Kabanata 11
Priority
Naalala ko pa ang huling beses naming pag-uusap ni Theo, and that was just because I knew that our last conversation was just me letting him go. Mahigit isang taon na rin pala ang lumipas simula noon. Hindi siya nagpaalam sa akin noong umalis siya ng Pilipinas and I was okay with it. I hurt him and gave him false hopes and it's understandable that he'd leave without saying goodbye.
"I told my mother I can't because I'm busy at ang mga tauhan na ang bahalang magwelcome sa kanya doon," ani Heather. Padabog niyang binaba ang cellphone niya at kumuha ng isang baso juice sa lamesa.
Tumawa si Cassandra. "Ang sakit naman kapag dumating siya ng Pilipinas at walang family member na nag-welcome sa kanya no."
"What, is he expecting a welcome banner or something? My cousin's a grown man. Kaya na niya iyan," Heather said harshly.
"Is he staying for good?" Si Cass.
Nagkibit-balikat lamang sa Heather. "I don't know. Baka may inutos sa kanya si Tito Dimitri."
Hanggang ngayon ay naguiguilty pa rin talaga ako sa ginawa ko sa kanya. Kung tutuusin ay dapat magalit sa akin si Heather bilang kapamilya niya ang sinaktan ko't pinaasa, katulad ng pagkamuhi sa akin ni ate Therese. Siguro dahil kaibigan niya ako ay nirerespeto na lang niya ang naging desisyon ko, kahit alam ko sa sarili kong mali ang ginawa kong pagpapaasa kay Theo.
"Nasaan pala si Basty ngayon, Macy?" biglang tanong ni Cassandra.
Nag-angat ako ng kilay. Hindi ko maintindihan bakit biglang nasali si Basty sa usapan gayong ang pagbalik ni Theo ang topic dito. Sabagay, they have something in common.
Parehas ko silang nasaktan.
I suddenly realized that I haven't told my friends about my 'petty' row with Basty. Hindi lang dahil ngayon lang ulit kami nag-usap ng mga 'to pero dahil hindi ko talaga binanggit.
"Malay ko," sagot ko, trying hard not to let the bitterness drip from my voice but my tone betrayed me.
Nanliit ang mata ni Cassandra, si Heather ay napabaling sa akin.
"Malay mo? What happened, nag-away kayo?" Heather, asking the obvious.
I bit my lower lip before speaking. "I asked for space. I don't know. Ewan. Bahala siya." Nakatingin lang ako sa baso na may lamang juice habang sinasabi iyon.
I want to let them see that this not at all bothering me, even though it slightly is. And that this is fine and this is what I needed, pero mukhang opposite ang pinaparating ko sa kanila.
Umiling ng umiling si Cassandra. Eksaherada at pinapahalata ang pag-iling na iyon.
"Just make sure na hindi masyadong maraming space iyang hinihingi mo. Sige ka, before you know it, a flock of girls will fill in that space you're talking about. You know what I mean, Macy," aniya at humalakhak.
Natahimik ako. I trust Basty but then what Cassandra said hit me like a bullet train. Saksi ako sa mga babaeng naghihintay ng tiyempo at naghihintay ng pagkakataon nila at sa ginagawa kong ito ay parang binigay ko sa kanila ang pagkakataon na iyon! Images of a broken hearted Basty getting over me by using the girls that are head over heels for him flashed through my head. Paano kapag sa ginawa kong ito ay makahanap iyon ng iba?
Damn! I should stop watching a lot of soap operas! Marami na kaming napagdaanan ni Basty at ngayon pa ba magiging mababa ang tingin ko sa kanya para maisip na kaya niyang gawin sa akin iyon?
"Basty's not like that," I defended.
Cassandra chuckled. "Of course, of course, let's say na hindi nga siya ganoon. But, Macy dear, he is still a man in his sexual prime driven by desires! He can be tempted and at the end, cheat. At sa mukha't katawan pa naman ng boyfriend mo na iyan, you can't just tell the women around him to back off just so he won't get tempted."

BINABASA MO ANG
Playful Melodies Book 2: Precious Miracles
Roman d'amourJust as soon as Macy and Basty are starting to write their ending, unexpected things are also starting to hinder their happily ever after. Akala nila'y tapos na ang mga problema, tanggap na si Macy ng pamilya ni Basty, unti-unti ay natatanggap na ng...