CHAPTER 16

317 3 3
                                    

Marahang katok ang gumising kay Yumi. Napatingin siya sa alarm clock niyang nasa side table niya. Ala sais y medya pa lang ng umaga. Hindi niya lubos akalaing napakabilis tumakbo ng oras, parang kanina lang magkasama pa sila ni Draco at masayang naliligo sa dagat. Tapos ng magising siya, heto..nasa loob na siya ng kwarto nya. Ganun pa man nasulit naman niya ang araw na nakasama si Draco. Medyo kakabitin nga lang dahil alas singko ng hapon kahapon ay bumeyahe na sila pauwi. Kinumbinse niya itong mag over night duon kaso may aasikasuhin pa raw ito. Kung ano man yun ay hindi niya alam. Naulit muli ang marahang katok sa kanyang pintua.
"Senyora Yume?" Tawag ng boses sa labas ng pintuan. Hindi sumagot si Yumi sa halip ay uminot inot siya at marahang bumangon. Kinusot kusot pa niya ang kanyang mga mata bago tuluyang nag lakat patungo sa may pintuan.
"Oh.. Lay, may kailangan ka ba?" Tanong agad ni Yumi ng mapag sino ang nasa labas ng pintuan.
"A..si dade nemo ara sa may mini opis neya nagahulat sa emo. Pinapatawag ka may pag oosapan daw kayo" sagot naman ni Lalay. Nakakatuwa talaga ang klase ng pananalita nito.
"Tungkol saan?" Takang tanong ni Yumi.
"Hende ko man alam senyora, mas maayo kong e pix mo na emong sarele para yo kan go and ask yor dade" sabi pa nito na trying hard na mag english. Gusto mang ngumiti ni Yumi ay di niya magawa. Medyo inaantok pa kase siya at ramdam pa rin niya ang pagod sa biglaang outing kahapon.
"Okay, thanks Lay" sabi niya saka marahang sinara ang pintuan. Kahit inaantok pa ay pilit niyang tinunton ang banyo. Panay ang hikad na pumasok siya sa loob nito. Napa mura pa siya ng dumampi ang malamig na tubig sa kanyang katawan. Gustuhin man niyang magtagal sa paliligo ay hindi niya kaya dahil sa sobrang lamig ng tubig. Kaya wala pang bente minutos ay tapos na siyang maligo. Nang makabihis ay agad na siyang bumaba at tinungo ang mini office nito. Nang makarating sa opisina nito ay kumatok siya, nakarinig naman siya ng sagot mula sa loob na maari siyang pumasok kaya pinihit niya ng marahan ang door knob at tuluyang binuksan iyon.
"Dad?" Nakangiting tawag niya sa ama ng makita itong naka talikod, naka harap ito sa bintana at may kong anong iniisip. Agad naman itong lumingon sa kanyan ng marinig nito ang pag tawag niya.
"Ihja Yumi!" Sabi nito sa kanya. Saka nito binukas ang mga braso nanagsasabing lumapit siya rito para mayakap ito. Patakbong lumapit siya rito at niyakap ito ng mahigpit sabay halik sa pisngi ganun rin naman ang ginawa mg kanyang ama.
"Kaylan kapa dumating?? Nasan si Mommy? Bakit hindi ka tumawag na darating ka pala?" Sunod sunod na tanong niya sa ama. Kumalas naman ito sa pagkakayakap sa kanya.
"May mahalagang bagay lang akong inasikaso anak. Maupo ka at may sasabihin ako sayo." Sabi nito na itinuro ang upuang kaharap ng mesa nito.
"Mukhang importante yata ito dad..kaya pinagising mo ako ng maaga" sabi ni Yumi sa ama ng makaupo sa upuan. Hindi naman sumagot ang kanyang ama. Nababakas ang pagkabalisa nito sa mukha nito.
"Dad, may problema po ba?" Nag aalalang tanong niya sa ama.
"Lilipat na muna kayo ni Draco ng matitirahan. Huwag na muna kayong pumasok sa paaralan ninyo. Nakakontak na ako ng mag tututor sa inyo. Lahat ng pangangailangan ninyo ay nakahanda na." Diridiritsonh sabi ni Van na ikinagulat ni Yumi.
"Teka lang dad.. a-ano pong nangyayari?" Takang tanong niya rito.
"Wala naman anak.. gusto ko lang masiguradong ligtas kayo. Wala kayong ibang pagsasabihan tungkol sa bagay na ito. Walang dapat na makakaalam kahit sino man." Dagdag pa ni Van na ikinakaba ni Yumi.
"Dad? May problema po ba? A-ano po ba ang nangyayari? Ano po ba ito??" Naguguluhang tanong ni Yumi.
"Wala kang dapat ipag alala anak.. everything is fine.." pagpapanatag naman sa kanya ng ama.
"Dad..bigla bigla umuwi kayo.. natutuwa akong makita ka.. bigla bigla rin ay mangyayari ang ganito. Sa tingin ko di ito okay lang dad. May problema pero bakit ayaw nyong sabihin? Lahat ay bigla na lang magbabago tapos sasabihin nyong wala lang. Mahirap paniwalaan yun dad." Punong puno ng pagtatakang sabi ni Yumi.Hindi makatingin ng diritso si Van sa kanya.
"Dad please... gustong malaman." Nagsusumamong sabi niya sa ama. Bumontong hininga naman si Van saka hinawakan niya ang kamay ng anak.
"Si Kokeyo anak.. bumalik na si Kokeyo at malaking problema ang kinakaharap niya. Konektado tayo.. lalong lalo na ikaw at si Draco.." pag aamin ni Van. Parang bomba naman iyon,sa pandinig ni Yumi na halos ika bingi niya ng marinig niya ang pangalang iyon. Sa loob ng limang taong hindi niya narinig ang pangalang iyon ay halos makalimutan na niya ito. Pero may kong ano siyang naramdaman.. tuwa at takot... tuwa dahil alam niyang ano mang oras ay magiging masaya siya kasama si Draco.. takot, dahil may kinakaharap itong problema at kenektado siya pati na si Draco. Ano ang problemang iyon?

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon