CHAPTER 29 (THE FINAL)

203 5 1
                                    

Kasabay ng pag putok ng baril na umalingawngaw sa paligid ay napatilapon ang hawak hawak na baril ni Argus, sya ring pagkadapa ni Yummi. Agad na dinalohan ni Ace si Yummi.
"Yum? Okay ka lang?"  Tanong niya sa dalaga ng lingunin siya nito.
"Ako ang dapat mag tanong nyan sayo Ace, may tama ka!"  Nag aalalang sabi ni Yummi.
"Wag mo akong alalahanin, tayo ka dali!"  Sabi ni Ace sa dalaga at hinila ito palayo. Ngunit biglang napaupo ang dalaga.
"Masakit ang paa ko Ace, sa pagkakatisod ko."  Daing ni Yummi.
"Kahit kaylan talaga ang lampa mo!"  Naiinis na sabi ni Ace sa dalaga. Kung kelan nagmamadali sila para maitakas niya ito saka naman umatake ang pagkalampa nito. Di nya ito kayang buhatin sa lagay nyang iyon. Pareho lang silang mamamatay.
"Shit!"  Biglang bulong ni Ace ng makitang nakabawi na agad si Argus at patakbo itong lumapit sa baril nitong napatilapon kanina. Nung nakita niyang babarilin nito si Yummi kanina,agad niyang inasinta ang kamay nitong may hawak ng baril at inuhan ito sa pag papaputok. Kaya tumilapon ang baril nito bago pa man nito iyon naipaputok. Ito namang si Yummi sumabay pa ang pagkalampa. Dali daling iniumang ni Ace ang kanyang baril para barilin si Argus ngunit naka ilang pitik na ang gatilyo niyon ay walang nangyayari. Sa inis ay agad niya iyong tinapon at tinakbo si Argus.
"Yummi, takbo!!" Sigaw niya habang pilit inaabutan si Argus. Saktong tumayo ito sa pagkakapulot ng baril ng maabutan niya. Kaya agad na tinalunan niya ito,natumba silang dalawa at nagpagulong gulong. Hintatakutang pinilit ni Yummi na makatayo. At nag hanap ng bagay na maaaring ipanglaban. Agad naman niyang nakita ang basag na hallowblock. Dali dali niyang binuhat ang kalahati niyon at tinakbo agad ang dalawang lalaking nag aagawan ng baril. Nahihirapan si Ace dahil sugatan ito at mahina na. Kaya naman nakahanap ng paraan si Argus para mabitawan nito ang baril. Sinuntok niya ang sikmura ng binata at nilakumos ang balikat nitong may tama ng baril. Napahiyaw naman sa sakit si Ace at bumitiw sa baril kaya nakuha iyon ni Argus at agad na pumaibabaw kay Ace. Pinag susuntok nito ang binata,babarilin na sana niya ito ng bigla siyang hinampas ng hallowblocks ni Yummi sa batok. Napasubsub sa impak si Argus ngunit di ito masyadong nasaktan. *oh shit!!*  Bulong ni Yummi sa sarili ng makitang binalingan siya ng matalim na titig ni Argus. Taranta at paika ikang napatakbo siya. Galit na galit namang tumayo at hinabol ni Argus si Yummi. Hindi naman malaman ni Yummi kung saang direksyon siya tatakbo. Hanggang sa napunta siya sa dulong bahagi.
"Shit! Patay na!!"   Naiiyak na sabi ni Yummi ng muntik na siyang mahulog. Buti na lang at na ka atras siya kaagad.
"Game is over ihja"  natatawang sabi ni Argus sabay hila kay Yummi. Yummi fight back and struggle. But her strenght is not enough. Biglang hinila ni Argus ang kayang buhok kaya napahiyaw siya sa sakit.
"Aray!! Puta ang buhok ko nanaman!! Magpapakalbo na ako promise!!"  Naiiyak na sabi niya. Hindi naman iyon pinansin ni Argus. Hihilain na sana ni Argus si Yummi pasakay sa helicopter ngunit nagulat siya ng biglang nasa tabi na niya si Ace at sinikmuraan siya nito. Yummi still struggleling kaya nabitawan siya ni Argus dahil na rin sa suntok na tinamo nito. Yummi lose her balance and fell off the edge. Buti na lamang agad siyang naabot ni Ace. Napapasigaw si Yummi sa takot.
"Ace!! Ace wag mo akong bitawan!"  Pagmamakaawa niya sa binata.
"Shut the fuck up at kumapit ka ng mahigpit!"  Galit namang sigaw ni Ace sa dalaga. But Yummi cant handle it. Iyak siya ng iyak.
"Yum kapit!!"  Nahihirapan nang sigaw ni Ace sa dalaga. Ngunit ganon na lang ang takot ni Ace ng makita niyang naka tutok na ang baril ni Argus sa kanya. *shit! This is it... dito na yata ako matatapos... sorry ma... sorry kung di kita nabigyan ng hustisya..*  malungkot na bulong ni Ace sa sarili. Napalingon siya kay Yummi at tela ba parang nag slow motion ang lahat. Iyak ng iyak si Yummi,nag mamakaawa na huwag siyang bitawan nito. Napalingon siya sa kanyang ama at nakita niya ang galit sa mukha nito.Tiningnan niyang muli si Yummi. Ang kanyang mga mata ay humihingi ng tawad sa dalaga. Gustuhin man niyang iligtas ito ay paano? Pag nabaril na siya ni Argus siguradong tipok siya at siguradong mabibitawan niya ang kamay ni Yummi. Pareho silang mamatay. Walang tsansang mabuhay. At ang hustisyang kanyang pinapangarap ay hanggang pangarap na lamang na babaunin niya sa kabilang buhay. Sa impyerno malamang. Napahigpit ang kapit niya sa dalaga. Sinubukan niyang iangat ito ngunit di niya kaya. Masyadong mahina na ang kanyang katawan. Binubuhos na lamang niya ang lahat ng lakas niya para hawakan ng mahigpit ang kamay ng dalaga.
"Arrrguuuussss!!!"  Sigaw ni Draco pagkabalya niya ng pintuan at nakita niyang nakatutok kay Ace ang baril nito. Duguan ang kanyang kaibigan at hinang hina. Napalingon naman si Ace at Argus kay Draco. Pinihit naman agad ni Argus ang kanyang baril kay Draco. Ngunit huli na ang lahat. Niratrat agad siya ng baril ni Draco at ng mga kasama nito. Bumulagta ang duguang katawan ni Argus sa sahig. Agad namang tinakbo ni Draco si Ace. Sumunod naman agad si Ennin na paika ikang lumapit sa kaibigan. Si kat naman ay sininyesan ni Cloud na lapitan ang chopper at hulihin ang dalawang piloto nito. Nakita naman nila ang dalawang piloto na takot na takot na nakakubli sa loob ng chopper. Nakataas ang mga kamay ng mga ito ng humaba. Agad naman iyong pinusasan ni Kat.
"Ace!"  Tawag ni Draco sa kaibigan ng malapitan ito.
"Si Yummi...."  nanghihinang sagot ni Ace. Agad namang nakita ni Draco si Yummi na iyak ng iyak at nakakapit ng mahigpit sa kamay ni Ace. Kaya naman agad itong inabot ng binata at hinila pataas sabay yakap ng mahipit sa dalaga. Nanginginig pa rin ang katawan ni Yummi sa takot.
"Ssshhhh hashhh love...im here...its over...were going home.."  bulong ni Draco sa dalaga. Mahigpit na yakap lamang ang tanging naisagot ni Yummi sa binata. Sakto namang nakalapit si Ennin sa kanila at tinitigan ng matalim si Ace.
"You will rot in jail Ace! Ill make sure of that!" Galit na sabi ni Ennin sa binata.
Hindi naman sumagot si Ace, sa halip tahimik lang itong napahiga sa sahig na animoy pagod na pagod. Nakadipa ang kamay at nakatingin lang sa langit, sabay agos ng mga luha nito.
"Ace..."  mahinang tawag ni Yummi sa pangalan ng binata ng sa pagtingin niya dito ay nakita niyang umiiyak ito ng tahimik. Ngunit hindi ito sumagot. Kaya naman kumalas si Yummi sa pagkakayakap kay Draco at nilapitan ang binata. Umupo siya sa tabi nito.
"Wag kang maawa sa taong halang ang kaluluwa Yum. Hindi sya karapatdapat sa awang binibigay mo sa kanya!"  Galit na sabi ni Ennin. Hinawakan naman agad sa balikat ni Draco ang kaibigang nagpupuyos sa galit.
"Dude, kahit pa anong nangyari kaibigan pa rin natin sya. May dahilan ang lahat. Lets hear his side first. I know he made big mistakes but he still deserve a chance and forgiveness. Lahat tayo may kanya kanyang pagkakamali but were not God to nail the final judgement. Give it a little space in your heart. Its more easy to breath without hate"  Sabi ni Draco kay Ennin. Nginitian pa nito ang kaibigan. Naiiling na lamang si Ennin sa mga sinabi ni Draco. Naiintindihan nya naman yun. At tinuturing nya pa ring kaibigan si Ace, ang di nya lang matanggap ay binaril sya nito! Putcha! Kaibigan nya ito pero binaril sya nito! Nakakagago diba? Pero sige, pipilitin niyang kalimutan ang pangyayaring iyon.
"Ace...its over... nabigyan mo na ng hustisya ang nanay mo.. and i know shes happy and so proud of you. Hindi kaylangan ilagay mo ang hustisya sa mga kamay mo. Wag mong sayangin ang buhay na ipinagkaloob ng Dyos sa iyo, wag mong sayangin ang syam na buwang tiniis ng nanay mo para lang mailuwal ka ng maayos. Ace, nandito kami..kaming mga kaibigan mo. Nagawa mong ilaan ang buhay mo para kay Draco nuon, at alam mong kaya nya ring ibuwis ang buhay nya para sayo. Wag na wag mong iisiping nag iisa ka. Ang salitang kaibigan ay binuo hindi para lang may matawag kang kaibigan. Tandaan mo yan" Napalingon si Ace kay Yummi.
"Ang haba haba ng sinabi mo.."  maktol nito.Natawa naman si Yummi sa sinabi ng binata.
"Gago ka kase e!"  Sabi pa ng dalaga.
"Pero kahit gago ka, salamat..salamat at kahit alam mong mamatay tayong pareho ay hindi mo binitawan ang kamay ko."  Seryusong sabi ni Yummi sa dalaga. Kahit namimilipit sa sakit ay pinilit ni Ace na maka upo. Agad namang umalalay si Draco sa kanya.
"Salamat pare...at patawad..."  sabi ni Ace sa kabigan. Nakatitig naman ng mariin si Draco sa binata.
"Gago! Ang lampa mo pala e!"  Natatawang sabi ni Draco kay Ace.
"Sira! Nagulat lang ako nung binalya mo ako, pero sa susunod sisiguraduhin kong ikaw ang iiyak sa sakit ng katawan satin"  balik biro ni Ace kay Draco. Saka siya bumaling ng tingin kay Ennin. Nakatayo ito sa tabi niya kaya pinilit rin niyang makatayo. Matutumba na sana siya ngunit maagap na nasalo siya ni Ennin at tinulungang makatayo ng maayos.
"patawad pare..."  ang tanging nasabi ni Ace sa kaibigan.
"Ang sakit ah!  Kahit daplis lang to! Ang sakit pa rin!"  Reklamo naman ni Ennin. Napangiti lang naman si Ace sa sinabi ng kaibigan.
"Kaya nga dinaplisan ka lang ni Ace eh.. kase malamang di kana makakabagon pag sinapol ka nyang talaga."  Biglang singit naman ni Cloud na nakalapit na pala sa kanila.
"Gago! Bakit nandito ka?" Tanong ni Ace sa binata.
"Abay malay ko bang gyera pala to! Ito kasing baklang to! Kala ko bakasyon engrande! Di pa naman ako nakapag ready!"    Tinuro pa nito si Ennin.
"But anyway highway faraway! Seriously, kung sinapol kang talaga ni Ace, malamang isa ka nang malamig na bangkay. Ito kayang damuhong to ang nagturo sakin! Kaya alam kung asintado to!"  pagmamayabang pa ni Cloud. Napa ismid naman si Ennin sa sinabi ng kaibigan.
"Kaya pala puro headshot ang kalaban."  Sabi na lamang ng binata ng malalang parehong pareho kay Ace ang pag hawak ng baril ni Cloud.
"Hey guys! Are we going to chit chat here the whole day or are we going to bring Ace to the hospital?" Singit naman ni Kat. Sakto namang nagdatingan ang iba pang pulis kaya naman ibinigay na ni Kat ang dalawang lalaking nahuli niya sabay lakad palapit sa magkakaibigan. Imbis na sumagot ay nagtawanan ang mga kalalakihan. Oo nga naman inuna pa nila ang kwentuhan kesa ang madala si Ace sa hospital. Maya maya pay nagyakapan ang magkakaibigan.
"Next time dont punch me on my billy.. my abs cant take it.."  banat pang muli ni Ennin ng maalalang sinuntok pa pala siya nito sa sikmura. Natawa naman si Ace sa sinabi nito ngunit agad ring napadaing sa sakit dahil kumirot ang balikat nitong may tama ng baril. Umagapay naman agad si Cloud at Ennin sa kaibigan. Abala ang dalawa sa pagtakip sa balikat ni Ace ng mapansin ni Ace na marahang bumangon ni Argus. Hahawak hawak nito ang baril saka iniangat iyon sabay itinutok sa kanila at pinaputok. Pakiramdam naman ni Ace ay nag Slowmotion ang lahat sa kanyang paningin. Itinulak niya ang dalawang kaibigan para harangan ang balang pinakawalan ni Argus. Saktong pagkalapat ng katawan nina Ennin at Cloud sa sahig ay bumulusok ang mga bala sa katawan ni Ace.
"Noooooo!!!!!"   Sigaw ni Ennin at Cloud ng makita nilang bumagsak ang katawan ni Ace sa sahig. Agad namang umaksyon ang mga pulis at pinaulanan ng bala si Argus hindi sila tumigil hanggat hindi nauubos ang bala ng baril nila. Walang ng buhay at naliligo sa sariling dugo si Argus ng bumulagta ito sa sahig. Agad namang dinalo nina Draco, Ennin at Cloud si Ace.
"Ace...pare....gumising ka..."  umiiyak na sabi ni Cloud.
"Pare...wag kang bumitaw... labanan mo pre... lumaban ka..."  umiiyak ring sabi ni Ennin. Umiiyak at napahawak na lamang sa kwelyo ng damit ni Ace si Draco at paluhod na niyakap ang kaibigan. Saka ito nagsisigaw. Si Kat naman ay napapaiyak na rin. Napayakap naman si Yummi kay Kat habang umiiyak. Halos walang gustong magsalita sa kanila sa mga oras na iyon. Ang tanging maririnig lamang ay iyak at galit na hiyaw ni Draco. Yakap yakap nito ang katawan ni Ace. Si Ennin naman umiiyak na nakayuko. Naisaklop naman ni Cloud ang braso sa mga mata nito at iyak ng iyak. Parang tumigil ang kanilang mundo at di malaman ang gagawin kundi ang umiyak.After 2yrs
"So ito na bang talaga pare?"  Excited na tanong ni Cloud kay Draco.
"Kumalma ka nga, parang ikaw tong natetense kesa sakin eh!"  Sita ni Draco sa kaibigan.
"Oh, anong pang pinagchichismisan nyo dyan? Tayo na at baka malate tayo nakakahiya kung mauuna pa ang bride sa atin"  sabi ni Ennin sa dalawang kaibigan.
"I think im gonna vomit"  biglang sabi naman ni Draco.
"Hoy! Anong vomit vomit ka dyan! Lunukin mo na lang! Arte arte nito! Tara na nga"  sabi naman ni Cloud na hinila pa si Draco. Wala namang nagawa pa si Draco kundi ang magpatangay na lamang sa kaibigan. Nagsisakayan silang tatlo sa kani kanilang sasakyan. Naunang humarurot ang sasakyan ni Cloud,syempre regalo ni Ennin yun. Kase according to Cloud eh may lihim raw na pagtingin si Ennin sa kanya. Ewan ko kay Cloud bat nya ba talaga iniisip yun. Sumunod naman agad ang sasakyan ni Ennin. At syempre panghuli pero gwapong gwapo sa suot na black suit niya ay walang iba kundi si Draco.
Halos magkasabay na pumarada ang kanilang mga sasakyan at halos magkasabay rin silang nagsibabaan. Tilian naman ang mga kababaihan ng makita silang tatlo.
"Ennin ang gwapo mo talaga!!"  Tili ng ibang kababaihan.
"Cloud mas gwapo ka!! Akin ka na lang baby!!"  Tili naman ng isang babae. Iniumang pa nito ang kamay na gustong abutin si Cloud. Naisuklay naman ni Cloud ang mga daliri sa buhok at mas lalong nagpacute sa mga babae. Kaya naman mas lalong lumakas ang tilian ng mga ito.
"Draco!!! Akin ka na lang!!'"  Sigaw naman ng ibang babae na nagtutulakan na makatayo sa harapan para mapansin ni Draco. Napaismid naman ang binata sa inasal ng mga babae at parang walang narinig na lumakad siya papasok sa loob ng simbahan, sumabay na rin naman si Ennin. Si Cloud naman ay napahinto sa pagpapacute ng makitang nauna na pala ang dalawang kaibigan. kaya hinabol niya ang mga ito at sumabay na rin.
"Who invited them?"  Masungit na tanong ni Draco kay Cloud ng makapasok sila ng simbahan.
"O,bakit ako?"  Maang na tanong rin ni Cloud sabay turo sa sarili.
"For all we know,among us ikaw tong pinaka pilyo"  singit naman ni Ennin.
"Grabe ha! Maka bintang! Porke ba sinabi ko lang na aatend ako ng kasal ng best friend ko ako na agad?"  Depensa naman ni Cloud sa sarili.
"Eh,di inamin mo rin..."  komento naman ni Ennin.
"Iba yung sinabi sa nang invite! Magka iba yun bakla, magka iba yun ha!"  Depensa pa rin ni Cloud.
"Guys! Guys! Ano ba yan? Kakapasok nyo pa lang sa simbahan bangayan na agad ang naririnig ko"  napatingin silang tatlo sa babaeng sumalubong sa kanila.
"Hi tita!"  Bati naman agad ni Cloud sa babae at nakipag beso beso ito.
"Hello po tita!" Bati rin ni Ennin sa Ginang.
"Ma.."  sabi naman ni Draco ng sa kanya na nakatuon ang tingin ng ina.
"You look handsome ihjo. Tara na sa pwesto natin at ng maupisahan na ang seremonya."  Sabi naman ni Elena sa anak. Nagkanya kanya ng lakad sila patungo sa kani kanilang pwesto.
"How do you feel?"  Nagulat na lamang si Draco ng bigla siyang tanungin ng kanyang ama.
"Nervous"  maikling sagot ng binata. Nakangiting tinapik tapik ni Van ang balikat ng anak.
"It means you're excited. Ganyan rin ako nung ikakakasal kami ng mom mo.. and i feel it again right now."  Napalingon si Draco sa kanyang ama.
"You know son. After all the consequences we been through. Itong isang to ang sa palagay ko ay hindi ako handa. I never imagined naikakasal ka. You are my only son, my only child. Your too young to get married-"
"Van we talked about it already..can we just be happy for our children?"  Singit naman ni Elena.
"Ofcourse im happy, im happy for my children. Especially for my son. What i was trying to say is.. i hope things will never change. That you will always be there for me and for your mom"  Tukoy nito kay Draco.
"Dad, kahit naman kasal na ako im always be your son. And i cant promise that things will never change. Specially now that i have a wife and soon you gonna be a grandfather. Things will change dad, not because of any unreasonable reasons but because im like you. Mom comes first before anything else, and that will gonna happen in my marriage life."  Nakangiting sabi ni Draco sa ama.
"Thats my son! Im so proud of you anak!"  Sabay yakap ni Van kay Draco. Natutuwang pinagmamasdan naman ni Elena ang kanyang mag ama. Then the music start a hint para sa pag uumpisa ng seremonya. Draco and his family start to walk slow papunta sa kalagitnaang bahagi ng hallway. Dinaanan nila sina Ennin at Cloud. Ennin is the singer para sa kasalang iyon, and Cloud is the second voice. Bago pa man makalampas sina Draco sa dalawa ay kumindat pa si Cloud sa kanya na ikinangiti niya. *gago talaga kahit kelan*  bulong na lamang ni Draco sa sarili. Huminto silang magpamilya sa kanilang pwesto at duon ay matyagang hinintay ni Draco ang taong kanina pa niya inaasam na makita. Nagsimula namang magmartsa ang best man, kasunod ang mga abay isa na duon ay si Yazzi. Ngumiti pa ang dalaga ng mapadaan ito sa kanila, ginantihan rin ng ngiti ni Draco ang dalaga. Habang umaawit naman at nagmartsa rin sina Ennin at Cloud. Ang nakakatuwa lang ay feel na feel ni Cloud ang pag awit na para bang hinaharana nito ang kapareha. Natatawa na lamang si Draco sa kanyang nakikita. Maya maya pay natapos ang awitin nila Ennin at Cloud. Nasa kanya kanyang pwesto na ang mga ito. Lumapit ang isang babae kay Draco at inabot ang micropono sa kanya. Bago kinuha iyon ni Draco ay humugot muna siya ng malalim na hininga. At nang mahawakan na niya ang micropono ay pumailanlang ang isang malamyos na musika.
" Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak
In that very moment I found the one and
My life had found its missing piece"
Draco started singing. Saka bumukas ang pintuan sa entrance ng simbahan at iniluwa nun si Yummi. Her face covered by vail and she looks so perfect bride sa suot nitong balloon wedding gown. Its not a typical wedding gown dahil may mga paro paro iyong desenyo. Not a real one but looks so real na sa tuwing paghakbang niya ay umaalog ang mga pakpak nun na tila ba lumilipad. And all their eyes are on her. Yummi saw her parents waiting for her not so far from Draco. Para syang nililipad sa boses ni Draco. Pakiramdam niya pumasok yung mga paroparo sa sikmura niya and she love the feeling.
"So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight"  pagpapatuloy ni Draco sa pag awit habang ang kanyang mga mata ay tutok na tutok kay Yummi. Ewan ba niya pero naiiyak siya. God knows kung gaano niya nilabanan ang nararamdaman para sa dalaga. But look at them now, they're getting married!
" What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I say to the world
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word
So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight"  Draco continue's singing. Palapit naman ng palapit si Yummi sa kanyang mga magulang. Hanggang sa mapatapat siya sa mga ito.
"Ohh darling you look so gorgeuos! Ngayon ka lamang namin ulit makakasama pero mapapalayo ka nanaman."  Naiiyak na sabi ni Kokeyo sa anak.
"Mom... hindi ako mawawala porke't may asawa na ako. Yun lang we cant live in one roof together but i can sleep over anytime right?"  Nakangiting sabi ni Yummi sa ina. Natawa naman si Khung sa sinabi ng anak.
"Ofcourse ihja! But our bed is good enough for the three of us no space for your husband."  Sa sinabing iyon ni Khung ay napatawa silang tatlo, saka niyakap ni Yummi ang mga ito.
"I love you mom, dad "  bulong ni Yummi sa mga magulang.
"Ohh we love you more darling"  sagot naman ng mga ito. After that tight hug ay nag umpisa na silang mag martsa palapit sa kinaroroonan nila Draco at ng mga magulang nito. Nagtama naman ang paningin nila Draco at Yummi. "And if our daughter's what our future holds
I hope she has your eyes
Finds love like you and I did, yeah.
When she falls in love we let her go
I'll walk her down the aisle
She'll look so beautiful in white...
You look so beautiful in white
So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
You look so beautiful in white tonight."  Saktong natapos ang awitin ni Draco ng mapatapat si Yummi sa kinatatayuan niya. Inabot niya ang kamay nito saka ito tinitigan ng mabuti. Parang nasa alapaap naman ang pakiramdam ni Yummi na para bang nililipad sila sa ibang mundo na tanging silang dalawa lamang ni Draco ang naroroon.
"You look so beautiful in white....tonight.."  sabi ni Draco sa kanya sabay halik sa likod ng palad ni Yummi.
"Were so happy for both of you"  naiiyak na sabi ni Elena at niyakap si Draco at Yummi.
"My children... Draco and Yummi... im so surprised but its better be you ihja atleast im releaf that my son will be in good hands."  Nakangiting sabi ni Van.
"I know you will take good care of Yummi, Draco. And im thankful thats it you coz in you i know she's safe"  sabi naman ni Kokeyo kay Draco. Tinapiktapik naman ni Khung ang balikat ni Draco saka mahigpit itong niyakap. Ng makakalas ito sa pagkakayakap ay tiningnan nito si Yummi.
"If both of you got problems, running away is not a solution. But if that happen our door is open anytime"  biro nito sa dalaga. Nagkatawanan naman sila sa sinabing iyon ni Khung. Then Draco held Yummi's hand saka sila naglakad ng marahan papunta sa harapan ng altar. Everything is perfect. Wala nang mahihiling pang iba si Yummi. Nakasama niyang muli ang kanyang mga magulang, natapos ang problemang akala nila ay di na matatapos at ikakasal siya sa lalaking pinakamamahal niya. What more can she wish? Wala na, dahil lahat ay nakamit na niya.
"Before we continue this ceremony, i would like to ask if there is anyone or someone who's against to this two people infront of all of us to be bind in the presence of God? you may raise your hand and let us hear your voice of objection."  Sabi ng paring magkakasal kina Yummi at Draco. Kampanti naman ang dalawa na walang sasagabal sa kanila. Bakit hindi? Wala naman silang inapakang tao. Oh, Ennin? His okay. Tanggap na niya. At nakapag moved on na sya.
"If theres none, we will continue this matrimony" Pero nagulat na lamang sila ng biglang marahas na bumukas ang pintuan ng simbahan at iniluwa nun ang galit na galit na si Argus.
"Akala nyo ay matatakasan nyo ako? Mga inutil!! Walang makakatakas sa kamay ni Argus Arivalo! Ikaw'ng babae ka!! Magbabayad ka!!"  Sigaw nito at binaril si Yummi. Hindi ito tumigil sa kakabaril kay Yummi hanggant hindi nito nauubos ang bala sa baril nito.
"Nooooo!!!! Yummi!!!!"   Sigaw ni Draco ngunit huli na ang lahat. Nasalo na lamang niyang duguan ang katawan ng dalaga. Wala nang buhay ng bumagsak ito sa kandugan niya.
"Yum...yum no...please wake up... yum...dont leave me... please...."  umiiyak na sabi ni Draco inaalog alog pa niya ang katawan ni Yummi. But theres no responce from Yummi. Mas lalo lang lumaylay ang ulo nito na ikina iyak pang lalo ni Draco. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao.
Nagkagulo naman ang mga besita at nag kanya kanyang takbuhan. Si Ennin at Cloud naman ay mabilis na rumisponde. Nahuli nila si Argus na nagpupumilit na makawala. Parang demonyong sigaw ito ng sigaw. Hanggang sa nailayo na ito ng mga kalalakihan para madala sa presento. Iyak naman ng iyak ang nanay ni Yummi. Pati na rin si Khung ay umiiyak.
Hindi naman nawalan ng pag asa si Draco at pilit paring ginigising si Yummi. Halos naliligo na siya sa dugo ni Yummi. Marahan niya itong inaalog alog.
"Yum...love..please wake up... ikakasal pa tayo diba... please dont do this.... dont leave me... may pangako tayo sa isa't isa.. walang iwanan.... may mga pangarap pa tayo..please yum..please..."  hilam sa luhang sabi ng binata.
"Yummiiiiiiii!!!!!"   Di niya napigilan ang sariling isigaw ang pangalan ng dalaga.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon