"Isama mo na 'yan sa mga bangkay doon, itabi mo kila Oliver ah. Ililibing natin sila pagkatapos natin mapatay ang dalawang daga."
"Bago mag-umaga dapat tapos na tayo, hindi tayo pwedeng madatnan dito dahil ayoko makulong."
"Paano pala si Alisson?"
"Hindi ko pa alam, baka kunin ko na 'tong katawanan niya."
-------
"Ano na plano mo?" tanong ni Nathan.
"Teka lang, nag-iisip pa ko"
"Paano kung makalabas yung dalawa? edi patay tayo." pagpapanic niya.
"May sugat si Phoenix, malamang magpapahinga 'yon saglit. Kailangan natin sila mapatulog para matapos na 'to."
"So, dadalhin pa din natin sila doon?"
"Syempre, that's the plan, Nathan. Duh!"
Nang makaisip ako agad ng bagong plano, tumayo ako at nagtungo sa clinic para kumuha ng syringe. Nakasunod lang sakin si Nathan habang kinukuha ko ang gamot na ituturok ko kila Lucy.
"Ang unang plano natin ay patayin ang mga gumahasa sa'yo noon, pero bakit dinamay mo sila Lucy?" tanong ni Nathan.
Oo, yun lang talaga ang plano ko noon, pero nagbago ang plano ko ng makita ko si Alisson na kasama sila Lucy kaya dinamay ko na din sila tutal kasalanan din naman nila.
"Gusto ko lang" maikling tugon ko.
"Hindi ka ba nakokonsensya, Chesca?"
"Konsensya? Bakit ikaw, nakokonsensya ka na ba? Pwede ka naman hindi sumama sakin, dahil pwede kang sumama kila Lucy sa hukay." nakitang kong napalunok si Nathan at nagiwas ng tingin.
"Tapusin na natin 'to"
POV: LUCY
Pinunit ko ang kapiraso ng gown ko para itapal sa mga sugat ni Phoenix na walang tigil na dumudugo.
"Tumakas ka na, Lucy!" nanghihinang wika ni Phoenix.
"Hindi kita iiwan dito, aalis tayo dito ng magkasama." hinawakan ko ang kamay niya at tumitig sa mga mata nito. Hindi ko alam kung matatapos pa ba 'to o hanggang dito na lang talaga kami, pero isa lang ang hiling ko. Makalabas dito na magkasama kami.
Tinulungan kong makatayo si Phoenix para makalabas na dito. Dahan dahan kaming lumabas para pakiramdaman ang paligid, hindi kami maliligtas kung tatakbo kami at may sugat si Phoenix kaya kailangan mag-ingat.
Hindi pa kami nakakalayo pero amoy na amoy ko ang dugong nagkalat. Parang kanina lang ang saya saya namin. Habang naglalakad, nakita ko ang mga walang buhay na katawan. Halos masuka ako sa mga nakikita ko, mga pugot na ulo ang iba ay hiwa hiwalay ang katawan. Malala na talaga si Chesca, hindi ko alam kung tao pa ba siya o halimaw. Kinain na siya ng galit.
Nabitawan ko saglit si Phoenix ng makita ko si Oliver, Gab at Joy na walang buhay. Pero agad akong bumalik sa sarili, hindi pwedeng maging mahina ako lalo na't sugatan si Phoenix, kailangan maging sandalan niya ko. Pero hindi ko pala kaya, napahagulgol na ko ng makita kong pugot na ulo ni Joy.
"Kaya natin 'to" bulong ni Phoenix, ningitian ko siya bilang tugon.
"Nandyan lang pala kayo, tapusin na natin 'to Lucy!!" nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang tinig ni Chesca, hindi ako papayag na mapatay niya si Phoenix, ako na lang wag lang siya.
"Ako na lang, Chesca, Wag mo na idamay si Phoenix please lang" pagmamakaawa ko.
"Okay, madali lang naman ako kausap eh. Nathan, gamutin mo na 'to si Phoenix at dalhin sa kotse, mauna na kayo doon."
Wala na kong nagawa kundi ibigay si Phoenix kay Nathan, hindi na nakapalag pa si Phoenix dahil nanghihina na din siya, lumapit ako kay Chesca para matapos na 'to. Napapagod na ko.
"Patayin mo na ko, kung 'yun ang gusto mo." tumawa si Chesca na parang baliw.
"Direct to the point ka talaga Lucy hanggang ngayon. Ayoko naman ng ganoon kabilis."
"Ano pa bang gusto mo, Chesca!!" sigaw ko kaya agad niya kong sinabunutan at sampal sampalin.
"Huwag mo kong sinisigawan, Lucy. Napupuno na ko sayo ah!!"
May ipinakita siya sa aking syringe. "Huwag ka mag-alala, malapit na tayo matapos" bulong niya at tsaka itinusok ang syringe sa akin.
Unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ko at naramdaman kong inilalagay niya ako sa kotse niya. Sa wakas, matatapos na din.
BINABASA MO ANG
The Game of the Death
Mystery / ThrillerThe dead person should rest in the afterlife, but, is it possible for the dead to be resurrected? date started: 2019