Kabanata 25

452 14 1
                                    

Kabanata 25

Responsibility

Dahil late akong natulog ay late rin akong nagising kinaumagahan. Magaling, Macy! Nang nakita ko kung anong oras na ay mabilis akong dumiretso sa CR para magshower at mag-ayos. Pasado alas nuwebe na at hindi ko naman alam kung anong oras kami dapat pupunta sa site pero ang sinabi sa akin ni Felix ay umaga daw.

Isang kulay maroon na tshirt at ripped jeans ang kinuha ko sa aking maleta. Nagsusuklay ako ng basa kong buhok at kinuha ko na rin ang blow-dryer na nakalagay sa kulay itim na dresser. I checked my phone and saw missed calls from Felix.

Felix:

Papunta na ako sa site ngayon.

And that was sent one hour ago noong tulog pa ako! Sinapo ko ang aking noo.

Tinignan ko ang mga maleta. I had already decided. Aalis ako dito sa bahay ni Basty ngayong araw. Ano ang gagawin ko mga gamit ko ngayon? Dadalhin ko na ba sa site? O iwan ko na lang muna at balikan ko na lang mamaya? Sayang naman sa oras iyon at pamasahe! But then it would be a hassle if I decided to bring it with me.

Ako:

Felix, I’m so sorry. Late na akong nagising.

“Good morning, Ma’am,” binati ako ng isang katulong pagkalabas ko ng kwarto ni Basty.

Ngumiti ako at bumati pabalik. Naisip ko ang magpagawa na lang ng to-go na breakfast para makain ko sa sasakyan habang papunta doon. Nakakahiya pero ayaw kong paghintayin si Felix ng mas matagal. Ang mga bag ko ay babalikan ko na lang siguro kaysa sa dalhin ko pa iyon.

Pumasok ako sa kusina. “Aling Delfina.”

Pero napatalon ako at napaatras nang hindi si Aling Delfina ang nakita ko sa kusina. Nakita ang likod ng iisang taong doon. Nakasuot ng itim na tshirt at grey na short pants at nagluluto ng mabangong agahan. Likod pa lang ay alam ko na kung sino iyon. Humarap siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko bago siya magsalita.

“Morning,” he said at nilagay ang nilutong bacon sa isang plato.

Marami-rami na ang naluto niya. Nakita ko nakalagay sa mga plato ang hotdog, bacon, ham, itlog, sausage, at fried rice. Inangat ko ang tingin kay Basty. Why is he here?

“B-bakit ka nandito?” Tinikom ko ang bibig, ikinahiya ako pag-utal. That’s because I am shocked, alright. I did not expect this, at all. Kailan siya nakarating?

He pouted his lips before answering my question with one annoying answer.

“It’s my house.”

I gritted my teeth. Umirap ako sa kawalan. “Sinusundan mo ako?”

Humalakhak siya na nagpairita lang sa akin lalo. Pinatay niya ang electric stove at dumiretso sa kanilang ref. “What do you want to eat? May cereal, oats… hmm... do you want coffee?”

“Basty,” banta ko dahil hindi niya sinasagot ang tanong ko.

He sighed. Binalingan na niya ako ng tingin at tinagilid ang ulo. “Hindi kita sinusundan. I have work here.”

Nagtaas ako ng isang kilay. He expects me to believe that? Nagkaroon siya bigla ng trabaho dito kung kailan may trabaho rin ako dito? That cannot be a coincidence. Sinusundan niya talaga ako.

Umupo siya sa highchair sa tapat ng lamesa at inimuwestra niya sa akin ang tabing upuan. Tinapik niya iyon nang hindi ako gumalaw mula sa kinakatayuan ko. Nagtinginan kami. Does he expect me to sit beside him? I can’t believe this. Hindi ko inasahan na magkikita kami dito sa Cagayan de Oro gayong alam kong abala siya sa kanyang trabaho sa Manila at yes… dahil break na kami at hindi dapat niya ginagawa ito. I told him to leave and he did. Akala ko iyon na iyon, na tapos na, pero nandito siya ngayon at parang wala lang nangyaring ganoon sa amin. May topak ba ‘to?

Playful Melodies Book 2: Precious MiraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon