9

7 1 0
                                    

"A-alisson" halos di makapaniwalang nakapako ang mga tingin ko kay Alisson.

"Miss me? Kala nyo patay na ko?"

"Lushi, sino 'yoㅡ holy fudge, Alisson" parang binuhusan ng malamig na tubig si Oliver, kanina susuka suka lang 'yan, ngayon parang nahimasmasan na.

"You're back"

"Where have you been, Alisson. Ang tagal ka naming hinahanap"

"Diyan lang, sa tabi-tabi. I heard Lucy and Phoenix won the crowns, so i went here." totoo ba talaga 'tong nakikita ko? hindi ba ko nananaginip?

"Of course not, it is real Lucy" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, How? Paano niya nabasa ang nasa isip ko.

"Huh?" kunyare na lang na hindi ko siya naintindihan.

"I said pasok na tayo kasi malapit na umulan"

"Ah oo, pasok na tayo" something strange, pero hindi ko ma-figured out kung ano. Basta para may mali eh.

At dahil sabado ngayon hindi ko na napansin yung oras, 4AM na ng matapos yung celebration namin. Hinatid ko na yung ibang friends namin paglabas ng haring araw.

Sila Alisson, Phoenix at Oliver ang naiwan sa bahay. Pagbalik ko nagtatawanan na sila, ang weird lang kasi hindi madaldal si Alisson to the point na nakasimangot lang 'to kapag kausap mo.

"What's funny?" sabi ko.

"Eto kasing si Phoenix, funny masyado." tinignan ko sa mata si Phoenix, nafeel ko namang hindi siya comfortable kaya tumabi na ko.

"Bakit pala wala si Nathan dito? Hindi ba siya invited?" sunod sunod niyang tanong.

"Ha? Hindi mo ba alam?" tanong ko. "Alam ang alin?" kitang kita ko sa mga mata nya ang pagtataka. Hindi ba niya alam nangyari o nakalimutan na niya?

"Nasa ospital pa din siya" sabat ni Oliver. "OMG! Why? Is he okay? What happen sa kaniya?" conyo ka girl.

"Hindi mo ba talaga alam?" tanong ni Oliver, nakita kong medyo natigilan si Alisson.

"I don't remember talaga eh" pagtatakang sabi niya. Literal na natigilan kaming tatlo at nagtitigan. Paanong hindi niya alam yung nangyari kay Nathan, eh ang kwento nito magkasama silang dalawang nung gabing nawalan ng malay si Nathan.

"Ikukwento namin next time, diba Lucy"

"Ah oo naman"

Nagpaalam si Oliver na aalis na, sumabay sa kaniya si Alisson sa paguwi kaya kaming dalawa ni Phoenix ang naiwan.

"Nakakapagtaka talaga. Una, bigla na lamang siyang susulpot out of nowhere. Pangalawa, bigla din siyang bumait. Pangatlo, hindi niya alam nangyari kay Nathan." sunod sunod kong wika.

"Sit down, Lucy. Ako ang nahihilo sayo eh. Baka naman napag-isip isip na niya dapat maging mabait na siya." may point naman si Phoenix pero hindi ko maiwasan ang maguluhan lalo na't halos isang buwan nawala si Alisson tapos biglang babalik.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"Matutulog muna ako." umayos siya ng higa upang matulog, napansin naman niyang nakatingin ako sa kaniya kaya dumilat siya at tinakpan ang sarili niya.

"Kapal mo, hindi kita re-rape-in noh, asa ka naman"

"Kung makatitig ka kasi kala ko may masama ka ng balak sakin"

The Game of the DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon