CHAPTER 23

159 3 1
                                    

"Shit!! Oh my God!!" Halos di mapakali si Draco sa salas. Palakad lakad siya at napapamura. Kakatawag lang ni Ellay sa kanya para sabihing niloob ang bahay nila. At hanggang ngayon ay naroroon pa ito mismo sa bahay nila! Who the hell are they? Anong kaylangan ng mga ito?? And who are they looking for?? Maraming tanong ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi siya mapakali. Gusto na niyang tumawag sa mga pulis ngunit pinipigilan siya ng munting tinig na nagsasabing malalagay lang sa kapahamakan sina nanay Lukring.
"Ohh God..sana walang mangyaring masama kay Nanay... sana...ligtas silang lahat.. protect them God..." naidasal niya.
"Kuya..ano pong problema?" Takang tanong ni Makoy. Napaangat naman ng tingin si Draco.
"Wala makoy..sige na pwede kanang umalis. Salamat" sabi niya sa binatilyo. Lumakad naman na paalis si Makoy. Dinukot agad ni Draco ang kanyang cellphone. May gusto siyang tawagan ngunit nagdadalawang isip siya. Gusto niyang may makausap tungkol dito kaso natatakot naman siyang baka umabot ito sa kalaban. Hindi sa hindi niya pinagkakatiwalaan ang taong pagsasabihan, kundi his just thinking things that are possible to happen. Ay pinili na lamang niyang manahimik. Kinalma niya ang kanyang sarili at matyagang maghihintay sa muling pagtawag ni Ellay.

"Sino ang nag utos sa inyo na loobin ang mansyon ng mga Vladimere?! Sino?" Galit na galit na sinakal ni Ellay ang lalaking nakatali sa upuan. Dinala na nila sa quarter nila ang lalaking itinago ni Ellay sa isang kwarto.
"Ellay!! Ano kaba mamatay yan!!" Awat naman ni brenan. Hinila nito si Ellay palayo sa lalaki. Nagpupumiglas naman ang dalaga.  Habol habol naman ng lalaki ang hininga nitong napapa ubo pa.
"Ano ka ba!! Yan na lang ang tanging hawak natin para mahuli ang gagong Argus na yun! Para matapos na ang kaguluhang ito!" Mataas ang boses na sabi ni Brenan sa kanya. Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Ellay at unti unti itong kumalma.
"Ang mabuti pa pumuntu ka lang ng hospital at nang malaman ang lagay ni Nanay Lukring." Suhistyon ni Brenan sa kanya.
"Pero Bren..gusto ako mismo ang unang makakaalam pag umawit ang gagong ito!" Pagtanggi ni Ellay sa suhistyon ni Brenan.
"Ellay please.. baka kung mapatay mo pa yang gagong yan e.. sige na.. Rollie!" Tawag nito sa Pulis na nasa labas ng silid. Agad naman itong pumasok.
"Yes sir?" Sabi nito ng makapasok sa silid.
"Ihatid nyo na si Ellay sa hospital na pinagdahal kay Nanay Lukring." Sabi ni Brenan sa kasamahan.
"Pero bren" salungat ni Ellay.
"Hinihintay ni Draco ang tawag mo. Sige na ako na ang bahala dito. At pangako pag umawit tong gagong to. Sayo ko unang sasabihin." Pagpapanatag ni Brenan,sa dalaga. Walang naga ang babae kundi ang sumunod na lamang sa sinabi ng binata. Sabagay kaylangan rin niyang malaman ang lagay ni Nanay Lukring. Nang damating ang mga pulis at ang ambulansya at hinang hina na ang matanda. Sa galit niya ay di man lang niya inalam ang lagay nito ng mabigyan ito ng first aid. Dali dali niyang tinungo ang kwarto ng lalaking iginapos niya at walang tigil na binugbog ito. Kundi siya inawat ni Brenan malamang patay na ito ngayon. Kaya sa inis ay kinaladkad niya ito pasakay sa patrol car at siya mismo ang nag drive nun. Hinabol na nga lang siya ni brenan at ng mga kasamahan nito dahil baka kung anong magawa niya sa gagong lalaking to. Sabi pa ni Brenan hindi ito ang pinuno nila kaya huwag niyang ibunton lahat ng galit niya rito. Tama nga naman ito. Pero di lang niya maiwasang di pumutok sa subrang galit. Si nanay Lukring ang nag aruga kay Draco simula pa nung bata pa ito. Halos naging ikalawang ina ito ng pinsan niya. At silang magpipinsan pag napadpad sila sa mansyon hindi sila pinapabayaan ng matanda. Maasikaso ito kaya naman mahal nila ito. Hanggang sa tumanda na ito at nakapag asawa ay hindi ito umalis sa poder ng mga Vladimere. Mapagkakatiwalaan ni Nanay Lukring. Ang totoo nyan alam nito ang pagkatao niya nung unang pasok niya sa mansyon, hindi ito umimik at nagagalit ito pag marami siyang ginagawa.Ang sabi pa nito asikasuhin raw niya ang totoong trabaho niya hindi yung trabaho ng ibang tao. Kaya nagtataka ang ibang kasambahay sa trato nito sa kanya. Pero hindi pa rin ito nagpahalata.Nakita nito ang pag takas nila Draco paano ba naman kase ang ingay ng dalawang yun. Pero di ito umimik. Lahat ay alam nito pati kung saan matatagpuan sina Draco pero ni isang salita ay wala itong sinabi tungkol dun. Kaya tiwalang tiwala ang mga Vladimere sa kanya.
Natatanaw na ni Ellay ang hospital na pinagdalhan sa matanda. Kaya dinukot na niya ang kanyang cellphone at nag dial siya habang pinapark ng pulis ang sasakyan.
"Hello Draco??" Mahina ang boses na sabi niya ng agad iyong sagutin ni Draco.
"Ellay..yes Ellay! What happened? Tell me everything is okay now..please..." sumamo nito sa pinsan. Bigla namang bumigat ang pakiramdan ni Ellay ng marinig niya ang sinabi ni Draco. And she dont know how to tell him about nanay Lukring condition.
"Everything is fine now Dracs...but you need to embrace yourself sa sasabihin ko." Babala niya sa pinsan.
"Akala ko ba okay na? Kakasabi mo lang ah!" Sabi ni Draco sa kabadong boses.
"Okay naman na..kaso nga lang..." Ellay.
"Kaso nga lang ano??" Naiinis na tanong ni Draco. Hindi umimik si Ellay.
"Ell!! Dont you fucking do this to me! Sabihin mo na!" Nanginginig ang boses na sa sabi ni Draco kay Ellay.
"Nanay Lukring got shot..im here in the hospital to check her condition" dritsong sabi ni Ellay kay Draco. Draco felt so shock. Nahulog pa niya ang cellphone niya. At di na narinig pa ang sinasabi ni Ellay.
"Hello drac? You still there?? Drac?? Hello?" Takang tawag ni Ellay sa pinsan ng di na ito sumasagot. Nang wala talaga siyang marinig na sagot mula kay Draco ay pinatay na lamang niya ang cellphone niya.
"Hinart-atak ang mokong?" Naiiling na tanong ni Ellay sa sarili. Saka siya bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng hospital.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon