11

5 1 0
                                    

The next chapters are contains of murder scenes and trigger warnings. Again, this is not based on true life stories. Read at your own risk.

ㅡ🌙🐣

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

POV: SOMEONE

Akala ko mamamatay na siya, hindi pa pala. Nasayang tuloy plano ko! Marami siyang kaibigan ngayon kumpara dati, kaya mahihirapan ako sa mga plano ko.

Uunahin ko na lang siguro ang mga kaibigan niya.

7 MARCH 2020
POV: LUCY

Today is prom namin, 5pm na kaya nag-aayos na kami.

"Ano ba 'yan, kasal ba dadaluhan mo, Alisson?" napatingin ako kay Alisson, natawa naman ako. Para talaga siya aattend ng kasal kasi puti ang gown niya.

"Wala pakealaman ng trip, ikaw nga itim suot, sinabihan ba kitang aattend ng libing?" pagbibiro ni Alisson, inirapan lang siya ni Joy. Mukhang nagbabago na talaga si Alisson dahil nakikihalubilo na siya samin.

Our boys are here na to pick us and we went to the venue.

"You look beautiful" bulong ni Phoenix. After what happen between samin, nagkabalikan pa din kami.

"Thank you." maikling sagot ko.

After they check our ticket, we went inside. Nilibot ko ang mata ko sa loob, napakagara ng venue at ang gaganda ng suot ng mga estudyante. Nawala ang pagpapantasya ko ng tawagin na kami para pumila.

"Let's welcome, our Mr. and Ms. BA 2020" Naglakad na kami ni Phoenix sa red carpet, at kumaway kaway. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

After naming maglakad sa red carpet ay nagsimula na kaming magsiupo. Naglakad sa gitna ang mga nagparticipate sa cotillon. Hindi na kami sumali dahil hindi naman kami interesado.

Nakapila kami sa buffet nung nabunggo ng isang estudyante si Alisson. Nang tinignan ko siya, nagulat na lang ako nang ngitian lang nya yung bumunggo sa kaniya.

May konting dumi na ang gown niya na mahahalata mo agad dahil nakaputi siya. Nagpaalam naman siyang magc-cr lang. Kinuhaan naman siya ni Gab ng pagkain.

Nang makabalik si Alisson, doon lang kami nagsimulang kumain.

"Huy Joy, bakit di ka kumakain?" takang tanong ko.

"Masakit kasi tyan ko eh" After naming kumain, napansin kong wala si Joy.

"Nasa banyo" bulong sakin ni Gab. Siguro may masama siyang nakain.

"Okay guys, lahat ng nakakuha ng number ay maaari lamang magpunta sa gitna" sabi ng MC, tumayo naman kami nila Phoenix at Alisson.

Nanalo si Alisson ng 1st Princess, kami naman ni Phoenix ang King & Queen of the night. Nakabalik na din si Joy sa pwesto namin at nagsimula na ang pinakahighlight ng prom.

Ang party.

Si Joy at Alisson ay nagsasayawan sa gitna na kala mo nasa bar lang. Tawa lang kami ng tawa sa kanila nang bigla namatay ang ilaw pero may tugtog pa din.

The Game of the DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon