Chapter 12: Ian Side
Madisson's POV
Kumukulo ang dugo ko sa lalaking nakaharap sa akin. Napayukom ang aking kamao.
"Bakit hindi ka pa umaalis?! Umalis ka na!"
"Princess, huwag kang maging bastos sa bisita." Kahit na malambing ang pagkakasabi ni dad may pagdiin ang salita ni dad.
Napatingin ako sa kay daddy na naluluha. Gusto ko na umalis na ang lalaking 'yon! Ayo'ko siya makita.
"Daddy please, palayasin niyo siya, nagmamakaawa ako. Please."
"Kung hindi mo sasabihin ang dahilan kung bakit gusto mo palayasin si Chris hindi siya aalis." Napayukom ako at sinamaan ng tingin si Ian. Ngunit ngumiti lang ito.
Walang hiyang hayop siya! May gana pa siyang ngumisi sa ginawa niya sa akin.
Umiwas na ako ng tingin at napatingin kay daddy, nakita ko ang pagngiti nito. Napakunot naman ang noo ko, parang may plano yata ang tatay ko?
"Maiwanan ko muna kayo para makapag-usap. And hijo, nice to see you, again." He tapped his shoulder before he leave me to that man.
Aalis na sana ako ngunit hinawakan niya ang braso ko, naramdaman ko ang kuryente na dunaloy sa aking katawan kaya tinabig ko ito.
"A-ano ba! Huwag mo kong hawakan!"
"A-Adi, I want to talk to you, let me explain."
Ngumisi ako. "Ano naman ang i-e-explain mo sa akin? Na hindi mo sinadya 'yung paghalay sa akin? Wow! Hindi sinadya, hindi mo nga sinadya 'yon, oo tama! Hindi mo nga sinadya fuck you!"
Nakita ko ang sakit sa kan'yang mata. Kumirot ang puso ko, ayo'ko talaga na may nasasaktan dahil sa akin pero gusto ko sabihin sa kan'ya lahat ng maling ginawa niya sa akin, na kahit anong explain ang sabihin niya sa akin hindi na mababago ang lahat dahil binaboy niya ako.
"Alam kong mali ang ginawa ko sa'yo Adi. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa'yo, pero ginawa ko 'yun dahil mahal kita. Gusto kong angkinin ka at anakan ka para hiwalayan ka ni Brayden pero hindi nga nagbunga ang ginawa ko sa'yo."
"At hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa anak ko."
Saka ako tumalikod at nagsimulang umalis ngunit napatigil ako ng bigla siyang nagsalita.
"I used drugs to forget you pero iba pala ang nangyari, imbes na kalimutan ka, may masama pala akong magagawa."
Christian's POV
Napapikit ako. Ayo'kong maalala ang ginawa ko kay Adi. Pero alam kong ginusto ko na mangyari 'yon, hindi ko lang inasahan na mangyayari ang lahat na 'yon.
Nagalit si Adi sa akin, pinilit ko ang sarili ko sa kan'ya. Binaboy ko siya, kaya kinamuhian niya ako. Kinalalayuan na parang may nakahahawang sakit. I deserved that.
"Kaya ang kabayaran sa ginawa ko sa sa'yo ay sumuko ako sa batas kahit ayaw ng mga magulang ko, na makulong ako kahit gusto nila ako piyansahan hindi ako pumayag. Kailangan ko pagbayaran lahat ng kasalanan na ginawa ko."
Bigla itong humarap at nakita ko ang maganda niyang mukha. I love her lovely face. If I can stare at her face forever, gagawin ko talaga.
"Alam mong pinagkatiwalaan kita, dahil kaibigan ka ng asawa pero nagkamali ako na pagkatiwalaan ka, katulad ka rin ng kaibigan mo. Hindi ko alam kung bakit mo ginawa sa akin 'yon." Bigla nalaglag ang luhang pinipigilan niya, kumirot ang aking puso sa nakita ko. "May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong mali sa inyong dalawa?"
Hindi ako umimik, tinitigan ko ang luhaan niyang mukha, hindi ako makapagsalita. Para akong nawalan ng boses. Hindi alam kung ano ang sasabihin baka pumiyok ako pag nagsalita ako.
"Sagutin mo ako, hayop! Huwag kang tumahimik, at huwag kang masaktan dahil hindi ikaw ang na-biktima kaya sagutin mo ang tanong ko!"
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang tignan siya habang sinasabi ko sa kan'ya ang lahat, dahil alam kong masasaktan siya, magagalit siya sa akin.
"Nagawa ko lang 'yon dahil mahal kita. Kahit ayo'kong gawin 'yon, ginawa ko, para hiwalayan ka ni Brayden, para ibigay ka niya sa akin." Lumapit siya sa akin at saka ako pinagsasampal.
I bitterly smirked. I deserved her slaps. "Ginawa mo 'yon dahil mahal mo ako! Hah! Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo! Dahil diyan sa pagmamahal mo na binigay mo sa akin, pinatay mo ang anak ko, sinira mo ang buhay ko!"
Parang lahat ng dugo ay napunta sa akin ulo. Para akong sasabog. Hinawakan ko ng mahigpit ang balikat niya at inalog-alog siya.
"Ako lang ba ang sumira sa buhay mo?! Ako lang ba?!" Napatawa ako ng pagak. "Bakit si Brayden, sinira rin naman niya ang buhay mo, ah?! Bakit parang ako ang may malaking kasalanan?! Bakit hindi ba sinira rin niya ang buhay mo?! At pinatay niya rin ang anak niyong dalawa?! At niloko ka niya habang kasal ka sa kan'ya, ikaw nga ang asawa niya pero iba ang kasama niya, hindi ikaw!"
"Bitawan mo ako!" Saka niya ako tinulak. Bigla siya nag-iwas ng tingin. "Kahit paulit-ulit niya akong saktan, mapapatawad ko siya, dahil mahal ko siya." Mahina niyang sabi ngunit narinig ko 'yon, malinaw na malinaw ang bawat salitang lumabas sa kan'yang bibig
Napapikit ako. Naramdaman ko ang luhang tumulo sa aking mga mata.
"And please umalis ka na, huwag ka na rin magpapakita sa akin. Dahil kahit anong gawin mo hindi kita mapapatawad at hindi kita mamahalin kahit kailan."
Para akong sinaksak sa dibdib sa sinabi niya. Lumakad na siya papaalis. Napayukom ako ng kamao.
Ngunit nagsalita ako na nagpatigil sa kan'ya. "Hindi ko maipapangako na hindi ako magpapakita sa'yo, dahil gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako." Saka ako tumalikod at umalis.
---
Ang hirap talaga mga bessy! Hindi ako makapili sa kanilang dalawa, goodness! Parehas silang fafa!
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceMadisson Rivera is a simple girl. Boys admired her beauty even the bad boy of their school- Austin Brayden Castello. Austin do everything to own her, even he forced her- and carry their child and that she will marry him. Ngunit sa isang maliit na p...