2 DECEMBER 2019, 8:00 AM
SETTINGS: SCHOOLSa mga nagdaang buwan, ganon pa din ang nangyayari sakin. Mga notes na may nakasulat na letra, nalilito na nga ako kung para saan iyon eh.
"Boo!" paggulat sakin Phoenix.
"Ano ka ba naman, Enix" hindi naman ako ganon nagulat pero bumilis yung pagtibok ng puso ko.
Naging close na din kami ni Enix dahil araw araw nya akong binubwiset kasama ni Oliver.
Si Nathan naman ay lumipat ng school, hindi ko din alam kung bakit. Wag ako ang tanungin nyo hahaha.
"HAHAHAHAHA your expression is priceless HAHAHAHAHA" inirapan ko siya tsaka sya nilagpasan.
"Pasukan sana ng langgaw yang bibig mo" sigaw ko sa kanya at pakiramdam ko tumigil siya sa pagtawa. Natakot ata mapasukan ng langaw sa bibig.
9:00 AM
Habang nagkaklase panay pa din ang kulit netong mokong na 'to. Binabato niya ako ng papel at binabalik ko sa kanya ang mga 'yon. Sa sobrang inis ko, chinat ko siya.
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
ENIX KULANGOT •
active now
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ"ANO BA, DI KA BA TITIGIL HA?"
"HAHAHAHA Sorry na"
"IBABATO KO TALAGA SAYO 'TONG POWERBANK MO"
"Wag, masakit yan"
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
'Di ko na siya nireplyan pero binato niya ako ulit, pinandilatan ko siya ng mata tsaka binato sa kanya yung papel.
"Ms. Rivera and Mr. Valexia!!!" patay.
"Sir" chorus naming dalawa.
"GET OUT OF MY CLASS AND MEET ME AFTER YOUR LAST SUBJECT"
Napapikit ako pagkalabas namin ng room, bwiset na 'yan panigurado 1 week community service 'to. Tinalikuran ko si Enix at alam ko nakasunod siya sakin, pagharap ko muntik na kong matawa kasi yung itsura nya para siyang batang napagalitan ng mama niya.
"Bakit ganyan itsura mo?" wika ko.
"1 week community service"
"Oo and thanks to you" sarcastic kong wika.
After dismissal sinabihan nga kami ni Sir Garcia na ang punishment namin ay 1 week community service at ngayon na kami magsisimula. Padabog akong nagtungo sa classroom namin at pumulot ng walis para magsimula nang maglinis.
"Oh, bakit kayo naglilinis dyan?" si Oliver.
"Pano ba naman kasi 'tong pinsan mo, kinukulit ako habang nagkaklase, ayon nakita kami ni Garcia" wika ko habang naka-cross ang mga kamay at galit na nakatingin kay Enix na ngayo'y ngingiti ngiti.
"Pansinin mo kasi sabi sayo crush ka neto eh" sabi ni Oliver.
"Cous" pagtutol ni Enix. Hay nako, tigilan nila ako magpinsan. Ako'y madami pang gagawin.

BINABASA MO ANG
The Game of the Death
Mystery / ThrillerThe dead person should rest in the afterlife, but, is it possible for the dead to be resurrected? date started: 2019