13

5 0 0
                                    

POV: CHESCA

"Hoy, Chesca!" napalingon ako sa tumawag sakin.


"Balita ko, kayo na ni Nathan" tanong ni Alisson.


"Ah, oo, bakit?" tanong ko.


"Nothing" sabi niya sabay alis.


Nagkibit balikat lang ako at nagtungong library.


"Hi, Love, happy monthsary" bati ko kay Nathan habang hawak ang cake.


Naging masaya kami ni Nathan sa loob nang siyam na buwan. Simula nung maging kami ni 


Nathan, lagi na lang akong sinasaktan ni Alisson, hindi ako makapalag dahil hindi naman ako makapangyarihan tulad niya.


"I told you to stay away from Nathan!!" sabi ni Alisson habang sinabunutan ako.


"Alisson, bitawan mo ko. Nasasaktan ako!" sabi ko.


"Sana inisip mo 'yan habang nilalandi mo si Nathan. Mang-aagaw ka!!"


"Wala akong inaagaw sayo!"


"Bitch, di pa ba obvious na si Nathan ang inagaw mo!"


Sa sobrang pagkabaliw ni Alisson kay Nathan, dumating sa point na kinidnap ako ni Alisson at dinala sa di pamilyar na lugar.


"Iuwi mo na ko, Alisson" pagmamakaawa ko.


"Alam mo bang, ang sarap ni Nathan sa kama." nanlaki ang mata ko sinabi niya.


"Ni hindi ka man lang niya hinahanap. Isang buwan ka nang nawawala. Ni isa walang naghahanap sayo, kawawa ka naman!" yumuko ako habang umiiyak.


"Itigil mo na 'to, Alisson. Please lang!"


"Yung bestfriend mong si Lucy, may iba nang bestfriend. Nag-iisa ka na lang ngayon!" di ko na mapigilan ang sarili ko kaya nagpumiglas na ko.


"Ano ba, Alisson. Naiinggit ka ba sakin kaya lahat ng meron ako, kinukuha mo!!" sigaw ko, lumapit siya sakin at sinampal ako. Kinuha niya ang buhok para kaladkarin papunta sa sulok.


"Alam mo, never akong maiinggit sayo. Look at yourself! Nerd, Ugly and Poor. Kaya bakit ako maiinggit!" sinampal niya ako ulit, hindi niya ako tinigilan. Nang mapagod siya ay binitawan niya ko, ako naman ay hinang hina kaya nawalan ako ng malay.


Nagising ako sa pagbukas ng pinto. Si Alisson ay may kasamang tatlong kalalakihan at lumapit sakin.


"Eto ba? Mukhang fresh pa ah!" sabi ng isang lalaki habang hinahaplos ang mga hita ko. Nagpumiglas ako kaya sinampal ako ni Alisson.

The Game of the DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon