CHAPTER 28

135 4 0
                                    

"Ace..pare.. pare ayusin natin to.. pag usapan natin kung anuman ang problema mo.. tutulungan kita.. pangako ko yan.."  mahinahon at kalmadong saad ni Draco.
"Huh! Gago! Ako pa talaga ang gagaguhin mo?! Sira ulo!"  Parang nahihibang na sagot ni Ace kay Draco na mas lalo pang diniin ang punyal na hawak sa leeg ni Yummi. Napaungol naman sa takot at sakit si Yumi dahil pakiramdam niya anumang oras ay mahihiwa na ng dulo ng punyal nito ang kanyang leeg. Wala siyang nagawa kundi ang ipikit ng mariit ang kanyang mga mata at manginig sa takot.
"Ace..please pare..makinig ka..hindi ko to sinasabi para gaguhin ka. You know me pare,from the very first day we meet.. alam mong hindi kita ginagago.."  pakiusap pa rin ni Draco sa kaibigan. Nag aalala na rin siya sa kalagayan ni Yummi lalo pa at nakikita niya itong nasasaktan. Gustohin man niyang dakmain na lamang ang kamay ni Ace na may hawak na punyal ngunit di niya magawa, baka mas lalo lang malagay sa alanganin na sitwasyon si Yummi.
"Pare makinig ka naman please..."  sumamo ni Draco ng hindi siya nakakarinig ng anumang sagot mula kay Ace.
"Tabi!"  Bulyaw ni Ace kay Draco. Napapisik naman si Yummi sa biglang pag sigaw ni Ace.
"Tabi sabi!!"  Galit na sigaw ni Ace sabay sabunot sa buhok ni Yummi at inihilig pa iyon para mas lalong makita ni Draco ang punyal na nakatutok sa leeg nito. Napasigaw naman si Yummi sa takot.
"Okay...okay.."  nenerbyos na sagot ni Draco na naka taas pa ang dalawang kamay nito na animoy gustong awatin si Ace sa kaharasang pinaggagawa nito. Humakbang siya ng dahan dahan patabi para mabigyan ng daraanan sina Yummi at Ace.
"Draco...please... help me..."  umiiyak na sabi ni Yummi habang sumasabay kay Ace sa marahang paghakbang.
"I will love..ill do anything...hang on"  sagot ni Draco na di napigilang humakbang para abutin ang kamay ni Yummi na pilit siyang inaabot. Ngunit isang hakbang pasulong palang ang kanyang nagawa ay biglang tinapik ni Ace ang kamay ni Yummi sabay tutok ng punyal nito kay Draco.
"Isang hakbang pa at di ako magdadalawang isip na patayin ang babaeng to!"  Sigaw ni Ace kay Draco.
"Please Ace..Pare maawa ka...wag ganito.. wag mong sayangin ang pagkakaibigan natin..wag mong itapon ang mga pinagsamahan natin..kung ano man yang problema mo sa tatay mo,nandito lang ako.. tutulungan kita..pangako ko yan..tutulungan kita pare..."  halos maiiyak na sa galit si Draco. Hindi na niya alam kung paano pakiusapan si Ace.
"Huwag kang mag alala Dracs... hindi ko namang hahayaang masaktan si Yummi...but you cant take her. I needed her..shes my only key.. I will take vengeance in my hands.."  Saka mabilis na hinila ni Ace si Yummi at patakbong pilit na nilalayo niya roon ang dalaga.
"Draco!! Draco!!"  Sigaw't tawag ni Yummi sa binata.
"Yum!!"  Nagpupuyos ang dibdib na tawag rin ni Draco sa pangalan ng dalaga,mabilis niyang pinulot ang kanyang baril saka patakbong sinundan ang mga ito. Nakita niyang lumiko ang mga ito sa hagdanan pababa kaya ng makalapit siya sa dulo ng hagdanan at baba na rin sana siya ay may biglang bumulaga sa kanyang dalawang tauhan ni Ace. Nakatutok ang mga baril nito sa kanya at bigla iyong pinaputok. Mabilis naman siyang kumubli para makaiwas sa lumilipad na bala. *shit!!*  inis na bulong niya sa isipan. Nagtaka siya ng biglang makarinig muli ng putok ng baril ngunit wala namang tumama sa pader na kinatataguan niya. Kaya marahang sinilip niya ang dalawang kalaban. Nakita niyang nakabulagta na ang mga ito. Maya maya ay lumitaw ni Kat at tumingin ito sa kinaroroonan niya. Mabilis namang lumabas ang binata sa kinatataguan nito at bumaba ng hagdanan.
"I found Yummi....but Ace got her again.."  sabi ni Draco kay Kat. Tumango naman ito at tinapik tapik ang balikat ni Draco.
"I saw them.. this way.." sagot ni Kat at nauna na itong tumakbo, sumunod naman agad si Draco sa dalaga.

Abot abot ang dasal ni Cloud sa loob ng sasakyan. Dahil dinig na dinig niya ang palitan ng mga putok ng mga baril mula sa kinalalagyan niya. Gustohin man niyang umalis na lamang sa lugar na iyon ay di naman niya magawa gawa.Dahil ayaw niyang basta basta na lamang iwan si Draco doon. Maya maya pa ay nakirinig nanaman siya ng mga putukan na mas lalong ikinasiksik niya sa ilalim ng upuan ng kotse.
"Pucha.. Lord..wag mo muna akong kunin... bata pa ako..gusto ko pang makita ang Pilipinas!!"  Ngawa niya habang kumukobli. Ngunit ganon na lang ang biglang pag angat ng kanyang ulo ng marinig niya ang paparating na mga sasakyan ng mga pulis.
"Thank you Lord! Nandito na ang mga back up! Thank you! Thank you!"  Sabi niya na nakasiklop pa ang palad. Hinintay niyang pumarada ang mga iyon sa tabi ng kotseng k sinasakyan niya bago siya nagkukumahog na bumaba.
"Officer! Officer!"  Tawag niya sa pulis na pumarada malapit sa kanya. Di pa nakakababa ang pulis kaya si Cloud na mismo ang bumukas ng pintuan nito sabay hila sa lalaki pababa sa sasakyan nito.
"They're all inside sir! Here! Here! This villa! my friend,best friend and your friend not your best friend are all inside there sir!" Tarantang sabi ni Cloud na hinila pa ang pulis palapit sa wooden gate. Magsasalita na sana ang pulis ng biglang niratrat sila ng kalaban. Mabilis pa sa kidlat na nagsipag takbuhan sina Cloud at ang pulis patago sa likod ng sasakyan na pinagtataguan kanina ni Cloud. Galit na pinongkoy ng pulis ang ulo ni Cloud.
"Aray!! Sir!!"  Galit na maktol ni Cloud sa pulis.
"Are you out of your mind?! Dont do that again!"  Sita nito sa binata. Napakamot pa ito sa ulo. Nakita niyang umaktong gaganti ng putok ang pulis ng bigla niya itong hilain patago muli.
"What the hell!"  Sigaw nito sa kanya.
"A..e..sir you know where those guy who shooted us?"  Alanganing tanong ni Cloud sa pulis napapakamot pa siya sa batok. Matapang namang sumagot ang pulis sa kanya.
"No!"  Sabi nito sa striktong mukha. Inis na gumanti ng pongkoy si Cloud sa pulis.
"Eh gago ka pala eh! You will shoot back but you dont know where they are!"  Inis na sigaw rin ni Cloud sa pulis.
"Whats that trouble over there?"  Sigaw ng isang lalaki sa kabilang kotse. Nagtatago rin ito sa likod ng sasakyan nito. Naka amerikana ito ng damit. Sasagot sana si Cloud ng biglang nagpaputok ng baril ang ibang pang mga pulis hanggang sa matumba ng mga ito ang mga kalabang nagpaputok sa kanila kanina. Nang masigurong wala nang kalabang umaaligid sa paligid ay lumabas ang lalaking naka amerikana mula sa pinagtataguan nito. Ganun rin ang ginawa ni Cloud at ng pulis na kasama niya. Lumapit sila sa lalaking naka america.
"Who you?!" Takang tanong ni Cloud sa lalaki.
" im Superintendent hyun-gi."  Maikling sagot nito saka inutusan ang mga tauhan na pasukin na ang villa.
"Lets go In-jhung!"  Tawag nito sa pulis na katabi ni Cloud. Napalingon naman si Cloud sa pulis na nasa tabi niya.
"Your not an officer?"  Gulat na tanong niya rito. Umiling naman si In-jhung.
"Im a pollice."  Sagot nito kay Cloud na pinakita pa ang chapang naka sabit sa uniporme nito.
"Gago ka! Kala ko may rango ka! Wala pa! Pasigaw sigaw kapa sakin kanina!"  Inis na sita Cloud sa pulis habang pinag hahampas ito. Pilit namang umiwas ang pulis sa pinag gagawa niya.
"Hoy! Cloud ano yan!"  Galit na sita ni Ennin sa kaibigan. Napahinto naman si Cloud sa pinag gagawa nito at napatingin ito sa deriksyon niya.
"Bakla!! My pren!"  Tuwang tuwang sabi nito saka tinakbo si Ennin at tuwang tuwang niyakap ito.
"Aray!! Ulap! Nasasaktak ako! Ang sugat ko!"  Sigaw nito habang pilit na nilalayo ang kaibigan. Kumalas naman agad sa pagkakayakap si Cloud kay Ennin at nagtatakang tinitigan nito ang kaibigan.
"Anong sugat?" Takang tanong nito. Hindi naman sumagot si Ennin, hindi nito pinansin ang tanong ng kaibigan at umakto na itong aalis para sumunod sa loob ng villa.
"Hoy! Anong sugat?" Pangungulit ni Cloud sa kaibigan, marahas pa nitong hinila ang braso ni Ennin at di naiwasang sumagi ang kanyang kamay sa tagiliran ni Ennin.
" aray!!"  Napasigaw sa sakit si Ennin ng di sinasadyang natampi iyon ni Cloud. Agad niyang sinapo ang tagiliran at namimilipit sa sasakit na napasandal siya sa kotse.
"Bakit?? Oi bakla bakit??" Nag aalalang tanong ni Cloud.Hindi naman sumasagot si Ennin at patuloy lang ito sa pagdadaing sa sakit. Kaya napilitan si Cloud na baklasin ang kamay ng kaibigan na humaraharang sa tagiliran nito at ganun na lang ang kanyang gulat.
"Putcha!! Anak ng tipaklong! May sugat ka?!"  Nag aalalang sabi ni Cloud ng makitang pumula ang bendang nakasapin sa tagaliran nito.
"D-daplis lang yan...kaya ko pa..ikaw kase eh! Ang kulit mo! Ayan tuloy dumugo..."  maktol ni Ennin sa kaibigan. Saka ito marahang tumayo at nagsimulang maglakad muli. Ngunit agad itong pinigilan ni Cloud.
"Gago ka ba? O gago kang talaga. Kita mo nang dumudugo yang sugat mo! Tapos papasok ka dun! Magpapakamatay ka ba?"  Galit na sita ni Cloud sa kaibigan.
"Sabi ko namang kaya ko pa e!"  Giit naman ni Ennin.
"Sira naba yang tuktok mo? Suicide na yang ginagawa mo Ennin! Putcha, pare! Nahihibang kana ba?"  Hindi makapaniwalang sabi ni Cloud sa kaibigan ng mapansing nagpupumilit itong makaraan sa daanang hinaharangan niya.
"Cloud, dude.. dont block my way.. pabayaan mo akong makapasok dun."  Sabi ni Ennin dahil hindi siya makalusot lusot kay Cloud.
"Pare..kung di kita kaibigan hahayaan talaga kitang mamatay dun.. nakita mo ba yang sarili mo? Nakita mo ba yang sitwasyon mo? Pare naman! Dont make me cry dude! Ayukong umiyak!"  Parang naiiyak na sabi ni Cloud kumurap kurap pa ang mata nito. Nagtataka naman si Ennin sa reaksyon nito.
"At bakit ka naman iiyak?"  Takang tanong nito. Suminghot pa muna si Cloud bago sumagot.
"E mamamatay ka na e! Alangang di ako iiyak! Kaibigan kita e! Kahit minamanyak mo ako minsan..kahit chinachansingan.. kahit alam kung may lihim na crush ka sakin..kaibigan pa rin kita..kaya naiiyak ako kase mamamatay kana!!"  Parang batang sabi ni Cloud na parang gusto na nitong pumalahaw ng iyak. Naiinis na kinutos ito ni Ennin.
"Aray!!"  Daing naman ni Cloud sapo sapo ang ulo nitong nakutusan.
"Gago! Daplis lang to! At buhay na buhay pa ako! Ikaw yata ang papatay sakin e.. pinapatay mo na ako sa mga pinagsasabi mo."  Yamot na sabi ni Ennin sa kaibigan.
"Lika na nga!"  Sabi na lamang niya sabay hila sa kaibigan papasok sa loob. Bigla naman binawi ni Cloud ang kanyang kamay.
"Ayuko pang mamatay!"  Sigaw nito at takot na takot na umatras.
"Gago! Halika na sabi!"  Giit naman ni Ennin na inabot muli ang braso ni Cloud.
"ayuko nga!"  Mariing tanggi ni Cloud na itinago pa ang mga braso.
"Bakit ba ang kulit kulit mo?!"  Maktol ni Cloud sa kaibigan.
"Bakit ba gustong gusto mong pumasok dun..e nandun na si Draco at ang mga pulis! Dito na lang tayo..hintayin na lamang natin sila dito."  Sabi pa ni Cloud.
"No! Im not just gonna stand here and wait for them. Ill go and save Yummi"  buo ang desisyong sabi ni Ennin saka ito dumiritso sa paglalakad.
"Mahal mo ba talaga sya?"  Tanong ni Cloud na hindi naaalis sa kinatatayuan nito. Napatigil naman sa paika ikang paglakad si Ennin.
"Im ready to die for her..."  sagot naman ni Ennin.
"Martyr..."  bulong naman ni Cloud at umismid. Naka tanaw lamang siya sa paika ikang paglakad ni Ennin papasok sa loob. Nahihirapan ito dahil sumasakit ang tagaliran nito. Hahawak hawak nito ang baril nito at kumubli muna sa pader ng wooden gate bago pumasok sa loob ng villa. Naiinis na napabuntong hininga naman si Cloud.
"Tinamaan ka nga naman ng lintik oo!! May kaibigan ka na ngang sira ulo! May martyr pa! Abah qoutang qouta na! Si Ace na lang ang kulang at reunion na sa gyerang ito ang tropahang ito! Hayy!!  Mga anghel sa langit kayo na ang bahala!"  Litantiya ni Cloud sa sarili habang naiinis na kumuha ng baril sa loob ng sasakyan nila ni Draco at patakbong sinundan si Ennin. Naabutan niya itong nahihirapan sa pagkakaupo sa gilid saktong lalapit na sana siya dito ng may nakita siyang dalawang kalaban. Hindi siya nag dalawang isip na paputukan iyon. Head shot ang bawat isa sa kanila at wala nang buhay ng bumagsak ang mga ito sa lupa. Nagulat naman si Ennin sa nangyari at napatitig sa kanya.
"O, kung hindi ako dumating ano kana ngayon? Isang malamig na bangkay? Ay ewan ko sa inyo! Halika na nga!"  Naiinis na sita niya sa kaibigan saka ito inalalayang tumayo.Nakarinig sila ng putukan sa isang mansyon sa di kalayuan. Saka nila napansing dalawa pala ang mansyon sa loob ng villa.
"Gagong Ace! ang yaman pala ng gagong yun!"  May galit sa boses na sabi ni Ennin. Nagtaka naman si Cloud sa mga pinagsasabi ng kaibigan.
"Oh..bakit nasali naman dito si Ace?"  Takang tanong ni Cloud kay Ennin.
"Sya lang naman ang may kagagawan ng lahat ng ito. Sya rin ang bumaril sakin..buti at nadaplisan lang ako."  Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Ennin ng sabihin niya iyon. Gulat na gulat naman at hindi makapaniwala si Cloud sa narinig niya.
"Oh, di ba na gulat ka? Ako rin naman.. actually kaming lahat. Malamang sa ngayon alam na ni Draco na si Ace ang utak ng lahat ng ito."  Sabi pa ni Ennin. Gustohin mang magtanong pa ni Cloud ay di na niya ginawa. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Ace. Kung talagang siya ang may kagagawan ng lahat ng ito, gusto niyang malaman ang rason kung bakit nagawa ito ng kaibigan.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon