16

2 0 0
                                    

POV: CHESCA

Punyeta!!! Nabulilyaso na naman ang plano!! Okay na eh, ipuputok ko na yung baril eh, may nangialam pa kasi!!


"Hindi mo ba sila hahabulin?" tanong ni Nathan.


Tumayo ako at kinuha ang baril. Naghiwalay kami ng daan ni Nathan para mapadali ang paghahanap namin. Nahihilo na ko pero hindi pwedeng pumikit ang mata ko nang hindi sila nagbabayad!


Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng makarinig ako ng kaluskos di kalayuan sa kinatatayuan ko. Unti-unti akong lumapit habang hawak ang ulong dumudugo.


Kinasa ko ang baril at itinutok sa kung nasan sila Lucy. Halos maubos ko na ang bala wala pa ding lumalabas na Lucy, kaya agad akong lumapit at nakita ko isang patay na pusa.


"Hmmmm, I'm sorry kitty! Nadamay ka pa, hayaan mo ipapalibing kita mamaya, okay!" ngumisi ako at napaupo, nababaliw na nga siguro ako. Pati patay na pusa, kinakausap ko.


Naglakad lakad pa ako ng kaunti hanggang makarating ako sa silid kung saan nilagay ni Nathan ang mga bangkay ng ibang estudyante.


"Oliver" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa walang buhay na si Oliver.


"I'm sorry! Kung hindi mo kasi kinaibigan 'tong si Lucy, edi sana hindi ka na nadamay pa! Pero ayos lang, wala ka din namang kwenta!" sinipa ko ang katawan niya at nakita kong nagpagulong gulong ang ulong humiwalay sa katawan niya.


Napaiyak ako habang nakahawak sa aking dibdib, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Habang nakatingin sa mga bangkay na nasa harap ko, hindi ko maiwasang maawa. May puso pa din naman ako. Bumalik ako sa wisyo ko ng tumawag si Nathan.


"Ano?"


["Nasa theater room sila"]


"Sige, susunod ako" pinunasan ko ang mga luha ko tsaka agad na nagtungo sa theater room.


Nang makarating ay inilibot ko ang aking paningin sa silid at nagkunwaring walang nakita. Alam kong sisilip sila kaya hindi ako agad umalis. Hindi naman ako nagkamali, agad silang lumingon kung umalis ako. Ang tanga lang nila, nakita ko tuloy sila.


"Sa tingin nyo ba matatakasan nyo ko?" sabi ko habang nakatutok sa kanila ang aking baril.


"Phoenix, Lucy, Takbo!!" sigaw ni Joy. Nagpakawala ako ng bala sa taas para bigyan sila ng babala at bigyan ng hudyat si Nathan.


"So isa ka na din palang pakialamera. Sa bagay, magkaibigan kayo ni Lucy." sabi ko habang prenteng nakatingin kay Joy.


"Bakit mo ba 'to ginagawa, Alisson?" tanong niya.


"Revenge, i guess." sabi ko.


"Tama na, Alisson. Pakawalan mo na kami, madami na kayong napatay" pagmamakaawa ni Joy.


"Tama na?" ngumisi ako. "Tingin mo ba ganon lang kadali? Dapat ka na ding manahimik"


"Aliㅡ" hindi na ko nagulat ng makita ko si Nathan sa likod ni Joy na nakahiga na ngayon sa sahig.


"Buhatin mo na 'yan, ako na maghahanap sa dalawa"


Agad akong naglibot upang makita sila Lucy at Phoenix. Nang hindi ko sila makita ay bumalik ako sa silid kung saan nilagay ni Nathan si Joy. Pagdating ko ay tulog pa din si Joy kaya naghintay pa ako. Pagkagising niya, agad akong lumapit.


"Buti naman at gising ka na" wika ko habang nakaupo sa harap ni Joy.


"Tinatanong mo ako kanina kung bakit ko 'to ginagawa? Nakakalimutan mo na ba ginawa nyo 3 years ago?"


"Ano bang sinasabi mo?"


"So tanga ka na ngayon?" kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'to.


"Kayo lang naman ang dahilan kung bakit ako namatay" nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Lumapit ako para kalasan siya.


"Gusto kong maglaro ng habul-habulan. Ikaw gusto mo rin ba? HAHAHAHAHA" umiling iling lang sya.


"MALI!!!!" sigaw ko.


"Dapat ang sagot mo, OO! GUSTO KO" lumapit ako sa kanya at kinalas ang kadena nya.


"Tara laro na tayo, takbo ka tapos hahabulin kita pero dapat pagbilang ko ng 3 nakatakbo ka na kundiㅡ" nilabas ko ang palakol kong dala at pinakita sa kanya.


"ㅡmatatapos agad ang laro. Ayoko naman ng ganun kabilis" nung narinig kong umaatras na sya, tumungo ako at ngumiti.


"Isa"


"DEMONYO KA!!!" pagsigaw nya habang umiiyak.


"DALAWA" sigaw ko.


"Tama na, itigil mo na 'to. Wala akong kasalanan sayo. Bakit mo ba 'to ginagawa?" wika nya habang umiiyak


"Ang bagal mo naman HAHAHAHAHA ㅡTATLO!!!!!" akala mo ba makakatakas ka sakin.


"Tulong!!!" sigaw nya. HAHAHAHAHA akala ba nya may makakarinig sa kanya.


"Kahit kailan talaga napakabagal mong kumilos" wika ko habang hawak ang buhok niya.


"Maawa ka sakin. Huwag mo kong patayin, ayoko pang mamatay" pagmamakaawa nya.


"Kayo ba? Naawa ba kayo sakin noong humihingi ako ng tulong? Noong panahong binubully ako ng tinuring kong kaibigan?" bulong ko sa kanya.


"A-anong sinasabi mo dyan?" nanlaki ang mata nya ng ilabas ko ang palakol na hawak ko.


"Hindi nyo alam ang pinagdaanan ko sa loob ng isang buwan sa kamay ng babae 'to"


"Please, maawa ka. Magiging kakampi mo na ko ngayon" akala ata neto bobo ako.


"Masyado ka nang madaming nalalaman. Sorry girl HAHAHAHA Game over ka na"


"Ahhhhhh!!" sigaw nya habang hinihiwa ko ang kanya leeg hanggang humiwalay sa katawan nya ang kanyang ulo.


"Yak" react ko ng tumalsik sakin ang kanyang malansang dugo..


"HAHAHAHAHA hindi pa tapos ang laro. Magsisimula palang tayo HAHAHAHAHA"

The Game of the DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon