8

5 1 0
                                    

"Let's proceed to the top 3" halos mahulas na yung makeup ko sa pawis ko sa sobrang kaba.


"Contestant no." pakibilisan naman naiihi na ko ohhhhhh.


"Contestant no. 7, pasok ka sa top 3. Congratulations" may 2 pang natitira, makakapasok ka sana Lucy, nakakahiya kung hindi.


"You will be part of top 3, contestant no.ㅡ" naiihi na ko, ang tagal.


"ㅡno. 1, congratulations" shet, isa na lang. Napatingin ako kay Phoenix, mukhang di naman kinakabahan yung isang 'yon.


"And last but not the leastㅡ"


" 3 3 3 3 3 3 3" bulong ko sa sarili ko.


"Congratulations, you will proceed to the top 3, contestant no. 3" ano daw? ako 'yoooon.


"Be ready girls and boys for the Question and Answer portion" mas lalo ata ako kinabahan.


"Wag kang kabahan, baka di ka makasagot ng maayos nyan" si Phoenix, pasok din pala sya.


"Pano ka napapayag na ikaw pumalit kay Josh? Kilala kita Phoenix, ayaw mo sa ganto" aba, nagkibit balikat lang.


"Siya na lang kasi yung pwedeng ipalit kaya ako nag suggest kay Pres." sabi ni Joy.


"Go lovebirds" pagsigaw ni Gab.


"Goodluck" sabay kindat nya, mamaya na pagpapakilig ano ba hahaha.



Next na akong tatanungin, nawi-weirdohan lang ako kasi parang may nakatingin sakin, nasisiguro kong hindi 'yon galing sa audience.


"Let's call contestant no.3, please pick your question" bumunot ako sa fish bowl, yung kulay red pinili ko.


"Okay, so here's your question Ms. number 3ㅡ"


"ㅡKung ikaw ay papapiliin sa tatlo, Past, Present or Future and why?"


"Maraming salamat sa magandang katanungan, kung ako'y papapiliin, ang aking pipiliin ay Past. Bakit? dahil gusto kong itama ang mga maling nagawa noon na pinagsisisihan ko ngayon, at gusto kong ibalik ang buhay ng isa sa matalik kong kaibigan gusto ko pa siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon para mabuhay at makasama pa kami ng matagal, sabay namin tutuparin ang mga pangarap naminㅡ" hindi ko na napigilan ang aking mga luha.


"ㅡkaya sa inyong lahat, sulitin nyo na ang mga sandali na kasama nyo pa ang mga mahal nyo sa buhay, dahil hindi natin nalalaman kung anong mangyayari sa hinaharap kaya ngayon palang itama nyo na ang mga mali nyong gawain at magdesisyon ng mabuti, yun lamang maraming salamat" after kong sagutin ang tanong, narinig kong naghiyawan ang mga tao pati na din ang mga kaibigan ko.


"What a wonderful answer Ms. number 3, you may now back to your sit"



"Who will be the Mr. BA 2020? Is it Contestant no. 3 Mr. Phoenix Valexia or Contestant no. 8 Mr. Kristian Wu"


"Hindi na natin papatagalin, ang Mr. BA 2020 is none other than Contestant no.ㅡ"


"Congratulations Contestant no. 3 Phoenix Valexia, you are the Mr. BA 2020" omayghad yung jowa ko nanalooooooooooo.


"Wooooah! Kaibigan namin 'yan"
"Iuwi mo na ang korona, Lucy"
"Lucy and Phoenix for the win"


Sobrang supportive naman ng mga kaibigan namin.


"And for the Ms. BA 2020 is contestant no." kahit di na ako manalo, nanalo naman si Phoenix.


"Contestant no. 3 Congratulations Ms. Lucy Rezel for winning Ms. BA 2020" hala ako 'yon te.


"See you next year, Barramedians"


"Ang taray nyo namang magjowa, Mr and Ms. BA 2020, edi kayo couple goals." sabi ni Oliver na ikinatawa ko naman, nakaramdam ako ng para bang may nakatingin samin kaya lumingon ako sa likod, may tao kaya sinundan ko, pero pagpunta ko wala nang tao. Ang weird lang.


"What's wrong?" nagulat ako nang hawakan ako ni Phoenix sa balikat.


"Ahㅡwala, parang may nakatingin satin kanina pa eh."


"Napa-praning ka lang, baka yung mga students lang dyan, eh nanalo kaya kayo pareho." sa bagay, may point si Oliver don.


Nagpunta na kami sa bahay para magcelebrate, nakalipat na pala ako ng bahay, nabawi na kasi namin yung lupa namin don sa pinagsanglaan ni papa kaya dito na ko tumira, medyo iba na kasi pakiramdam ko don sa dati kong dorm.


"Let's celebrate!!!" sigaw ng mga iba naming kaibigan.


"Kanina ka pa tahimik ah, may problema ka noh?" sabi ni Joy, lumapit din samin si Oliver.


"Wala naman, para kasing may nakita ako kanina eh, babae."


"Pagod lang yan girl, tara na doon, magcelebrate na tayo Ms. BA"


Hindi ako namamalikmata kanina, may nakita talaga ako, pero sino naman kaya 'yon.


"Truth or Dare na dali" excited na sabi ni Joy.


"Oh Joy, truth or dare"

"Truth"

"Kailan mo pa ko crush?" pagtatanong ni Gab.


"Hoy gago, ikaw may gusto sakin hindi ako!" sigaw ni Joy kay Gab. Mukhang mga may tama na 'to, nagkakaaminan na eh.

"Aba, ako pa daw! Matagal ka ng may gusto sakin noh"

"Oh more alak!"


"Pota si Oliver sumusuka na dito HAHAHAHAHAHA"


"Hoy ang bigat mo Gab, umalis ka nga dito"


Napapailing na lang ako sa mga kaibigan ko.


2AM

*dingdong* doorbell 'yan.


"May bisita ka bang dadating?" tanong sa akin ni Joy, nakakapagtaka naman 'yon, alas dos na ng madaling araw ah sino naman kaya dadalaw ng gantong oras?


"Wala eh, pero tignan ko na lang kung sino" bumaba na ako para tignan kung sino ang nagdoorbell.


Pagbukas ko palang ng pinto, literal na nanlaki ang mga mata ko. Para akong nakakita ng multo.


"Hi Lucy, miss me?"

The Game of the DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon