5 DECEMBER 2019, 7:30 AM
SETTINGS: SCHOOL
POV: PHOENIX VALEXIASimula nung araw na makita namin si Sir Garcia na wala nang buhay, lagi nang tulala si Lucy. Sino ba naman kasing hindi mato-trauma doon, nakausap pa namin 'to bago pumunta sa party.
And yes, nagtatagalog ako. Tinuruan ako ni Lucy, although nakakapagsalita naman talaga ako ng tagalog noon pa man.
"Alam mo bang may nawawala na naman daw na estudyante?"
"Ah oo, taga section 5A daw ulit. Ang alam ko nga nakita na siya pero patay na"
"Kawawa naman, graduating pa naman sila"Kalalaki kong tao, tsismoso ako. Pero tama naman sila, simula nung araw na makita namin si Sir Garcia ay lagi nang may nawawalang estudyante and most of them are from 5A which is graduating nga.
Nakita ko si Lucy naglalakad papasok ng campus, nagtungo naman ako sa kaniya.
"Hi" pagbati ko na may ngiti sa labi, ngumiti lang siya at nagdire diretso maglakad. Nagkamot ako ng ulo bago siya sundan.
"Hindi ka na naman ba nakatulog ng maayos?" tanong ko sa kaniya at umiling lang siya.
"Kumain ka na ba?" tanong ko ulit pero di siya sumagot kaya hinila ko siya papuntang canteen.
Bumili ako ng pagkain at inilapag iyon sa mesa pero tinitigan lang niya ito.
"Eat, hindi yan mauubos nang tinititigan mo lang" tinitigan ko lang siya habang kumakain, napansin niya ata kaya tumigil sa pagsubo.
"What?" finally nagsalita din, umiling ako at ngumiti siya naman ay nagpatuloy lang sa pagkain. Nangayayat siya at malaki ang eyebags pero kahit ganon pa naman, maganda pa din siya.
Matapos niyang kumain ay dumiretso na kami sa classroom at sakto walang prof. Konti lang ang mga nakakaalam about sa mga nawawalang students, kaya hindi nakakapagtaka kung bakit wala pang umaalis dito sa school.
The day had passed and thank God, wala nang natatagpuang patay na student ng BA. Umo-okay na din si Lucy at eto nakasandal sa balikat ko naglalaro ng Mobile Legends kasama si Oliver.
Our base is under attack
"Shet naman, sabi sayo dapat ginamit mo na lang si Gusion eh" dabog niyang wika habang naka-pout. Hehe ang cute niya.
"Sorry na, malay ko bang hindi iba-ban 'yon" sagot ni Oliver.
"HINDI MO BA ALAM NA MAS MAHAL PA 'TO SA BUHAY MO HA!"
Sino na naman 'tong sumisigaw na 'to. Pagkadungaw ko sa bintana, si Alisson na naman pala. Nagulat ako nandon si Lucy kaya sinundan ko.
"Alisson, tama na" pag awat ni Lucy dahilan para itulak siya nito.
"Gusto mo ikaw na lang saktan ko ha. Bakit ka ba kasi nangingialam ha, nagkukunwari ka na namang mabait." akmang sasampalin niya si Lucy pero kinabig ko ang kamay niya.
"Don't.You.Dare.To.Hurt.My.Girl" diin kong wika.
"Prince charming ha? Magsama kayo ng bitch na y-" bago pa niya matulog ang sinabi niya sinampal ko na siya.
"Watch your words, Alisson" nakita kong may gasgas si Lucy kaya binuhat ko na siya paalis doon at si Alisson di pa din makapaniwala sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
The Game of the Death
Mystery / ThrillerThe dead person should rest in the afterlife, but, is it possible for the dead to be resurrected? date started: 2019