DISCLAIMER: This is not edited, so expect some grammatical and typo error. This is not based on true life story, this is from author's imagination.
It contains trigger warning. Read at your own risk.
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
6 AUGUST 2019, 7:00 AM
SETTINGS: SCHOOL
POV: LUCY REZELUnang araw ko ngayon sa kolehiyo. Pagbaba ko palang ng jeep kitang kita ko na ang pangalan ng eskwelahan namin.
Etong eskwelahan na 'to ay pagmamay-ari ng pamilya ng childhood bestfriend ko, dito kami nag-elementarya at nag-high school pero nung 16 ako, nagkaroon ako ng sakit sa puso at kailangang operahan. Umalis kami ng pinas upang ipagamot sa ibang bansa. Anyway, 3rd college na ako. Nag advance study na ako sa ibang bansa kaya no problem.
BARRAMEDA ACADEMY
Napakalaki ng school na 'to at tiyak kong maliligaw ang mga transferee dito, buti na lang kabisado ko pa din ang pasikot sikot dito. 2 years din akong nawala at eto nagbabalik.
"Lucy!!!!" bumalik ang wisyo ko ng may tumawag sakin, paglingon ko...
"Welcome back, bestfriend!" si Oliver. Siya yung tinutukoy kong bestfriend ko, pagmamay-ari nila ang eskwelahan na 'to.
"Salamat bestfriend" sabi ko sabay yakap sa kanya, namiss ko 'tong bestfriend ko.
"Akala ko magsusuot ka na naman ng napakalaking salamin eh tapos nakaponytail kang dalawa tapos-- aray" ang OA naman magkwento neto ayun binatukan ko.
"Masyado kang OA magkwento, nakasalamin lang ako noon pero hindi nakaponytail ng ganon, ano ako elementary?" sabi ko.
"Joke lang naman haha tara na" sabi nya sabay akbay sakin. Habang naglalakad kami, doon ko lang napansin na pinagtitinginan kami.
"Transferee yan diba?"
"Kabago bago ang landi na"
"Kung makayakap ka Fafa Oliver akala mo girlfriend"
"Akala mo kung sinong maganda"
Kung magbulungan naman 'tong mga 'to akala mo nasa palengke. Naririnig ko kaya.
"Baka 'di ka nila nakikilala. Alam mo naman maraming bago dito, tsaka ang tagal mo ding nawala noh nami-miss ka na ni mama." sa bagay, may point sya.
"Ako din, namiss ko din sila tsaka ang buong school" sabi ko.
"Tara na nga, ihahatid na kita sa room mo" at sabay kaming nagtungo sa building namin.
Nakarating na kami sa classroom namin and sad to say 'di ko classmate si Oliver.
Pagpasok ko palang ng room nakatingin na sila sa akin nang matalas na para bang pinapatay nila ako sa isip isip nila.
"Okay class, may bago kayong classmate. Actually hindi na siya bago dito, kakabalik lang niya from London" wika ng aming guro sumenyas naman siya para papasukin ako. May naririnig ako bulong parang sinasabing wala silang pake pero di ko na lang pinansin.
Yes, kilala ako dito sa school noon dahil nerd pa ko dati at laging nabubully. Mas lalo nila akong nakilala noong sumali ako sa Ms. BA 2017, pero hindi ako nanalo kundi si Alisson.
"Hi! I'm Lucy Rezel, 21 years old" pagkatapos kong ipakilala ang sarili ko ngumiti ako sa kanila pero parang wala silang nakikita.
"Oh siya iha, you can sit wherever you want and feel free" wika ng aming guro, ako'y tumango lamang.
Hindi masyadong nagturo ang mga prof namin dahil nga'y unang araw ng pasukan.
9:00 AM
Wala ang next na prof namin kaya napagpasyahan kong tumungo sa c.r. Habang ako'y nasa kalagitnaan ng aking paglalakad may humigit sakin papasok sa c.r at nilock ang pinto nito.
"Bakit ka pa bumalik ha? Maayos na kami dito at nananahimik na" si Alisson, kaibigan ko siya i mean namin ni Oliver dati pero bigla na lang nagbago ang pakikitungo nya samin dalawang taon na ang nakakalipas.
"Alisson, gusto ko lang namang mamuhay ulit ng matiwasay at magbagong buhay" nararamdaman kong naluluha na ako pero pinigilan ko, hindi pwedeng makita nila akong mahina dahil alam kong gagamitin nila iyon upang wasakin ako ulit.
"Tingin mo magiging okay ulit ang lahat? At nagbago ka pa talaga ng look ha. Ikaw pa din naman yung loser na nerd na kilala dito sa school"
"Ano bang sinasabi mo? bumalik ako paraㅡkay Chesca. Nangako ako sa kanya na tutuparin ko ang pangarap naming dalawa." muling nanumbalik ang mga alaala noon.
"Pangarap nyo? o pangarap mo lang? alam mo parehas kayong malandi" akmang sasampalin na nya ako ng biglang tumunog ang speaker.
"The afternoon class is suspended. Again, the afternoon class is suspended."
Ano kayang meron, bakit suspended ang klase?
"As of now, maswerte ka pero di tatagal magiging impyerno ulit ang buong buhay namin at dahil yon sayo!!!" wika nya bago umalis, napatulala ako sa mga sinabi ni Alisson, tama sya baka mali nga na bumalik ako dito pero nangako ko kay Chesca at hindi ko sya bibiguin.
Agad akong nagtungo sa classroom upang kunin ang bag ko ngunit nakita ko si Oliver papalapit sakin dala ang aking bag.
"Saan ka galing? Bakit namumula yang braso mo? Nagkita ba kayo ni Alisson? Sinaktan ka na naman ba niya?" sunod sunod na tanong ni Oliver, sasagot na sana ako nang tumunog ang phone nya at sinagot iyon.
"Uwi na tayo" tipid kong sagot sa kanya matapos nyang sagutin ang tawag. Tinalikuran ko na sya at umuwi mag-isa.
4 HOURS LATER
Kasalukuyan akong nasa dorm ar naglalaro sa aking laptop nang may marinig ako kalabog sa baba. Kinabahan ako dahil ako lang mag-isa at sigurado akong magnanakaw iyon. Naglakas loob akong bumaba upang bumaba ang kumpirmahin ang kutob ko, ngunit pagbaba ko wala akong nadatnan na tao pero makalat dito at may tubig.
Teka tubig? Bakit may tubig dito at ang sangsang ng amoy?
Binuksan ko ang ilaw at doon na lamang ako nagulat sa nakita ko.
Isang patay na pusa na durog na durog ang mukha. Sa takot ko, nagtatakbo ako palabas tsaka tinawagan si Oliver at ipinaalam ang nangyari.
"Baka may nanti-trip lang sayo? o baka naman pakana 'to ni Alisson" wika ni Oliver.
"Hindi ko alam, Oliver." wala sa sarili kong tugon.
"Napalinis ko na yung kalat sa dorm mo, wala na yung pusa, pwede ka na ulit pumasok. Sigurado ka bang ayaw mo sa bahay matulog ngayong gabi?"
"Thank you, Oliver ha. Okay na ko dito. Kung wala ka baka nabaliw na ako sa sobrang takot."
"No worries, basta ikaw. I have to go na, baka hinahanap na ko nila mama, mag-iingat ka at ilock mo yung pinto mo ha." tumango ako at hinintay sila makaalis nang hindi ko na matanaw ang kotse niya tsaka lamang ako pumasok.
Ah naalala ko may inabot sakin kanina si Oliver.
"Nakita daw nila 'to sa ilalim ng mesa mo, hindi ko binasa yan baka kasi importante"
Nang buksan ko kung ano ang nakasulat, nagtataka ako kung anong ibig sabihin.
"Let's start the game"
-A
BINABASA MO ANG
The Game of the Death
Misterio / SuspensoThe dead person should rest in the afterlife, but, is it possible for the dead to be resurrected? date started: 2019