud duon samantalang magkasama naman silang tatlo kanina.
"Umuwi na siguro yun.. ikaw ba naman tamaan ng mga naliliparang bola nanaisin mo bang manatili pa?" Sagot tanong ni Ace.
"O bat nandito ka? Di kaba tinamaan?" Sarkastikong tanong ni Draco.
"Tinamaan syempre... masakit pa nga katawan ko ehh!! Pasalamat ka kaibigan kita kung hindi! Habang natutulog ka binuhusan ma kita ng kumukulong tubig!" May inis sa boses na sabi ni Ace.
"Bat di mo ginawa?" Parang di nabahalang tanong ni Draco.
"Kaibigan nga kita diba..diba..syempre.. di ko gagawin yun!" Pagmamayabang nito sa kong gaano niya pinahahalagahan ang friendship nila.
"Yung totoo!!" Sigaw ni Draco. Napakubli naman si Ace sa bag nito sabay peace sign.
"Gago! kahit tulog ka at binuhusan kita ng mainit na tubig alam kong di ako makakalabas ng buhay dito no!!" Sabi nito habang pinananggalang ang bag kay Draco.
"Tssh!!" Ismid ni Draco sa kanya. Napakuyo siya sabay himas sa kayang ulo pasabunot sa kanyang buhok.
" Si Ennin?" naalala niyang itanong.
"Pauwi na..ihahatid pa nga si Yumi sabi ko ako na maghahatid kaso di pumayag eh..may dadaanan pa raw sila ni Yumi." Pagbibigay impormasyon naman ni Ace.
"Kanina pa?" Napatingin siya sa gawi ni Ace nang tanungin ito.
"Bago lang..nakasalubong ko sila sa hallway papunta dito" sagot naman nito na umayos na ng upo. Napabuntong hininga si Draco.
"O... easy lang ha.. baka magwala ka nanaman iiwan na talaga kita" paalala ni Ace sa kanya.
"Bakit ganito,Ace?" Naguguluhang tanong ni Draco. Nagtaka naman si Ace sa klase ng tanong niya.
"Bakit ganito ang nararamdaman ko?" Tanong muli niya sa kaibigan. Di naman nakasagot si Ace hindi rin naman kase nito alam ang sasabihin baka pag may masabi siyang di maganda sa pandinig nito ay masasabon pa siya.
"Nung una.. umiinit ang pakiramdam ko pag nakikita sya.. tumitigas ang pagkalalaki pag nadidikit katawan ko sa katawan nya. Naaakit sa amoy nya.. bakit...bakit ngayon iba na...?" Gulong gulong kompisal niya kay Ace. Nakinig naman ang binata at piniling manahimik na muna.
"Kumukulo dugo ko pag nakikita syang masaya kasama ng iba. Umiinit ang ulo ko pag nalalaman kong namamasyal sya kasama ang iba at hinahatid pa! Nakakagago! Yung usiping namamasyal sya kasama ng iba at may posibling hawak kamay o kaya ay halikang magaganap! Oo hindi sya ganung klaseng babae.. pero di ko maiwasang isipin yun!! Aarggghhh!!" Galit na sigaw ni Draco na napatayo pa.
"Lalo na yung gagong Ennin na yun! Naharap harapan niyang sinabing may gusto sya kay Yumi!! Tapos!! Tapos may pa stufftoy stufftoy pang nalalaman!! Gago bakla talaga!! Pangit naman yung panda na yun may black eye bagay ilipat kay Ennin!" Napupuyos sa galit na himutok ni Draco. Paduro duro pa ito at pakumpas kumpas ng kamay.
"At yung bulaklak! Ano yun kaartihan? Sunflower sunflower!! ihampas ko ang sun sa mukha ng gagong yun e!" Dagdag pa nito.
"Are you okay Yumi?" Panggagaya ni Draco kay Ennin na dinagdagan kabaklaan. Kuminding kinding pa siya at nag paboses babae.
"Ohhh!! Pa are you okay,are you okay pa ang gago!! Papel kamo!!" Sigaw nito.
"Bwi-" -Draco.
"You love her" putol ni Ace sa sasabihin pa sana ni Draco. Napatigil naman ang binata na may sasabihin pa sana. Parang statwang napako ito sa kinatatayuan at di makagalaw.
"Its a sign of love dude." Dugtong pa ni Ace.
"I dont know much about it coz you know me. I dont wanna involve to that creepy situatuon. Ayaw kong umasta ng mga bagay bagay na nakakatawa gaya ng ginawa mo ngayon. Its just made me look funny." Paliwanag nito kay Draco. Nanghihinang napaupo namang muli si Draco.
"Hindi na yan basta bastang libog lang dude! Its love.. kala mo nung una libog lang yan kaya panay iwas mo.. but then you didnt know na sa pag iwas mo mas lalo mo lang syang minahal. Mahal hindi bilang magkapatid kundi yung mahal na bilang kapartner mo..pang habang buhay." Tinapik tapik pa ni Ace ang balikat ni Draco habang sinasabi yun.
"Muntik ng may mangyari samin" mahinahong kumpisal ni Draco. Napakunot naman ang noo ni Ace.
"What do you mean?" Takang tanong nito.
"Remenber the day i called you?" Balik tanong niya rito.
"Yeah" maikling sagot naman nito.
"It was night of that day when it happened" patuloy ni Draco. Napatuwid naman ang likod ni Ace sa narinig.
"I cant resist when she moved to kiss me goodnight.. i smelled her scent and boom! I was drowned.." pag aamin nito.
"Nung matauhan ako..hiyang hiyang hiya ako sa nangyari. Wala akong mukhang maipapakita. Shes my sister but why did i do that? Ano na lang ang sasabihin nya sakin? Na kapatid nya manyak? At pati sya kinakatalo?" Diri diritsong sabi ni Draco.
"Im not like that.." naiiling na sabi nito.
"Kaya i left home without saying any words to her.. kaya heto nasa rest house ako ni daddy. At di makatulog sa kakaisip sa kanya." Pag aaminin nito.
"Kaylangan ko rin naman kaseng gawin yun.." -Draco
"Alin? yung halikan sya at muntik ng may mangyari sa inyo?" Seryusong tanong ni Ace.
"Hindi gago! Yung pag alis ko ng bahay." Sagot naman ni Draco.
"Ahhh okay.." tumatangong sabi ni Ace.
"Pag di ako umalis dun..baka matuloy lang yung di dapat mangyari" -Draco
"Well..thats great thing to do. Umiwas ka hanggat maarin. Kase dude.. kahit ano pa man ang sasabihin mo.. kapatid mo na sya.. kahit anong gawin mo shes one of your family now.. kaya hanggang maaga pa..hanggat wala pang nangyayari. Putulin mo na." Payo naman ni Ace.
"So hahayaan ko na lang syang sa gagong Ennin na yun mapupunta?""Bakit hindi, kaibigan mo si Ennin.. kaibigan natin sya. Alam na natin ang karakas nya. Mabuting syang tao. At oo tama si Cloud yung gagong yun kahit papaano tama rin naman sya. Hindi si Ennin kagaya ko.. na maraming babae at walang seryusong relasyon. Kesa sa mapunta sa kong sinong talipandas dyan sa tabi tabi mas nanaisin kong kay Ennin na lamang syang mapunta. Looks like Ennin took good care of her. As a matter of fact lagi silang magkasama ayun sa chismis." Mahabang sabi ni Ace. Nalungkot naman si Draco sa mga narinig niya. Ewan pero parang may tumarak na kong ano mang bagay sa dibdib niya na di siya makahinga sa isiping mapupunta sa iba si Yumi. Siguro nga Oo, tama si Ace.. mahal na nga siguro niya si Yumi..
"Mali bang hilingin ko na.... sana.. sana akin na lang sya?" Nadudurog ang pusong tanong ni Draco kay Ace. Naiiling naman si Ace sa sanabi ng kaibigan.
"Hindi ko alam dude..hindi ko alam.." tanging nasabi na lamang niya. Naawa siya sa kaibigan. Dahil bakas sa mukha nito ang sakit ng katutuhanan. Si Draco yung klase ng taong di mo kakakitaan ng kahinaan. Lagi itong matigas at di matinag tinag. Pero sa bagay na yun.. biglang nagbago ang paningin niya rito. Parang bata itong inagawan ng candy na pilit na binabawi yun sa taong kumuha. Kong may maitutulong lang sana siya.. kaso..ibang klaseng love affair naman kase to.. di pweding konsintihin.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon