CHAPTER 18

264 3 1
                                    

"Diba kabilin bilinan ko sayong wag na wag kang umalis ng school at hintayin akong sunduin ka?!" Inis na sabi ni Draco ng makarating sila ni Yumi ng bahay.
"Si Cloud naman kasama ko a, kilala mo naman sya. Kaibigan mo sya, hindi naman sya masamang tao." Depensa naman ni Yumi.
"Kahit na, di sana tinawagan mo ako para masamahan ko kayo kung san man kayo pumunta. Nag commute pa kayo pa punta dun. Pano na lang kung masamang tao yung nasakyan nyo, may magagawa paba kayo kung dadalhin kung saan lugar" Giit pa rin ni Draco.
"Hindi kaya kami nag commute, sasakyan ni Ennin gamit namin kaya--" hindi na naituloy ni Yumi ang sasabihin niya ng maalala niyang nadulas ang dila niya sa pagbanggit kay Ennin.
"Anong sinabi mo?" Kunot noong tanong ni Draco na halatado sa boses ang galit.
"A... a-ano..." naghahanap ng masasabi si Yumi.
"Kasama nyo si Ennin?!" Mahina ang boses nito ngunit nakakatakot.
"Kwan... kase..ano...." kinakabahang sagot ni Yumi
"Oo o hindi!!" Biglang lumakas ang boses nito na ikinagulat ni Yumi.
"Oo, oo!!" Sunod sunod na sagot niya dahil sa takot.
"Hindi ko namang alam na kasama pala sya.. hindi na ako makatanggi nung pinasama na nila ako." Mangiyak ngiyak sa takot kay Draco na dahilan niya.
"kahit pa!! Di ba sabi ko ayukong sumasama sama ka sa lalaking yun!! Niyaya ka lang agad ka nang sumama!! May sariling isip ka para tumanggi! Ginusto mo kaya ka sumama!! Akala ko ba nag usap na tayo tungkol don!!" Galit na sigaw ni Draco.
"Wala naman kaming ginawang masama Draco! Bakit kung makapag salita ka kala mo kung saan na kami pumunta! Hindi ako kaladkaring babae! Kung yan ang tinutombok mo!" mangiyak ngiyak na tumakbo paakyat sa taas si Yumi patungo sa kanyang silid. Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Draco at na pag isip ang kanyang mga sinabi. Gustuhin man niyang habulin si Yumi at humingi ng tawad ay nag aalangan siya dahil naroon pa rin ang inis sa kaalamang kasama pala nito si Ennin. Tinawagan niya ang isa sa mga kasambahay nila, binilinan niya ito saka siya muling umalis.
Nakarinig ng mahihinang katok si Yumi sa kanyang pintuan. Tinatamad siyang buksan yun, hindi niya pinansin ang katok na iyon at nakadapa lang siya sa kanyang kama. Masama ang loob niya kay Draco, bakit ganun yun makapagsalita sa kanya.. akala mo kung may ginawa na syang hindi maganda samantalang ito naman ang panay may ginagawa sa tuwing nasosolo siya. Muli ay nakarinig ng katok si Yumi, tinatamad man ay pinilit niyang tumayo para mapagbuksan iyon. Si lalay ang napagbuksan niya ng pintuan.
"May kaylangan ka ba lay?" Mahinang boses na tanong niya rito.
"Ahh penapasabe ne Draco na wag na wag ka raw lumabas ng bahay" sabi nito sa kanya. Nagtataka naman sya.
"Bakit?" Tanong niya
"Hende ko man alam senyura basta gehambal sabe ne Draco sa akon nga sabehen ko das sa emo na wag kang lumabas ng bahay dahel may pupuntahan lang seya at babalek ren naman agad." Pag papaliwanag ng katulong.
"Okay.." sagot naman niya.
"Si dad nga pala nasaan?" Pahabol na tanong niya sa katong.
"Hende ko man sya naketa na lumabas sa eyang room senyura. Hende ren sya lumabas para kumaen ng lunch. Enakyat sya ni Manang Lukreng pero wala man may naga sagot sa eyang room" -Lalay. Nagtaka naman si Yumi ng malaman iyon.
"Sige Lay, salamat" sabi niya. Tumango naman ito at tumalikod na sa kanya. Ng tuluyang makaalis ang katulong ay naisipan ni Yumi na puntahan ang kanyang ama. Kumatok siya ng marahan ng makarating sa harapan ng pintuan nito.
"Dad??" Tawag niya sa ama.
"Dad are you busy?" Tanong na niya ng wala pa rin siyang marinig na sagot mula sa loob.
"Dad? Papasok ako.." paalam niya sa ama. Pinihit niya ang siradura at marahang tinulak pabukas iyon. Humakbang siya papasok sa loon. Naka bukas ang bedside lamp nito at naka saka pa rin ang mga kurtina.
"Dad.. bat ang dilim na man dito." Taning niya. Minabuti niyang lapitan ang bintana at buksan iyon. Kaya lumiwanag ang loob ng silid. Humarap siya sa kama para lang magulat. Wala roon ang kanyang ama. magulo ang higaan higaan nito palatandaan na may natulog nga roon. Nagtatakang lumapit siya sa gilid ng kama. *san kaya pumunta ang daddy?* takang tanong niya sa isipan. Napag disisyunan na lamang niyang bumalik sa kanyang silid dahik wala naman pala roon ang pakay niya. Isasara na sana niyang muli ang kurtina ng may nahagip ang kanyang paningin sa ibabaw ny study table ng kanyang ama. Nakanut ang noong lumapit siya roon. May roong larawan ng isang matandang lalaki sa ibabaw ng mesa nito. Seryuso ang mukha at halatado ang pagka strikto sa mukha nito.
"Hhmm parang pamilya sakin ang mukhang ito..." bulong ni Yumi. Sinipat pa niyang mabuti ang larawa ng mapapitik niya ang kanyang daliri.
"Tama!" Bulalas niya.
"Kamukha sya ni Ace!" Nakangiting sabi niya.
"Hhmm daddy nya kaya to?? Bakit may picture si Dad ng daddy ni Ace??" Nagtatakang tanong niya sa sarili.
"Uhmm alam ko na.. syempre magkaibigan si Draco at si Ace.. kaya meron nito si Dad.. uhhmm siguro ganon nga!" Kausap ni Yumi sa sarili. Saka niya inilapag muli ang larawan. Tuluyan na niyang sinara ang kurtina at nilisan ang silid na iyon.
"Sa palagay mo, ano kaya yung problemang tinutukoy ni Yumi" Takang tanong ni Cloud kay Ennin. kasalukuyang nasa isang foodchain ang dalawa at nag e-snacks. Napagod na rin naman kase sila sa kakalaro. Nagulat si Ennin sa klase ng tanong ni Cloud. Kase kung umasta ito kanina e, parang walang pakialam. Yun pala pumapasok rin sa utak nito ang mga pinag uusapan niya.
"Ewan.. hindi naman niya sinabi. Ano kaya kung tanungin mo Si Draco?" Suhistyon niya kay Cloud.
"Naalala mo sabi ni Yumi ha!! Wag raw babanggitin kahit kanino! Kala ko ba nasa pinag uusapan ang atensyon mo?" Palala ni Cloud sa kaibigan.
"Oo nga pala." Naalalang sagot naman nito.
"Sa palagay mo kaya ano yun?" Balik tanong bi Ennin kay Cloud.
"Sa klase ng pananalita ni Yumi, idagdag pa na confidential iyon.. mukhang malaki ang problemang kinakaharap nila." Seryusong sagot ni Cloud. Bigla naman siyang kinutusan ni Ennin.
"Aray!! Nakakasakit ka na ha!" Inis niyang reklamo niya sa kaibigan.
"E, inulit mo lang sinabi ni Yumi e!" Biglang umamo naman ang mukha ni Cloud ng mapagtantong nalala pala iyon ng kaibigan.
"Hehehe.. baka sakali lang na nakalimutan mo rin yung sinabi nyang yun" palusot nito.
"Sira ka talaga!" Sabi na lamang ni Ennin.
"Kung lalayo sila at dapat ay walang may makaalam nun.. ibig sabihin lang ay may naghahanap sa kanila." Napapaisip na sabi ni Ennin.
"Hhmm... parang tama ka nga.." sang ayon naman ni Cloud.
"O kaya ay magtatago sila?" Dagdag naman ni Cloud ng mapaisip rin.
"Sino naman kaya pagtataguan nila?" Takang tanong ni Ennin. Nagkibit balikat naman ni Cloud.
"At ano ang kaylangan nila?" Dugtong ni Cloud sa tanong ni Ennin. Pareho silang nagkatinginan na para bang nagkakaintindihan.
"Naiisip mo ba ang naiisip?" Tanong ni Ennin kay Cloud.
"Nasa panganib ang buhay nila!" Tumbok ni Cloud sa gustong sabihin ni Ennin. Tumango tango naman ang binata.
"So anong plano mo?" Tanong ni Cloud.
"Gago anong ako? Tayo... kaylangan nating maging alerto sakaling mangaylangan sila ng tulong." Sagot ni Ennin kay Cloud.
"O, bakit ako nadamay dyan! Di ko naman sila inaano a!" Reklamo nito.
"Sarap mo talaga pektusan sa bangs e, bakit hindi mo ba kaibigan si Yumi at Draco?" Balik tanong ni Ennin.
"Kaibigan syempre, pero kong malaking gulo yan... pare alam mo namang wala akong panlaban sa away ng mayayaman." Seryusong sabi ni Cloud. Nakaramdam naman ng awa si Ennin.. *oo nga naman..hindi pweding masangkot si Cloud sa ganitong klasing gulo..*
"Alam ko... pero.....may maitutulong ka naman sa ibang bagay di ba?" Parang nakaisip ng paraan na sabi ni Ennin.
"Basta ba, walang perang involve okay lang" sabi nito. Napangiti naman si Ennin sa sagot nito.
"Wag kang mag alala akong bahala sayo." Sagot nito.
"Anong plano mo?" Tanong ni Cloud.
"Papaimbistigahan ko ito... ill use dads connections.. but i need your help" sabi ni Ennin na tumingin ng diretso sa mga mata ni Cloud.
"Anong klaseng tulong?" Tanong nito sa seryusong boses.
"Naiihi na ako san ba Comfort dito?" Bulong ni Ennin kay Cloud. Naikina inis ni Cloud.
"Gago!! Akala ko naman kung ano na!" Sigaw nito sa kaibigan.Natawa naman si Ennin.
"Dalian mo na dyan.. CR lang ako.. pag balik ko alis na tayo." Sabi nito sa kaibigan saka tumayo para tunguhin ang comfort room.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon