13 JANUARY 2020, 9:46 AM
Bigla akong napabangon sa pagkakahiga at kinuha ang cellphone ko para tignan ang oras. Kahit ma-late ako today ayos lang foundation day naman namin.
Naglakad ako papasok sa room namin, konti lang tao baka nasa booth na. Akmang matutulog ako ulit nang may humalik sa pisngi ko, paglingon ko si Phoenix lang pala.
"Tanghali ka na nga pumasok tapos matutulog ka na naman?" wika niya bago pitikin ang noo ko.
"Aray naman! Kung di mo ko iginala kagabi baka di ako tatanghaliin noh" umirap ako tsaka yumuko ulit.
"Hehe sorry na baby, sulit naman pagsundo ko sa'yo eh kasi tayo na" di ko na siya pinansin at natulog na lang ulitㅡand yes, kami na. Kagabi kasi hindi kami makatulog parehas, akala ko nga nakatulog na siya pero maya-maya nasa labas na ng dorm ko. Naglaro lang naman kami ng kung ano ano, tsaka hindi ang panliligaw ang pinapatagal kundi ang relasyon.
Nagising ako nang tumunog ang announcement speaker.
"Okay, Engineering Department Presidents, you may vote now together with your classmates kung sino ang magiging pambato nyo sa Mr. and Ms. BA 2020. Submit your candidates here at CSG Office until 7pm, okay? Have a good day and enjoy our foundation day."
Agad nagsipasok mga classmates ko sa room para magbotohan sa nasabing pageant.
"Wala nang paligoy ligoy pa, sino gusto nyo ipambato natin?" tanong ng presidente namin.
"Diba dapat si Alisson ipapambato natin dito?" tanong ng isang kaklase namin.
"Until now wala pa din silang lead kung nasan siya" sagot ng presidente namin.
Nakabusangot akong lumabas ng room namin upang magtungo sa locker room. Kinuha ko lang ang sapatos ko tsaka sinara na ito.
"Ay jusko, para kang kabute. Kung san san lumilitaw" wika ko kay Oliver habang hawak ko ang dibdib ko dahil sa gulat.
"Balita ko ikaw pambato ng 3B ahㅡ Galingan mo beshie ah" nakangiting wika ni Oliver at hindi ako natutuwa.
"Hey, easy! I just want to congratulate you." akmang yayakapin niya ako pero pumagitna samin si Phoenix.
"Hands off, cous." ang cool nya tignan dito. Nakaakbay na ang isang braso niya sakin habang ang kabila ay nasa bulsa niya.
Tinaas naman ni Oliver ang mga kamay niya na para bang signal ng surrender. "Okay cous, chill lang hahahaㅡSaan tayo magla-lunch?" tanong nito habang kinukuha ang phone sa bulsa.
"Kahit saan" wika ko. "Pfft. Laging yan sinasabi ng mga babae tapos paajsbhskahkan" tinapalan ko ng papel ang bibig ni Phoenix. Daming alam eh.
"Guys, mom texted me, nasa mall daw siya at niyaya ako maglunch. Kayo na lang muna ha, goodbye love birds" napabusangot ulit ako, sabi niya ililibre niya ko today.
"Kuya J tayoㅡmy treat" lumiwanag ang mukha tsaka tumango. Nagcrave ako bigla sa caldereta ng Kuya J.
After naming maglunch, nagtungo kami agad sa CSG Office, i forgot na may meeting pala kaming candidates ngayon.
"So tomorrow may rehearsal kayo at 1pmㅡGirls bring your high heels ah, much better kung yung gagamitin niyo sa mismong pageant yung gamitin nyo para masanay kayo. Okay? see you tomorrow and have a good day"
Tatayo nasa ako pero napatawa na lang ako nang makita ko si Phoenix sa tabi ko, natutulog. Hindi naman siya kasali kaya okay lang na matulog siya, nainip siguro.
"Phoenix, wake upㅡmale-late tayo kay Sir D" nakatingin lang ako sa kanya habang nagkukusot siya ng mata niya. So cute.
Magkahawak kamay kaming nagtungo sa room, buti na lang wala pa si Sir kundi sa labas kami uupo.
After nang mahaba habang discussion, finally uwian na. Kahit kailan talaga kj yonㅡfoundation day tapos may klase. Di ba siya marunong mag-enjoy.
Kinabukasan, tinanghali na naman ako nang gising kaya ayon muntik na kong ma-late sa rehearsal namin.
"Okay, ikotㅡ"
"ㅡtaas kamay"
"ikot ulitㅡ"Kakahilo yung production number na yon. Nagulat ako may malamig na dumampi sa pisngi koㅡpaglingon ko si Phoenix at yung malamig sa pisngi ko ay bottled water.
"Bakit ngayon ka lang? Tapos na rehearsal namin." wika ko tsaka ininom ang tubig.
"Sorry baby, tumawag kasi si Dad at nakipagkita" pilit siyang ngumiti at alam kong hindi siya masaya.
"Bakit ka sad? Diba dapat masaya ka kasi nagkita kayo ng Dad mo."
"Yeah, butㅡ gusto niya akong pabalikin sa London para ipagpatuloy ang paglakad ko sa company naminㅡ but I don't want to go back there. Hinding hindi na" naiintindihan ko siya kaya di na ko nagsalita pa ulit.
17 JANUARY 2020, 6:00 PM
SETTINGS: SCHOOL GROUNDSGrabe yung kaba ko ngayon, parang sasabog yung puso ko. Pilit ko pinapakalma ang sarili ko.
"Relax baby, I know you can do it." tumango ako at ngumiti.
"Galingan mo boss ah" pagchi-cheer naman sakin ni Gab.
"ㅡIn 5 minutes mag-start na ang pageant, so be ready candidatesㅡ"
Habang paakyat ako nang stage, feeling ko pinagpapawisan ako nang todo sa sobrang kaba. Pero nang makita ko sila Oliver at iba pa naming classmates na nagchi-cheer sakin, parang nabawasan ang kaba ko.
Tumugtog na ang kantang aming sasayawin, okay Maria Luciana, you can do it.
"If you want it.. take it... I should have said it beforeㅡ"
"ㅡthis is the part when I say I don't want ya I'm stronger I've been before"
"ㅡthought of your body, I came alive
It was lethal, it was fatal
In my dreams it felt so right
But I woke up every time
Oh babyㅡ""ㅡThis is the part when I break free
'Cause I can't resist it no more"[SONG I USED: BREAK FREE BY ARIANA GRANDE]
After naming mag production number, next naman is sports wear. Nagkaproblema pa kami kasi until now wala pa din yung partner ko.
"Nasan na ba si Josh?" tarantang wika ng aming president.
"Pres, di namin macontact"
"We don't have choice kundi maghanap ng iba" sino naman kaya ipapalit nila.
"Let's welcome the candidates with their sport wear attire."
Patay, eto na at isa isa na kaming pumila at ako na ang next na rarampa pero wala pa din akong partner. Bahala na, kaya ko 'to.
Pagtungtong ko sa stage, hiyawan ang mga tao.
*pose*
*pose*
*lakad*"What theㅡ"
Nagulat ako kasi may partner na ako at hindi si Josh 'yon. Kundi si..."ㅡPhoenix"
BINABASA MO ANG
The Game of the Death
Mystery / ThrillerThe dead person should rest in the afterlife, but, is it possible for the dead to be resurrected? date started: 2019