CHAPTER 10

505 4 1
                                    

"Hi Dracs!" Masiglang bati ni Patrixia kay Draco ng makasalubong niya ito sa hallway. Hindi naman sumagot ang binata sa bati nito, diri diritso lamang ito sa paglalakad patungong cafeteria.
"Mag la-lunch ka?" Pangungulit pa nito at sa binata. Gaya ng unang ekspresyon nito, di ito umimik.
"After what happened, ganito mo ako tratuhin?" Nanunuyang tanong niya sa binata. Nababagot na tumigil at hinarap naman ng binata ang dalaga.
"First, you offered yourself. Second, its just a one night stand. So dont act like my fucking girlfriend coz your not." Pagkasabi nun ay umalis na siya. Hinabol naman siya ng dalaga na di man lang natinag sa sinabi ng binata.
"Sabay na tayo mag lunch ha!" Lumambitin pa ito sa braso ni Draco. Parang walang narinig at walang pakil alam na patuloy lang ang dalaga sa ginagawang pag papansin kay Draco. Tinginan naman ang mga studyanteng nadaraanan nila.
"Mag jowa na sila??" Bulong ng isang babae sa kasama nito.
"Siguro, tingnan nyo naman makapulupot si Patrixia kay Draco." Sagot naman ng isa.
"Naku, kahit naman sinong lalaki ganyan makapulupot yang patrixang yan." Sagot ng isa pang kasamahan ng mga ito.
Inirapan lang naman ni Patrixia ang mga ito. Mas lalong hindi niya binitawan ang braso ng binata. Nang makarating sa cafeteria ay agad na tinungo nila ang lugar kong saan madalas tumambay ang grupo nila Draco. Nakita naman nila agad ang mga kaibigan niyang nagkukwentuhan duon.
"May higad ka yatang dala dala dracs" malapad ang ngiting puna ni Ace kay Patrixia. Sumimangot naman ang dalaga sa narinig. Sabay upo sa katabing upuan ni Draco. Kaharap ang dalawang binata.
"Next week na ang intrams. Okay naman na ang lahat di ba..? wala na tayong dapat pang i-adjust." -Draco
"Yup! All set na!" Masiglang tugon ni Ace.
"So wala tayong rehersal mamaya?" Si Cloud.
"Meron syempre bakit may date kaba?" Tudyo ni Ace sa kaibigan.
"Ulol nagtatanong lang, bakit masama mag tanong ha!?" Asar nito sa kaibigan. At napuno na ng arasan nilang dalawa ang parting iyon ng cafeteria. Ayaw mag patalo sa pang aasar ang bawat isa sa kanila.
"Guys..guys.. aren't we going to eat?" Singit naman ni Patrixia sa mga ito na itinaas pa ang dalawang kamay para awatin ang  dalawang nag babangayan.
"Bakit gutom kana?" Tanong ni Ace.
"As if naman kayo di gutom" sagot naman ni Patrixia.
"E,di kumain ka! Paki alam ba namin kong gutom ka. Kainin kita dyan eh! Gigil mo si ako!" Sagot naman ni Ace na umakto pang kakagatin si Patrixia na ikinuyom pa ang kamao. Kumobli naman sa braso ng binata ang dalaga para makaiwas sa tingin ni Ace na animo ay kakainin nga sya.
"Tara na nga kumain na tayo" sabi naman ni Draco na tumayo na dahilan para mabitawan sya ni Patrixia. Tinahak nito ang daan palabas ng cafeteria sumunod naman ang dalawa.
"Guys! Guys! Teka..hindi kayo kakain dito?" Takang tanong ng dalaga.
"As if naman nakita mo kaming kumain dito" sabi ni Cloud na ginaya ang tuno ni Patrixia at kuminding kinding pa ito. Saka sila nagtanawan ni Ace at nag apiran.
"Hahahaha bagay tol!" Sabi pa ni Ace at pinagpatuloy lang nilang tatli ang paglalakad palabas sa cafeteria. Naiwang nanggigigil naman si Patrixia.
"Nasan nga pala si Ennin?" Puna ni Ace ng makalabas na sila sa cafeteria at tinutungo ang parking lot. Tumingin pa ito sa pambisig na orasan.
"Kanina pa dapat out nung lokong yun ah! Di ba sya sasabay?" Tanong muli nito.
"Naku! Wag mo na problemahin yung mokong na yun, di ka nya lolo para alalahin mo sya." Simula uli ng panunukso ni Cloud.
"Gago! Sa gwapo kong tong mukha na akong lolo?! Huh!?" Sabi pa nito na inarko pa ang daliri sa baba.
"Patingin nga!" Sabi naman ni Cloud. Sinipat sipat pa ang mukha ni Ace na animo hinahanap ang anggulong gwapo nga ito.
"O,ayan! Kita mo, kita mo" pangungumperma naman ni Ace na inilapit ang mukha kay Cloud ba animo pinagmamayabang na gwapo nga sya.
"San banda?" Asar na tanong nito.
"Ito ohh!" Turo nito sa mukha.
"Ang hirap hanapin dude! Tangina paki hanap naman!" Sabi nito sabay waksi sa mukha ni Ace.
"Aray! Gago! Pag tong gwapong mukha na to nagasgasan makikita mo!"-Ace"Wag kang mag alala matagal ng gasgas yan kaw lang tong GGSS e!" -Cloud
"Hoy! Pati nanay ko nagsabing gwapo ako" pagmamayabang ni Ace.
"O e di GGSA ang nanay mo"-Cloud
"Ano yun?" Takang tanong ni Ace.
"Gwapong Gwapo Sa Anak! Hahahaha" sabi ni Cloud sabay takbo patungo sa parking lot.
"Gago! Bumalik ka dito!" Sigaw naman ni Ace na hinabol ang kaibigan. Parang walang pakialam naman si Draco sa kulitan ng dalawang kaibigan, kanina pa sya panay check sa kanyang Cellphone, kanina nya pa ito hawak hawak mula nung lumabas sila ng cafeteria at di mapakali. Kanina pa nya gustong tumawag kaso nag aalangan siya.. kanina nya pa gustong mag txt kaso nagdadalawang isip siya. Hanggang ngayon di mawala sa isip niya ang nangyaring yun. Habang tumatagal, mas lalo lang lumilinaw sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ni Yumi. Ipinilig niya ang ulo ng pumapasok nanaman ang eksinang yun sa kanyang isipan. Tinampal tampal pa niya ang kanyang pisngi.
"Grrrgggggg!! Gising Draco, Gising!" Sabi niya sabay tampal tampal sa pisnge.
"Hoy! Pinagagawa mo sa sarili mo!" Sigaw ni Ace ng huminto ito sa harapan niya kakahabol kay Cloud, nasa unahan na pala nila ang sasakyan nya di man lang niya namalayang nakarating na sila sa parking area.
"Sayo na ako sasabay Dracs ha.. baka kase mamanyakin ako nitong si Ace. Nanggigigil pa naman ito sa akin" malapad ang ngiting sabi ni Cloud na naka tayo na sa tagiliran ng sasakyan ni Draco. Parang walang narinig na diri dirtso lang sa sasakyan si Draco at sumakay sa driver seat. Nagulat na lamang siya ng makitang nagsisisakayan ang dalawang kaibigan.
"Pinag gagawa nyo?" Takang tanong niya.
"Aba! Basta ako sinabihan kita sasabay ako sayo! Ewan ko dito sa isa bat nandito to" saka kumampanting umupo si Cloud sa tabi ni Draco. Napatingin naman di Draco kay Ace na nasa likuran. Ngumiti naman ang binata sa kanya at nag peace sign.
"Nasa shop kotse ko..hehe" sabi nito.
Naiiling na umayos na lamang si Draco sa pagkakaupo sa drivers seat at ini-start ang sasakyan.

My Sister and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon