CHAPTER 11

454 5 1
                                    

Chapter 11
Maaga pa lang ay nakatanggap na ng message si Yumi mula kay Ennin. Simpleng minsahe lamang yun na bumabating ng magandang umaga. Napangiti naman si Yumi ng mabasa yun. Nireplayan nya run ito. Saka niya nilapag ang cellphone sa side talbe niya at tumungo ng banyo. Ewan pero kahit kahapon lang silang nag samang talaga ni Ennin ay kampanti na ang loob niya rito. Napapatawa siya sa mga jokes nito. Laging naka titig sa kanya at nalulusaw siya sa hiya. Parang nakapako na kase ang paningin nito sa kanya. Inaalalayan sya sa pagbaba at pagsakay sa kotse nito. Panay tanong kong masaya ba siyang kausap o kasama ito. Ganito pala pag may nanliligaw yun bang nakakatanggap ka ng goodnight at goodmorning message, hi and hello, at simpleng salitang you look beautiful when you smile kaya ayun napapangiti siya. Kahapon nga ng hapon nag message itong nasa likuran niya ito,nagulat siya kase nasa loob siya ng klase niya buti na lang at naka vibrate lang yun phone niya. At abala naman sa pagsusulat sa greenboard ang professor nila. Panay tingin niya sa likod at hinahanap ito tapos nakatanggap naman siya ng message na *hinanap mo ako no? Hehe dont worry nasa klase ako ill wait you outside. See yah later butterfly* kaya ayun parang timang na napangiti siya. Kong hindi man niya naiintindihan ang lesson ng professor nila, mas lalong di niya naintindihan yun pagkatapos mabasa ang message ni Ennin. Nakakapanibago, oo masarap sa feeling yung may nagpapangiti sa kanya..kaso..sana..sana..si Draco yun..sa isiping yun di niya maiwasang malungkot. Iniisip rin kaya siya nito? Ninanais rin kaya nitong ngumiti o matumawa kasama siya? Siguro.. nung nag *Siblings date kuno sila* okay naman masaya silang pareho..okay na sana pero.. halong emosyon.. ewan basta..nung gabing yun..kung pupwede lang sana...
"Magandang umaga ihja. Halika umupo kana at ng makakain ka" bati sa kanya ni Manang Lukring.
"Goodmorning too nanay Lukring" ganting bati naman niya rito saka siya umupo at kumain ng almusal.
"Ihja,medyo mahuhuli lang si Kanor ha,may binili lang sandali sa palengke babalik rin naman agad yun" tukoy ni Manang Lukring sa driver nila.
"Naku wag na nanay, may susundo po sakin" agad niyang sabi sa mantanda.
"Huh? Susundo? Susunduin kaba ni Draco? Di niya pinaalam sakin kahapon nung tumawag sya" takang tanong naman ng ginang.
"Opo manlili-este kaibigan ko po" sabi niya na muntik pang masabi sa ginang ang tungkol sa manliligaw niya. Okay lang naman na sabihin niya ito dito kaso ayaw na muna niyang ipaalam sa iba. Baka kase, alam mo na magkaibigan sina Draco at Ennin baka lang na magkaroon ng tensyon sa pagitan nila.
"Kaibigan? Sino?" mas lalong nagtaka ang ginang simula kase nuon ay di niya nakikitang may mga kaibigan itong napapagawi sa bahay nila. Oo may kaibigan naman ito sa school nila kaso si Yumi yung tipong ni minsan ay di niya nakitang nagdala ng kaibigan sa bahay nila o kaya naman ay may sumundong kaibigan dito. Kaya laking pagtataka at paninibago niya.
"Ha-huh? A..di-diba sabi nyo po manag tumawag si Draco kahapon? Bakit po sya tumawag?" Pag iiba agad ni Yumi ng usapan.
"Ahh oo" sabi naman ng Ginang ng maalala yun.
"Wala namang importanting binilin..tinanong lang kong nakauwi kana ba" sagot naman ng Ginang.
"Ayy patay! Hindi hindi pala..kwan ng..yung ano..yung kwarto nya pala tinanong kong naka locked ba ng maigi" bawi agad nito ng maalala ang bilin ng binata na wag raw pala sabihin sa dalaga na tumawag ito kahapon.
"Ohh??" Parang di naman naniwalang sabi ni Yumi.
"O-oo! Hay ano ka bang bata ka..kumain ka na nga lang at baka malate ka" pag iiwas nito saka siya nito iniwan sa dining area. Napakunot naman ang noo ni Yumi. Di malaman kong ano ang paniniwalaan. Sa huli ay pinili na lamang niyang balewalain ito at pinagpatuloy ang pagkain. Halos matapos na siya ng almusal ng makatanggap siya ng message.

*hello butterfly. Im outside waiting for you*

Mula iyon kay Ennin. Napangiti naman siya sa mensahing yu. Yung pagtawag nito sa kanya ng butterfly hannggkyut! Tinapos na niya ang pagkain at uminom ng tubig. Saka siya tumayo at inayos ang sarili."Nanay alis na po ako!!" Sigaw niya kase di naman niya alam kong saan ang matanda,para marinig nito kong nasaan man ito. Kinuha na niya ang kanyang gamit saka tinungo ang main door. Nakita naman niyang naka para sa may labas ng gate ang sasakyan ni Ennin. Kaya agad na niyang tinungo iyon. Ng makalabas siya ng gate ay lumabas ito ng ssakyan, kinuha ang mga gamit niya at pinagbuksan siya ng pintuan. A trully gentleman ika nga.
"Salamat.." nakangiting sabi ni Yumi bago sumakay. Umikot naman si Ennin patungo sa driver seat.
"Hows your sleep?"  Tanong agad nito ng makasakay at marahang pinatakbo iyon. Di na kase nito pinatay ang engine.
"Okay naman. Ikaw ba?" Ganting tanong niya rito.
"It was great" nakangiting sabi nito.
"Coz you were in my dreams.. hindi yung kamanyakan ha, baka kong ano isipin mo dyan." Pangkaklaro nito sa sinabi. Natawa naman ang dalaga sa sinabi ng binata.
"Sira ka talaga, wala naman akong may sinabi ahh.." sabi niya rito. Ngiting ngiti naman si Ennin.
"Buti na yung malinaw." Sagot nito.
"Aahh oo nga pala" sabi nito ng may maalala.
"Tumingin ka naman sa likod." Sabi nito. Nagtatakang napatingin rin si Yumi sa backseat.
"Woow!!" Bulalas niya ng makita ang isang stuff panda at 3 steam ng Sun flower. Namimilog ang mga matang pilit niyang inabot iyon.
"O..teka..teka sandali!" Awat naman kanyan ni Ennin. Natatawa ito.
"Kunin mo na lang pagbaba natin mamaya malapit naman na tayo." Sabi nito sa kanya.
"Ang daya daya mo! Ba't di mo sinabi sakin agad!" Kunway maktol ni Yumi. Napalakas naman ang tawa ng binata.
"Surprise nga diba." Sabi nito.
"Pano mo nalamang i like pandas and sunflower?" Namamanghang tanong ni Yumi.
"Panay lang naman po ang kwento mo about sa panda kahapon nung nag ikot ikot tayo bago kita hinatid pauwi. Kaya yun na gets ko na." Paliwanag ni Ennin. Napangiti naman si Yumi. Nakakatuwa at may lalaki palang magaling manghula pagdating sa mga gusto ng babae. Natatawang sabi sa isip ni Yumi.
"E..yung sunflower ba't mo alam? Wala naman akong may binanggit tungkol dun ah.." -Yumi
"Hahaha that's obvious Yum. Wallet mo Sunflower ang design. Bag mo Ghotic na may Sunflower sa gitna. Earings mo sunflower. Kaya no doubt you like sun flowers." Mas lalong natuwa si Yumi sa narinig. Akalain mo yun napapansin nito ang mga bagay bagay na yun? Pero bigla siyang nalungkot.. *buti pa si Ennin napansin yun..si Draco kaya? Alam kaya nito? Gaga! Magkapatid kaya kayo! Malamang pa sa alamang alam nya yun! Ang tanong e, may paki alam ba ito na yun yong mga bagay bagay na gusto nya?* mas lalong nalungkot si Yumi sa isiping yun. *kita mo nga sabi nya di na mauulit yung di ka nya maisundo..ni hindi nga nagparamdam matapos yung siblings date kuno ninyo. Lumayas pa para maiwasan ka! Wake up girl! Wag kang hibang sa kakaisip ka kutong lupa mong kapatid! At isa pa! Kapatid mo sya! Kapatid!....kapatid nga ba?* nangilid ang luha ni Yumi sa usiping yun..kaya umiwas siyang mapatingin sa gawi ni Ennin at tinutok ang paningin sa ibang deriksyon.
"O..bakit...bakit Yum? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong mali?" Nag aalalang tanong ni Ennin ng mapansin ang biglang pagtahimik ni Yumi. Panay ang linga linga niya rito.
"Yum..?" Mahina at malambing na tawag niya rito. Kinurao kurap naman ni Yumi ang mga mata para mawala ang pagkangilid ng kanyang luha. Saka pilit na ngumiting hinarap si Ennin.
"Wala..masaya lang ako..salamat ha." Half truth half false na sabi ni Yumi. Oo masaya siya dahil ramdam niyang special nga sya para kay Ennin. Di totoong masaya kase how she wished na ibang tao ang gumagawa nun sa kanya..pero yun nga di pwede.
Inabot naman ni Ennin ang kamay niya at marahang pinisil iyon. That makes her a little bit relief.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon