9 DECEMBER 2019, 10:00 PM
POV: 3RD PERSONKanina pa paikot ikot sa kaniyang higaan si Lucy ngunit hindi pa din siya dinadalaw ng antok.
"Ano bang nangyayari sakin?" hinawakan niya ang kanyang dibdib kung saan naroroon ang kanyang puso.
"Hindi kaya, inlove ako?" pagkausap niya sa kanyang sarili na tila ba'y isang baliw.
"Ngayon ko palang siya nakilala, paano ako nainlove? Putcha naman oh" nagsisisipa siya sa hangin.
Sa kabilang dako naman, si Phoenix ay hindi rin makatulog, kakaisip kay Lucy.
"Ano kayang ginagawa niya? Tulog na kaya siya? Tawagan ko kaya?" pagkausap din niya sa kanyang sarili.
"What the hell am i doing? Am i crazy? Bakit ko kinakausap sarili ko?"
Tumayo ang binata upang hanapin ang kaniyang telepono. He dialed Lucy's number to call it but suddenly he stop.
"Bakit ba ako natataranta? Okay Phoenix, just relax and act normal" pagkausap na ulit sa kaniyang sarili at dali daling tinawagan si Lucy.
Halos lumabas ang puso ni Lucy sa sobrang pagkagulat nang tumunog ang kanyang telepono, nang makita niya kung sino ang caller ay agad agad niya itong sinagot.
"Hi" wika ni Phoenix sa kabilang linya.
"Nagising ba kita?" pagtanong nito.
"A-ah h-hindi, a-actually patulog p-pa lang ako. N-napatawag k-ka? May s-sasabihin k-ka?" halos magkandautal utal siya sa sobrang kaba.
"I just want to say goodnight and I'll pick you up tomorrow at 6am. Goodnight Lucy, sleepwell."
"Goodnight Phoenix" yun lang ang tangi nyang nasagot dahil pinatay na nya ang tawag. Halos abot tenga ang ngiti ng dalawa matapos ang tawag.
Kinaumagahan
Bago pa makakatok si Phoenix ay nabuksan na ito ni Lucy.
"Goodmorning" chorus nilang dalawa.
"Let's go?" alok ng binata.
"Kumain ka na?"
"H-hindi pa" sagot ng dalaga.
"Same, kain tayo. Gutom na ko eh" pagtugon ng binata.
Habang kumakain, hindi mapigilan ng binata na tignan ang dalaga habang kumakain.
"May dumi ba ko sa mukha?" takang tanong ng dalaga.
"Ah, wala. Kain ka lang" sagot ng binata habang nakangiti. Nang matapos ay nagtungo na sila sa eskwelahan.
Magkahawak kamay silang naglalakad patungo sa kanilang silid.
"Ahm Phoenix. Nanliligaw ka na ba?" halos pagpawisan ang binata sa tanong ng dalaga.
"What if I say yes? Papayagan mo ba ako?" tumango ang dalaga bilang sagot.
Halos hindi makapagfocus si Phoenix sa kanilang exam kakatingin kay Lucy.
"Mr. Valexia eyes on your paper" saway ng kanilang prof. Matawa tawang binaling ng binata ang kanyang mga mata sa papel.
Lunch Break

BINABASA MO ANG
The Game of the Death
Mystery / ThrillerThe dead person should rest in the afterlife, but, is it possible for the dead to be resurrected? date started: 2019