Kabanata 19
Envy
I am damn nervous.
Tahimik ako sa sasakyan na kasalukuyang pinapaaandar ni Basty patungo kila Megan. Megan’s family has a mansion here in Manila, iyon ang sinabi sa akin ni Basty noon at pupunta na kami ngayon doon. Gusto kong umurong because technically, it’s the Alfaros we’re talking about and whether I like it or not, it’s their household kaya pwede nila akong paalisin doon.
Pinatulog naming dalawa si Dominic bago umalis at hinabilin namin siya sa kanyang nanny kanina. I also messaged Lilah about that and she immediately called me to ask how our day went and if Dominic was a pain in the ass. I said no and said that we had a lot of fun with him. Sinabi ko na rin ang binili ni Basty para sa kanyang anak na parang ako’y ikinahiya ko rin, she even wants to pay him for it. She asked his bank account information at maglalagay na lang daw siya ng pera. I already know Basty won’t let her pay kaya sinabi kong hayaan na lang niya.
“Papalayasin nila ako doon, Basty,” subok ko, baka sakaling maisip niyang hindi ito magandang ideya.
Last time, medyo hindi okay sa kanya na bisitahin ko si Megan. Given the situation. Now, he’s okay with it.
“Aalis din ako, kung ganoon.”
I sighed. Mukhang wala na akong magagawa.
We entered inside an exclusive subdivision. Kaunting bahay lang ang nakikita ko and all look so grand. Bumukas ang isang puting gate at pinarada ni Basty ang sasakyan sa malawak na parking lot.
The house is huge, as expected. Kagaya ng sa amin ay may nagbabantay na security guard at may nakikita akong ilang kasambahay. Some of them are watching us. No, they are watching me. They are probably curious as to why I am here because it’s their first time seeing me. At kasama ko pa si Basty! Na paniguradong ilang beses na nilang nakikitang bumibisita dito. I then wonder how they see Basty as. Iniisip kaya nila na may relasyon si Basty sa amo nilang si Megan?
Umikot ang mata ko sa paligid. The house has a fine panoramic view of a lake. There’s a garage that can probably fit more than three cars and there’s also a spacious courtyard.
A woman in her late 50s went out from the large door and I already know who it is. Wearing a sky blue dress hugging her body, black pumps and sporting a half ponytail, she does not look like her age. Megan is the younger version of her and I think she probably look a lot more like her and dresses like her when she was our age.
Kumunot ang noo Mrs. Alfaro sa akin. Basty then held my hand and gently pulled me towards his body. Bumaba ang tingin ng nanay ni Megan sa kamay naming magkahawak.
I know. Ako na ang magsasabi, uunahan ko na siya. Ang kapal naman talaga ng mukha kong pumunta dito sa pamamahay nila.
“You really did bring her,” bulong iyon pero rinig na rinig ko. I think she made it seem that way. Humalukipkip siya’t umiling-iling.
“Where’s Megan, Tita?” Basty ignored Mrs. Alfaro’s comment.
She scoffed. “Sa tingin mo hahayaan kong makita ka ni Megan na kasama iyan?”
Napalunok ako. Basty gripped my hand tighter this time like Mrs. Alfaro would say something that will make me run away from him. Binalingan ko siya ng tingin. Kung wala lang kami sa pamamahay nila ay magsasalita na ako. I will tell her that Megan is my friend and I just want to visit her kaya nandito ako. I don’t want to start an argument. Although hindi ko siya masisisi. My presence here is enough to provoke him. Dapat hindi na ako pumunta dito!
“Why did you have to bring her here?”
“Tita-”
“Macy!”
![](https://img.wattpad.com/cover/131793272-288-k79076.jpg)
BINABASA MO ANG
Playful Melodies Book 2: Precious Miracles
RomansaJust as soon as Macy and Basty are starting to write their ending, unexpected things are also starting to hinder their happily ever after. Akala nila'y tapos na ang mga problema, tanggap na si Macy ng pamilya ni Basty, unti-unti ay natatanggap na ng...