7 AUGUST 2019, 5:50 AM
SETTINGS: LUCY'S DORMHindi ako masyadong nakatulog dahil doon sa note na binasa ko kagabi. Ano bang ibig sabihin non? Hindi kaya si Alisson talaga ang may pakana non. A din kasi ang initial na nakalagay sa note.
Hindi ko na namalayan na alas sais na pala ng umaga, kailangan ko na mag-ayos para pumasok sa school.
Wala pa din ako sa sarili ko hanggang makarating ako sa school, nagulat ako nang may umakbay sakin.
"Tulala ang bestfriend ko ah, inaalala mo na naman ba yung kagabi?" tumango ako biglang pagsagot.
"Hayaan mo na yon, baka pinagti-tripan ka lang nang kung sino, tara? hatid na kita sa room mo" hinila na niya ako at nagpatianod na lamang ako.
9:00 AM
Hanggang sa ma-dismiss ang klase ko ay lumilipad pa din ang isip ko, daig ko pang nakashabu eh.
Habang naglalakad ako sa hallway...
"I'm sorry" sabay naming wika.
"Lucy/Nathan?"
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, hindi ako makapaniwala na nandito pa din pala siya matapos ang nangyari 3 years ago.
"Nandito ka pa din pala" wika ko.
"Kakabalik ko lang din kanina at eto nakapasa ako. Ikaw? kumusta ka na? Magaling ka na ba?" wika nya.
"Oo, magaling na ko 'di na tulad ng dati" ngumiti ako at ganoon din sya.
"Hindi ka pa din nagbabago, maganda ka pa din"
"Ha?"
"Wala, ang sabi ko gusto mo bang kumain?" bigla akong nagutom sa tanong nya.
"Sure, nagutom din ako bigla" wika ko bago naunang maglakad.
SETTINGS: WCDO
Nandito kami ngayon sa paboritong kainan namin noon nung highschool kami, tsaka eto kasi pinakamalapit sa school.
"Hindi ko akalaing babalik ka din dito after what happened 3 years ago." putol ko sa katahimikan.
"Ako din eh, akala ko din. Pero napagisip isip ko, tapos na yon at matagal nang nakalibing sa lupa." ramdam ko ang lungkot sa mga mata nya, kahit ako ay nalungkot din.
"Nagkita na ba kayo ni Oliver or ni Alisson?" tanong ko.
"Si Oliver, nagkita kami kanina nagkamustahan pero si Alisson nakita nya ako pero di nya ko nilapitan" sagot nya.
Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ni Alisson, malapit namin syang kaibigan noon, pero isang araw bigla na lang syang nagbago.
Matapos ang paguusap namin ni Nathan, hinatid nya ko sa dorm ko.
"Salamat sa paghatid Nath-" di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi may nakita akong familiar na babae.
"Lucy, ayos ka lang? Para kang nakakita na multo. By the way, yung satin noonㅡ"
"Wala na 'yon, ayos na sakin. Tsaka matagal na panahon na 'yon, kalimutan na natin"
Nanligaw na sakin noon si Nathan, pero hindi din nagtagal binasted ko sya at naging sila ng bestfriend ko noon.
BINABASA MO ANG
The Game of the Death
Mystery / ThrillerThe dead person should rest in the afterlife, but, is it possible for the dead to be resurrected? date started: 2019